Chapter Fourteen

5 0 0
                                    

Araw ng kaarawan namin ni Rain.

Maganda ang panahon, nakikita ko ito mula sa bintana ng kwarto ko.

Ramdam ko din ng mga sandaling iyon na puro magagandang balita ang matatanggap ko.

Sobrang saya ko nga sa araw na iyon dahil umabot ako sa edad na dyesi otso at mararanasan ko pa din ang aking debut.

Sa totoo lang, simula bata pa ako, dalawang malalaking selebrasyon ang gusto kong maranasan, ang debut ko at ang kasal ko.

Excited pa nga ako sa party na inihanda nina Mama at Papa. Hindi ko rin naman hiniling na bigyan ako ng birthday party. Gastos lang at alam kong nahihirapan din sina Mama at Papa sa mga gastusin ko sa pagpapagamot. Pero giit nila, minsan ko lang naman mararanasan ang mag debut sa tanang buhay ko, kaya hindi ko dapat ito palalampasin. Kaya ayon, nakipagsabayan na nga ako sa mga sorpresa nila.

Maaga pa lang na sorpresa na ako. Paggising ko, binati na agad ako nina Papa at Mama. At mayroon na nga agad akong unang pulang rosas at unang sayaw —si Papa iyon. Gustong-gusto na raw niya akong maisayaw, kaya hindi na daw niya papatagalin pa.

Hindi ko din inasahan na makakatanggap ako ng regalo galing kina Mama at Papa. Sinabi ko din naman sa kanila na wag na akong regaluhan kasi kontento na ako sa ihahanda nilang party, pero binigyan pa rin naman nila ako. Isang twinnings necklace ang binigay sa akin ni Mama, ipapasuot niya ang isa sa bunso kong kapatid. Si Papa naman, isang coffee mug na may nakapinta na masayang larawan naming dalawang at may nakasulat na mensahe.

To my beautiful Summer,
If I could only give you one thing in this life. I would give you the ability to see, how I see you every single day. Your beauty, your kindness, how happy you make me, and how proud I am of you. Then, you will be able to understand just how special you are to me. I love you so much, my Baby Summer. The one who truly love you, Papa Alonso.

Niyakap ko pareho sina Mama at Papa bilang pasasalamat sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga nila sa akin. Naiyak pa ako noon. Hindi ko na lang din napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, tumutulo na ito dahil sa sobrang kasiyahan ko.

Maaga ding dumating sina Lolo't Lola pero hindi nila kasabay si Tita Daday, kasi may gagawin pa raw siya pero nangako naman na darating sa oras ng birthday party ko. May regalo rin akong natanggap mula sa kanila. Si Lolo naman ang pangalawang sayaw ko at katulad ni Papa, gustong-gusto na rin ni Lolo ang maisayaw ako.

Nagtaka nga lang ako, kasi habang sumasayaw kami ni Lolo, parang papunta kami sa labas ng kwarto ko. At pagkalabas namin, nakita ko agad ang Stepdad ko —may hawak din siyang isang rosas. Parang naiintindihan ko naman na gusto din ni Tito Dingdong na maisayaw ako. Pero lihim ko namang hiniling na wag sana kaming magsayawan sa gitna ng hallway ng ospital. Nag-alala kasi ako na baka ma-trending ang beauty ko. Hindi nga lang natupad ang hiling ko, kasi nga isinayaw na nga ako ni Tito Dingdong at sa gitna pa talaga ng hallway.

Hanggang sa bigla na ngang sumulpot galing sa isang kwarto ang regular na Doctor ko, may dala din siyang rosas.

Oh my God! Lihim ko ngang nasambit.

Ayoko kasi ang maging sentro ako ng atensyon. At alam ko noon kapag isinayaw ako ng doctor ko, tiyak pagtitinginan kami. Pero huli na din para humindi kasi ipinasa na ako ni Tito Dingdong sa Doctor ko.

Nahihiya na nga ako kasi pinalilibutan na kami ng mga tao. Pero hindi na ako makahinto dahil nagka sunod-sunod na ang mga gustong makisayaw sa akin.

Nabigla pa nga ko nang bigla na lang akong ibinigay ng Doctor ko sa isang nurse na laging sumusubaybay sa akin —si Kuya Gary. Isinayaw nga ako ni Kuya Gary pero wala pang ilang minuto ibinagay niya ako sa kararating lang na si Kuya Kim —isa ding nurse.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon