Chapter Eighteen

4 0 0
                                    

Araw ng pasko at araw din ng paglabas ko sa ospital.

Dinala ako ni Mama sa isang lugar kung saan ginanap ang inihandang salu-salo para sa araw ng paglabas ko.

Nasasabik ako sa araw na iyon kasi sa pagkakaalam ko araw din iyon ng muling pagkikita namin ni Rain.

"Maligayang pasko at maligayang paggaling, Apo ko." Si Lolo Eddie ang unang bumati sa akin na sinabayan din niya ng kanyang mahigpit na yakap.

Ramdam ko din sa garalgal na boses ni Lola Corazon na para bang maiiyak na siya. "Salamat sa Diyos dahil makakapiling ka pa din namin, Apo ko. Talagang lubos ang pasasalamat ko sa kanya." Ramdam ko ang buong pusong kasiyahan ni Lola at syempre isang mahigpit na yakap din niya ang natanggap ko.

"Ma, wag mo namang tagalan iyong yakap mo sa apo mo. Alam mo naman na marami pa kaming nakapila dito, eh." Si Tita Daday ang nagsalita.

Agad namang kumalas si Lola tas sinungitan niya si Tita Daday. "Paki ko sa inyo? Eh gusto kong mayakap ang apo ko." Tugon ni Lola tas bigla na lang may lalaking boses ang nagsalita.

"Ma, ako naman ang pagbigyan mo."

Agad naman akong tumingin sa nagsalita at nakita ko si Tito Joni. Na sorpresa tuloy ako at nayakap siya.

"Tito Joni." Sambit ko.

"Oh! Ano? Na surprise ba kita!" Sabi pa nga sa akin ni Tito Joni.

Kumulas ako sa pagyakap kay Tito Joni at Tumango sabay napangiti sa sobrang galak na nakita ko na ulit ang Tito Joni ko. "Oo nga po eh. Ba't hindi nyo po sinabi?" Tugon ko pa sa kanya.

"Ay! Hindi na sorpresa iyon." Nakangiting tugon ni Tito.

Tas bigla siyang may tinawag at may isang magandang babae nga ang lumapit sa amin.

"Sum, I want you to meet your future Tita-in law. My love, Kattie." Nakangiting sabi sa akin ni Tito.

Ngumiti sa akin ang babaeng pinakilala ni Tito tas ngumiti din ako sa kanya.

"Nice meeting you po." Sabi ko. 

"I'm so happy to meet you, too. Can I hug you?" Ngumiti siya sa akin.

"Of course po." Tugon ko at nagyakapan na nga kami.

"Oh, siya! Tama na muna ang yakapan na iyan. Papasukin muna natin ang Apo ko kasi madami pang mga bisita ang naghihintay sa kanya." Si Lolo ang nagsalita.

Halos napanganga naman ako kasi di ko inaasahan na magiging bisita ko din ang buong kamag anak ni Rain. Agad nga akong niyakap ni Lolo Isko at Lola Ester.

"Apo ko! Maligayang pasko sayo at maligayang pagbabalik." Agad na sabi sa akin ni Lola Esme tas niyakap niya ako.

Bigla ding hinaplos ni Lola Esme ang dibdib ko nang kumalas siya sa pagyakap sa akin. Naguguluhan pa ang ako kung bakit niya iyon ginawa pero inisip ko na lang din na baka nagpapasalamat lang si Lola Ester sa nagbigay sa akin ng bagong puso. Binati din ako ni Lolo Isko at pati din ang buong pamilya ng Tito Carlos ni Rain kasama doon sina Lucas at Lulu.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon