Chapter Four

28 3 0
                                    

Araw ng palaro.

May ginaganap na palaro sa lugar ni Papa tuwing sumasapit ang araw ng tag-init.

Napuno ngang mga tao ang isang patag na lugar kung saan ginaganap ang palaro. May mga malalaking sound system na nagpapatugtog ng mga masasayang musika. May mga nakasabit ding mga maliit na banderas na may ibat-ibang kulay.

Nagsuot ang mga manlalaro ng t-shirt na may kanya-kanyang kulay na-aayon sa kung saang miyembro ng team ang mga ito. Mayroong walong koponan. Bawat koponan ay may walong miyembro.

Kulay asul ang t-shirt ng team namin. Kulay asul iyon dahil paboritong kulay ito ni Botyok —isang labindalawang taong gulang na batang lalaki at siya ang leader ng team namin. Si Botyok ang nag-engganyo sa akin na sumali sa laro dahil kulang ang miyembro ng kanyang team. Hindi naman ako nagdalawang-isip na sunggaban ang alok sa akin ni Botyok dahil hindi ko pa naranasan ang maglaro sa ganoong palaro at gusto ko itong subukan. Kasama ko sa team sina si Yohan at si Popoy —Barkada sila ni Botyok at magkaedad din sila. Sumali din si Michelle —Ate ni Yohan. Sina Lucas at Lulu —ang magkambal na pinsan ni Rain at kaedad din nila si Botyok. At pinilit ko ring isali sa laro ang ayaw sanang sumali na si Rain.

Atat na atat nga ako noong oras na iyon na umpisahan na ang laro. Nagkahalo-halo din ang naramdaman ko. Sobrang excited ako at parang kinakabahan ako.

"Magandang araw po sa inyong lahat! At sana kumain po kayo ng marami dahil ngayong araw na ito! Abay! Talagang mapapalaban kayo! Pero bago po ang lahat, malugod ko po kayong pinasasalamat dahil andito na naman kayo at walang sawang sinusuportahan ang ating Summertime Kasiyahan! At ako nga po pala ang inyong tagapagsalita for today! I'm MC Dee-Eee-Eef-till-Zee!" Kumakaway ang tagapagsalita sa harap ng madla. Pinapalakpakan naman namin siya. At nagsalita ulit siya.

"Ready na ba ang ating mga kalahok sa palaro natin na tinatawag na Baranggay Legend!?" Sigaw niya.

"Handang-handa na!" Magkasabay ngang tugon ng lahat.

"Very good! At alam ko! Excited na kayo! Hindi ko na nga papatagalin pa ito! Tottororot... totot! The game start now!" Masayang bigkas ng tagapag-anunsiyo na sinabayan din namin ng mga masigabong palakpakan.

Nasasabik at handang-handa na ang mga manlalaro. Inilagay ako ng team ko sa unahan ng pila dahil naniwala sila na malakas ako at pressured ako kaya't kinabahan ako. Pinilit ko ngang tanggalin ang kaba ko sa pamamagitan ng martial art performance.

"Haya! Kaya ko'to! Sanay na sanay ata ako sa mga hamon ni Kuya noong nasa BNK pa ako. Haya!" Sigaw ko pero hindi ko naman napigilan ang masamang amoy na lumabas sa pwet ko.

"Ate Sum? Umutot ka ba?" Si Botyok ang kasunod ko kaya't marahil naamoy niya ang utot ko.

Tumango ako at nag-sign of peace sa bata. "Ay! Sorry, ha. Minsan kasi nautot ako pag kinakabahan ako." Tugon ko kay Botyok.

"Ako din, Ate. Kinakabahan din ako. Pero iniisip ko na lang ang sabi sa akin ni Papa."

Na-curious ako sa sinabi ng Papa ni Botyok. "Aah.. Ano pala sabi ng Papa mo sa'yo?" Tanong ko kay Botyok.

"I-enjoy ko lang daw iyong mga laro." Nakangiting tugon ni Botyok sa akin.

Napangiti ako sa sinabi ni Botyok. At nabigyan din ng idea kung ano ang dapat na gagawin ko. "Ay, tama! Tamang-tama ang sabi ng Papa mo. Dapat talaga mag-enjoy lang tayo!" Masayang sabi ko.

Inenjoy nga namin ang unang laro. Pero ganoon talaga sa isang laro, may nanalo at may natatalo. Kabilang nga ang team namin sa talunang team sa unang laro.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon