Chapter Three

56 3 0
                                    

Sa haba-haba ng pagpupursige ko. Napaamo ko nga si Rain. Naging magkaibigan nga kami.

Grabe! As in todamars ang hirap ng dinanas ko para paamuhin siya!

Ini-insist niya kasi na hindi raw worth it ang magkaroon ng kaibigan, lalo na raw kung ang maging kaibigan niya ay ang isang katulad ko —kasi makulit daw ako at hindi ko raw naiintidihan ang salitang "ayoko sa'yo."

Naintindihan ko naman siya kaso nga lang wala sa bokabularyo ko ang salitang "sumurender", lalo na kung gusto kong maging kaibigan ang isang tao. Kaya nga ginawa ko ang lahat. Hindi ko siya tinantanan. Sinundan ko siya. Kinulit ko siya. Tapos isang araw, nasuklian din ang effort ko. Sumuko si Rain at naging magkaibigan na nga kami.

Halos araw-araw ko pa nga siyang nakakasama. At medyo marami na nga din akong nadiskobre sa kanya —katulad ng magkapareho pala ang petsa ng kaarawan namin at matanda lang pala siya sa akin ng isang taon. Napag-alaman ko din na nag-iisang anak din siya katulad ko. At hindi lang pangalan namin ang magkasalungat pati din sa ugali. Madaldal kasi ako at masayahin. Pero si Rain laging bugnutin, pala sermo at tipid magsalita.

Tudo sermon nga ang natanggap ko mula sa kanya nang makumbinse ko siyang turuan akong magbisikleta. Ang sungit-sungit niya noon. Pero hindi ko dinibdib ang mga sermon niya dahil desperado akong matutunan ang pagbibisekleta. At kahit nga ang init ng araw noong panahong iyon tiniis ko din.

"Grrr..! Paano mo nagawa sa akin ito?! Dried squid ang kinalabasan ko nito sa tindi ng init ng araw!" Paulit-ulit niya pa ngang inireklamo  sa akin.

Hindi ko din naman siya pinakinggan, abala din kasi ako sa pagbabalanse sa bisekleta na minamaneho ko.

"Oy! Wag mo akong bibitawan, ha." Hiling ko sa kanya.

Natatakot kasi akong matumba at pati siya na humahawak sa akin, baka mapahamak din dahil sa akin.

"Oo na! Kanina ka pa dada nang dada eh! Pwede bang asikasuhin mo na lang iyang pagbibisekleta mo para matapos na tayo!" Gigil niyang sabi sa akin.

Halata ko namang nahihirapan siya sa kakahawak sa bisekleta ko. Kaya nga nagsisikap akong mabalanse ko ang bisekleta at mapapaandar ko nang mag-isa.

"Gosh! Ang hirap pa lang magbisekleta, ano?" Komento ko.

"Anong mahirap? Try nga nating magpalit ng pwesto, para maramdaman mo din 'tong ginagawa ko." Sabi niya sa akin.

"Hoy! Kahit na nahihirapan ka na dyan. Wag na wag mo talaga akong bibitawan, ha." Sumamo ko.

"Oo na! Kahit sobrang bigat mo pa, hinding-hindi talaga kita bibitawan." Tugon niya na nagpalakas naman ng loob ko.

Pakiramdam ko parang nabalanse ko na ang bisekleta, kaya't hindi na talaga ako huminto at nagpatuloy ako sa pagpadyak, pero ramdam ko naman na para bang malayo-layo na ang narating namin. At nag-aalala ako kay Rain na baka napagod siya kaya't huminto ako para makapagpahinga siya.

"Oi! Pahinga muna tayo." Suhestyon ko tas lumingon ako sa kanya.

Hindi ko nahagilap si Rain sa likuran ko. At nagtaka ako kung bakit napakalayo ng kinaroroonan niya sa akin.

"Oi! Bat andiyan ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Ang bigat mo! Kaya ayon binitawan na kita." Tugon niya.

Kumunot ang noo ko, naguguluhan ako sa sinagot niya. "You mean, kanina ka pa hindi nakahawak sa bisekleta ko? At ako na lang ang mag-isang nagbibisekleta?" Panlilinaw ko.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon