Chapter Sixteen

14 0 0
                                    

Walang himala!

Marahil sa mga taong hindi naniniwala sa himala, wala nga talagang himala dahil iyon ang kanilang paniniwala.

Maging ako man, may mga panahon din namang nawawalan ako ng paniniwala sa isang himala.

Napapaisip nga ako sa mga panahong ito kung mayroon nga ba talagang himala.

"Mayroon, anak. Mayroong himala." Paulit-ulit nga lamang sinasabi sa akin ni Papa.

"Naniniwala ka din pala sa himala, Papa?" Sabi ko naman kay Papa.

Inilagay ni Papa ang librong binabasa niya tas seryoso niya akong tinignan. "Anak, hindi magaling is Papa sa mga wisdom words. Sometimes I act silly like a kid. Pero kahit ganito ako, anak. Naniniwala naman ako sa himala. At para sa akin ang isang himala ay iyong mga hindi inaasahang pangyayari na nararanasan natin sa buhay. Masama man o mabuti. Himala iyon, anak. Parehong himala." Paliwanag pa niya sa akin.

Natahimik ako kasunod ay itinuon ko ang mga mata ko sa bughaw na langit na matatanaw ko sa bintana ng kwarto ko. Marahil tama si Papa. Isang himala din naman ang naranasan kong mabuhay sa mundong ito.

"I'm back!" Biglang sigaw ng pamilyar na boses na pumukaw ng atensyon ko at nang tinignan ko kung sino ang nagsalita, si Rain ito.

Gumuhit sa mga labi ko ang isang ngiti. Masayang-masaya ako kasi sa wakas nagpakita na sa akin si Rain na halos isang buwan atang hindi ko nakasama dahil napilit kong pagbakasyunin muna sa Lolo't Lola niya para naman makapag-me-time siya.

Bigla namang tumayo si Papa. "Ah! I know you miss each other so much. Kaya exit na muna ako." Agad na sabi ni Papa. Ngumiti si Rain tas si Papa naman tinapik ang balikat ni Rain at pagkatapos magpaalam sa akin ay naglaho na nga siya sa kwarto.

Pagkaalis ni Papa, agad akong nilapitan ni Rain at hinalikan niya ang noo ko. Ngumuso naman ako dahil gusto kong halikan niya ang mga labi ko kaso tinignan lang niya ako.

"Ba't naging mukhang pato iyang bibig mo?" Tanong niya naman sa akin.

Inirapan ko siya kasi dismayado akong di niya na gets ang gusto ko. "Tsee.. di ba ako obvious?" Sagot ko.

Isang pilyong ngiti ang napansin kong pinakita sa akin ni Rain. "Ah! You want me to kiss your lips?" Parang may panunukso pa sa tuno ng pananalita niya.

"Of course! Miss kaya kita. Sobra." Diretso kong tugon.

Di na nagsalita si Rain dahil ang kasunod niyang ginawa ay biglaan niyang hinalikan ang mga labi ko na kinagulat ko. Di tuloy ako nakapaghanda.

"And I miss you too. Sobra-sobra." Agad niyang sabi pagkatapos niya akong mahalikan.

Parang dinuduyan naman ang puso ko dahil sa narinig kong sabi ni Rain at parang gusto ko ding hawakan ang mukha niya.

"Mai, pahawak nga ng pisngi mo."

Wala din namang pagdadalawang isip si Rain, agad pa nga siyang umupo sa harapan ko tas siya ang kusang naglagay ng mga kamay ko sa pisngi niya.

"Mai, can you not forget this handsome face of mine?" Agad pa nga niyang sabi sa akin.

Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Pakiramdam ko kasi, oras na may lalabas na salita sa bibig ko ay parang sasabay din atang papatak ang mga luha ko at ayoko munang umiyak sa harapan ni Rain dahil kakakita nga lang namin tapos mag-iiyakan pa kami. Dahan-dahan ko na lamang hinaplos ang buong anyo ng mukha ni Rain at tinignan ko din ito ng mabuti nang mapansin kong parang may nag-iba ata sa anyo niya.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon