One - Meeting Moon

322 14 0
                                    


November 2009

"Sheb, come on. Please let me come with you."

My bestfriend, Lovi, whom I call sheb, looked at me as if I said the most ridiculous thing a person could ever say. Tumigil sya sa paglagay ng mga gamit nya sa bag at tinaasan ako ng kilay.

"Give me one valid reason para isama ka."

Napasimangot naman ako sa sinabi nya. "Why not? I also want to meet your friends."

Lovi has been my bestfriend since grade school hanggang ngayong malapit na kami grumaduate ng highschool. Magkaibang magkaiba kami ng personalities, pero sobrang nagclick kami. I guess that's because nababalance din namin ung isa't isa. She's very athletic, friendly, playful, and always the life of the party. Halos lahat dito sa school kasundo  at kaibigan nya. Paano kasi, ang ganda ganda ng lokarit na yan. At alam mo naman sa highschool, kapag maganda at cool, parang gusto kang kaibiganin ng lahat.

Habang ako naman ay mas focus sa studies. I guess you can say that I'm the typical highschool girl that loves to read books than to socialize. May mga kaibigan naman ako aside from her, pero usually pinag uusapan lang din namin ay about sa lessons namin sa school. People would often call me the girl next door.

"Why do you want to meet my friends?" Tanong nya sa'kin habang nilapit ang mukha nito sa mukha ko.

"Argh!! Ang sakit nun ah!" Reklamo nito nang lumayo sa'kin at hinawakan ang pinitik kong noo nya.

"Bakit ba ayaw mong makilala ko ang friends mo? Nakakatampo ka na! Lagi mo kaya akong iniiwan after classes eh dati naman magkasama tayong umuwi." Reklamo ko naman sa kanya. Lagi kasi itong nagmamadaling umalis eh. Katulad ngayon, nung nalaman nyang wala kaming teacher sa last subject eh nag-alsabalutan na ng mga gamit nya at ready ng umalis.

She looked at me for a brief moment. I can feel her hesitations as she lowered her head with a defeated sigh. "I— I just don't think you'll understand."

"Try me." I said and gave her a wide smile. I know Lovi, kahit di sya nagsasabi sa'kin, kilalang kilala ko na sya. That's why somehow gusto ko din makita yung mundo nya. After all, she's my bestfriend and I'm her bestfriend. Tanggap ko naman sya eh.

"Fine! Wait, dyan ka lang." Tumayo ito habang dala-dala ang LG nyang phone. May tatawagan siguro sya kaya naghintay nalang din ako dito sa bench. Busy ako sa kakatingin sa bestfriend ko nang biglang may nagsalita.

"Umm... h-hi Calli."

Napalingon ako dito. "Ohh, hi Joven. What's up?" Tanong ko dito. Classmate lang pala namin.

"Umm.. A-ano..."

He's standing in front of me habang nilalaro nya yung damo, at hawak-hawak ng kabila nyang kamay yung batok nya habang yung isa ay nasa likod nya. Hindi ito makatingin sa'kin.

"May sasabihin ka ba?"

Nag-angat ito ng tingin sa'kin. Ngumiti ito sa'kin na parang nagpapacute. Uh-oh, I think alam ko na 'to.

"F-for you."

Napatingin ako sa inabot nya. It was a bouquet of red roses.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa mukha nya at sa binibigay nyang flowers sa'kin.

"W-why?" Di ko maiwasang makaramdam ng hiya. Paano ba kasi, nakarinig ako ng pang-ttease samin sa likod nya.

"Uy Joven! Ano yan ha?" That's my bestfriend. Lumapit ito kay Joven at inakbayan ito. Sa age namin na sixteen, matangkad na si Joven, pero mas matangkad pa sa kanya ng konti si Lovi.

"Lovi, ibibigay ko lang sana 'tong flowers kay—"

"Uy thank you ha! Ang sweet sweet mo naman Holen ay este Joven." Sabi ni Lovi habang kinuha ang flowers dito at pinipinch pa yung cheeks. Natawa tuloy ako kasi ang cute tingnan ni Joven nung napasimangot ito.

Moonset (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon