Saturday.Whole day na naman akong mababagot nito. Bakit ba kasi naimbento pa yung weekends eh. Pwede namang araw-araw nalang may klase para araw-araw kong makikita si Moon. Haaay, gustong gusto ko ng mag-Monday.
Oo na, kung dati pinakahinihintay ng mga estudyante na katulad ko ang weekends, ngayon mas gusto kong nasa eskwelahan.
Napapikit ako at bigla ko na namang naalala kung paano ako tanongin ni Moon na maging girlfriend.
Napabalikwas ako sa thought na yun sabay hawak sa dibdib ko.
Girlfriend.
Oh my gulay!
I just got myself a girlfriend.
Napahiga ako sa kama ko habang naka spread ang dalawang kamay at paa ko.
"Kinikilig akoooo!!!" Tili ko sabay hagikhik.
Paano ba 'to? Hindi ko alam paano gawin yung girlfriend thingy na yan? Wala akong experience sa lovelife. First time ko pang makaramdam ng ganito ka-intense sa isang tao.
I should probably buy a book about love. Baka may matutunan ako. Tama!
Napaupo ulit ako. Since Saturday naman at wala akong gagawin kasi tapos na ang test namin and malapit na ding mag Christmas vacation, pupunta nalang ako ng mall.
"What if iinvite ko si Moon?" This could be our first date outside the treehouse.
Sakto namang may kumatok sa kwarto ko.
"Iha, someone's on the phone looking for you." That's Manang Olivia, ang mayordoma dito. Parang nanay na din ang tingin ko sa kanya dahil sya naman parati nakakasama ko dito. Asawa din nya si Manong Alvin. Mas formal nga lang ako tawagin ni Manong kesa kay Manang.
"Sige po, salamat po."
Bumaba na ako para kunin yung cordless telephone na nasa sala. Siguro si Lovi lang 'to, mangungulit. Gawain nya kasing tumawag sa'kin ng umaga every weekends.
"Hello?" Walang gana kong sagot at bagot na bagot na humiga sa Camelback sofa namin.
"Calliope."
Agad naman akong napabalikwas nang marinig ang boses na yun. She doesn't sound like Lovi, at lalong lalo na hindi ako ganun tawagin ng bestfriend ko.
"H-hello? S-sino to?" Kinakabahan kong tanong. I just wanna make sure na hindi ako nagkamali ng rinig sa boses na yun.
"It's me, Moon."
At hindi nga ako nagkamali. It was Moon who's on the line.
"H-hey, Moon. Uh— good morning."
I heard her giggle. "Good morning. How's your sleep?"
Wahhh! Bakit ganun sya? Ang kalmado nya lang habang kausap ako habang ako parang kiti-kiti na hindi mapalagay dito sa sofa.
"Umm, good. I-I mean it was great. Nakatulog ako ng maayos. You?"
Narinig kong huminga sya sa kabila and it gives me chills on my spine. Kahit simpleng paghinga nya parang kinikilabutan ako, in a good way of course.
"Honestly, I didn't sleep at all. You've been running on my mind the whole night."
Wow, that was so smooth, Moon. It gave me goosebumps and left me speechless. Paano nya ba to nagagawa sa'kin kahit over the phone?
"Thought you'd be so tired right now, but I'm glad you slept well last night." She continued. "I miss you."
What?? Hindi pa nga ako nakakabawi sa mga revelations nya kanina, tapos dinagdagan nya pa ng malupit na I miss you.
"I—uhhh ummm ano"

BINABASA MO ANG
Moonset (GxG)
Teen FictionWhen the moon disappears below the horizon, that's when people leave.