Chapter Eleven

7 0 0
                                    

Pinilit ko ang sarili ko na magustuhan ko ang ospital, kahit ang totoo ayoko na talagang manatili sa lugar na ito.

Nakikipagtsimisan na nga ako sa ibang pasyente, para lang hindi ako mainip. Buti na lang talaga, madaldal ako at kahit sino pwede kong kausapin. Pero mas close ko sina Ate Sally, Key at Grace. Sila nga ang lagi naming kasama ni Rain.

At labis din namang nagpapasalamat ang Papa nina Grace at Key dahil sa presensya namin.

"Salamat talaga sa inyo." Bigla sabi ng Papa nina Grace at Key sa aming dalawa ni Rain nang minsang binisita namin si Grace.

Nagtaka pa nga ako kung bakit siya nagpapasalamat sa amin.

"Bakit naman po kayo nagpapasalamat? Wala naman po kaming ginawang mabuti sa inyo, eh." Sabi ko pa nga sa Papa nina Grace at Key —siya si Tito Greg.

"Nagpapasalamat ako na lagi ninyong sinasamahan ang anak ko. Alam nyo naman siguro na lage din akong wala sa tabi niya dahil nga sa trabaho ko. Pero dahil sa inyo, nagkaroon siya ng kasama." Tugon ni Tito Greg sa akin.

Hindi kami umimik ni Rain. Ramdam ko naman ang pagpapakawala ni Tito Greg ng isang malalim na paghinga na para bang kay bigat ng nararamdaman niya.

"Naawa na nga ako sa mga anak ko, eh. Nagiging mature na sila kung mag isip dahil sa mga pinagdadaan nila. Lalo na iyang panganay ko. Pero syempre, bata pa din naman siya at hindi niya maiaalis iyong masaktan at malungkot. At marahil ayaw din niyang ipakita sa little sister niya na umiiyak siya, kaya nga ginagawa niya iyon ng patago." Kwento sa amin ng Papa ni Grace.

Nakita na din namin ni Rain ang palihim na pag-iyak ni Key. Pero hindi ko maintidihan kung bakit palihim lang na pinagmamasdan ng Papa nina Grace at Key ang umiiyak na si Key. At gusto ko talagang malaman ang dahilan ni Tito Greg.

"Ai! Tito, may itatanong lang ako, ha. At sana wag po kayong magalit sa tanong ko po. Gusto ko lang po kasing malaman kung bakit hindi niyo po nilalapitan si Key kapag umiiyak po siya? Diba po? Mas kailangan ni Key ang may nagpapagaan sa nararamdaman niya?" Tanong ko nga sa kanya.

"Ah! Naiintidihan kita. At pinili kong hindi lumapit sa anak ko, para bigyan siya ng pagkakataong mailabas ang lahat ng sakit, sama ng loob at stress niya. Pero hindi ko naman siya pinababayaan, malayo nga lang ako at nakikiramdam." Tugon niya sa akin.

Natahimik lang ulit kami ni Rain. Ako naman, pinili ko ang manahimik kasi ramdam ko na para bang gusto ng Papa nina Key at Grace ang may kausap. At hinayaan ko ngang magsalita ulit si Tito Greg.

"Alam nyo, nakakatuwa nga iyang si Key, eh. Kapag nasa harapan iyan ng kapatid niya. Aynaku! Kunwari malakas at matatag siya. Pero ang totoo mahina at iyakin pala." Dagdag ni Tito Greg habang nasa mga labi niya ang isang pilit na ngiti.

Tumingin din siya  sa natutulog na si Grace tas muling bumuntong hininga at nagsalita.

"Pakiramdam ko nga, parang wala akong silbing ama. Kasi kahit nagsusumikap ako na magkakaroon ng maraming pera para sana mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya ko. Pero hindi pa din sapat ang lahat ng pagsisikap ko. Because I can't buy life, hindi ko pwedeng bilhin ang buhay ng asawa at kalusugan ng anak ko." Pagkasalita ni Tito Greg ay saglit siyang tumalikod sa amin.

Ramdam kong pinupunasan niya na ang mga luha niya. Tanging paglabas lang ng hangin sa ilong ko ang nagawa kung gawin, medyo pakiramdam ko na din kasi ay maiiyak na ako. Buti na lang hinimas ni Rain ang likod ko na parang ramdam niya na naging emosyonal na ako at gusto niya akong damayan.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon