Chapter Nineteen

6 0 0
                                    

Ang plano magkasabay naming lalabanan ang lahat.

Pero ang totoo, siya lang pala ang lumalaban.

Aaah! Ang daya niya! Ang daya-daya niya!

Hindi ko tuloy malaman kung pareho ba kaming nanalo o talunan ba ako?

Aah! Ayan na naman ang langit! Ibinuhos na naman ang napakalakas na ulan! Parang gusto ata akong takutin. O di kaya'y hamonin!

Pero hindi na ako takot sa ulan. Parang gusto ko pa nga itong hamunin! At sana, kaya ding wasakin ng ulan na'to ang puot kong nararamdaman.

"Sige! Ibuhos mo na sa akin ang lahat-lahat!"

Nakatingala ako sa langit habang binulyaw ko ang mga tinig ko na tila ba walang taong nakapaligid sa akin, nang bigla namang may nakita akong payong sa uluhan ko. Si Bari ang nakita kong may hawak ng payong. Nakangiti pa siya sa akin.

"I think you really love rain, right?"

Ramdam kong mapapaiyak ako sa naging tanong ni Bari kay umiwas akong tignan siya.

"Yes, I love Rain and I love him so much." Mahinang tugon ko.

"Okey! Naintindihan kita. Pero baka kasi magkasakit ka. Ikaw talaga!" Saway niya sa akin habang ipinasuot niya sa akin ang jacket niya.

Ramdam ko naman ang pag-aalala ni Bari. Pero pinili ko nga lang ang isnabin siya kasi naalala ko ang ginawa niya sa akin.

"Hmp! Galit pa din ako sa'yo!" Gigil ko ngang sabi sa kanya.

"Sorry na nga."

"Hmp! Ewan ko sa'yo." Tanging sabi ko tas nilayasan ko siya at sinundan niya ako.

Eto naman kasing si Bari! Parang praning! Pabigla-biglang tumawag at humihingi ng tulong sa akin, may malaking daw siyang problema. Kinabahan nga ako, pero nalaman ko, naliligaw lang pala siya papunta sa bahay ko. At hindi na niya alam kung nasaan na siya. Nangigil nga ako sa sobrang inis, kasi nga pinag-alala niya ako tas simple lang pala ang problema niya. Pero inaamin ko, may kaunting kasalanan din naman ako sa kanya. Kung bakit kasi naikwento ko sa kanya ang plano kong pag bakasyon sa lugar ni Papa. Kaya ayon, gusto niya ring makisabay sa akin at sinang-ayunan ko naman.

Napagkasunduan nga namin na dumiritso na siya sa bahay ko, kaso naligaw nga siya. At nasundo ko siya.

"Ay! Madali lang pala ang papunta sa inyo, noh." Komento niya.

"Madali lang naman talaga, eh! Pero ba't naligaw ka!? At tsaka pwede mo din namang i-search sa google map iyong address ko, diba? Hindi mo ba bitbit ang phone mo?" May halong inis na sa boses ko.

"Dala ko naman. Kaso lowbat na ako eh. Nalowbat first sight sayo." Nakangiting sabi niya sa akin.

Napailing ako sa naging Sagot ni Bari.

Hai! Yan na naman siya sa mga pick-up lines niya.
Nabulong ko nga sa sarili ko at sa totoo lang, kahit ilang beses ko nang narinig ang mga pick up lines niya, naiilang pa din ako. Hindi na nga ako umiimik pa at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.

Narating na nga namin ang bahay ko. Naabutan namin na nakaupo si Mama sa sala pagkapasok namin sa bahay. Alam ko nagpapahinga siya kasi tulog pa din naman ang bunso kong kapatid. Wala din kasi ang stepdad ko, may trabaho siya. Agad namang binati ni Bari ang Mama ko tas inilahad niya ang kamay niya sa harap ng Mama ko.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon