Chapter Six

18 0 0
                                    

Mahalumigmig ang panahon.

Unang beses na hindi nagpakita ang araw simula nang lumage ako sa lugar ni Papa.

Medyo madilim nga ang paligid. Natakpan na kasi ng maitim na ulap ang asul na langit. Talagang nagbabadya na ang ulan.

Pero kahit hindi maganda ang panahon, pinuntahan ko pa din ang bahay ng Lolo't Lola ni Rain.

Ilang araw na din kasing hindi siya nagpakita sa akin. Hindi ko din siya nakikita sa mga lugar na lagi niyang tinatambayan. Hindi din naman alam ng mga batang laging kasama ni Rain kung bakit walang anino niya ang nagpapakita. Hindi din niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi na nga ako nakatiis at alalang-alala na din ako sa kanya, kaya't nakapagdesisyon akong bisitahin siya sa bahay nga ng Lolo't Lola niya para kumustahin siya.

Sa totoo lang, iyon ang una kong pagpunta sa bahay ng Lolo't Lola ni Rain. Ayaw din kasi ni Rain na puntahan ko siya sa bahay ng Lolo't Lola niya at hindi ko din alam ang rason. Hindi ko din siya kinukulit na imbitahan ako sa bahay ng Lolo't Lola niya kasi feeling ko mas better talaga kung manggaling mismo sa bibig ni Rain ang idea na imbitahan ako.

And of course, may natitira pa namang kaunting hiya sa akin kahit na super feeling close talaga ang personality ko.

Medyo nag-alangan pa nga ako na pindutin ang doorbell kasi nga naiilang pa ako at nahihiya, pero dahil sa paghahangad ko na makita at makumusta si Rain, pinilit kong magkaroon ng lakas na pindutin ang doorbell ng bahay.

Agad naman akong pinagbuksan ni Lola Estér —ang pangalan ng Lola ni Rain. Nagmano muna ako at bumati. Ningitian ako ni Lola Estér at agad ding pinatuloy sa loob ng bahay. Pansin kong halos magkapareho ang mga kasangkapan sa bahay ng Lolo't Lola ko at sa bahay ng Lolo't Lola ni Rain —halos gawa din sa  kahoy ang sa kanila at may mga nakasabit ding mga photo frames sa dingding nila. Dagli ko ngang hinanap ang mga litrato ni Rain pero hindi ko na nahanap ito dahil sa biglaang pagsalita ni Lola Ester at naituon ko nga ang atensyon ko kay Lola.

"Napasyal ka, Apo?" Tanong ni Lola Ester pagkatapos niya akong pinaupo.

"Aam... Kasi po... Gusto ko lang po sanang ibigay itong baked sweet potato kay Rain." Tugon ko sabay ipinakita ko ang bitbit kong kamote, sinadya ko talaga ang magdala ng kamote para hindi mairason ako sa pagdalaw kay Rain.

Tinanggap muna ni Lolo ang tupperware na may lamang kamote tas kinausap ako. "Ay, salamat sa kamote mo, Apo. Paborito talaga ito ng Apo ko. Sayang nga lang kasi wala siya dito." Tugon ni Lola na pinagtataka ko.

"Ah! Ganoon po ba? Pwede ko po bang malaman kung nasaan po siya at kung okey lang po ba siya? Kasi po, ilang araw ko na po siyang hindi nakikita, eh." Kwento ko kay Lola Estér.

Pansin ko din ang pagbubuntong-hininga ni Lola. "Aynaku! Pasensya ka na, ha. Hindi ko din alam kong nasaan ang Apo ko na iyan, eh. Halos araw-araw din naman kasi na wala siya sa bahay. At hindi din iyan mahilig magpaalam kasi nga masekreto din iyang Apo ko na iyan, eh. Kaya nga hindi ko din alam kung saan na iyan nagpupupunta." Tugon ni Lola nang bigla na lang may nagsalita.

"Baka nasa puntod na naman siya ng mga magulang niya." Nagulantang naman ako sa sinabi ni Lolo Isko.

Mabilis ko ngang natignan si Lolo Isko dahil gusto kong linawin ang sinabi niya.

"Po? Wala na po ang mga magulang ni Rain?" Tanong ko.

Agad na tumango si Lolo tas tumingin siya sa dingding. Tinignan ko din ang tinitignan niya at nakita ko ang isang photo frame. Nahulaan ko naman na family photo ito ni Rain, pero sa photo frame na ito parang limang taong gulang pa lamang si Rain.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon