Seventeen - Meeting Sunshine

79 5 1
                                    


"Wait lang sheb ha, ipapark ko lang yung kotse." Sabi ni Lovi pagkalabas ko ng sasakyan nya. Pinagbukas pa ako nito bago pumasok ulit duon.

I was standing infront of a beautiful church here in Baguio. Nauna kami ni Lovi dito. May van naman para sa entourage, but my bestfriend insisted na sumama ako sa kanya. Kaya eto ako ngayon, mag-isa sa harap ng simbahan habang hinihintay yung iba.

Grabe hindi ko alam bakit dito nya naisipan magpakasal. Sobrang lamig kahit pa magsa-summer na, hindi ko kinakaya. Kaya kahit naka-gown ako ay pinatungan ko talaga muna ng blazer. Mamaya ko nalang tatanggalin kapag nag-start na yung ceremony.

"H-hi."

Napatingin ako sa bumati sa'kin. Isa itong napakagandang bata na nahihiyang nakangiti sa'kin. Actually, hindi na ito mukhang bata, more like nagdadalaga na ito. Kung hindi ako nagkakamali, she's around ten to twelve years old. Nasabi ko na bang ang ganda nito? Kasi uulitin ko, napakaganda nya.

And her eyes... sobrang pamilyar ng kulay ng mga mata nya.

"Hello." Muntikan ko nang makalimutang batiin ito pabalik.

"Beautiful lady, may I know your name?"

Napataas ang kilay ko sa tanong nito. Ang mature naman makipag usap ng batang ito, dagdag mo pa na may accent sya.

"H-ha?"

She giggled. Hindi nya siguro inaasahan na mapa-speechless ako. Kasi naman, ano bang trip nitong batang 'to? Parang hindi naman to tambay lang dito sa simbahan dahil nakapostura ito.

"Your name, I want to know it." Confident nitong sabi.

Wow, mas confident pa nga ata ito sa'kin eh. Napaayos ako ng tayo at tumikhim. Nakakahiya naman na parang ako pa yung walang confidence sa'ming dalawa. Sa tandang kong 'to.

"I'm—"

"Calli!" I was cut off by my bestfriend. Parehas kaming napatingin ng bata sa tumatakbo kong bestfriend papunta sa direksyon kung nasan kami.

"Ate Calli, nice to meet you. See you around."

Bumalik ang tingin ko sa bata na nagpaalam na sa'kin. I didn't get to know her name. Hindi ko din alam bakit parang may iba akong nararamdaman sa batang yun.

Tumakbo ito papasok sa church. Baka isa sa mga bisita ni Ciara at maaga lang dumating dito. Mamaya malalaman ko din yung pangalan nya.

"Who was that?" Tanong ni Lovi nang makalapit ito sa'kin.

"I don't know."

Tumango naman ito at inakbayan ulit ako para pumasok sa church. "Malapit na daw sila. Sa loob nalang tayo maghintay."

~*~

Mula nagsimula ang seremonyas hanggang sa natapos ito ay hindi ko na ulit nakita yung bata. Maybe I was wrong to assume that she's one of the guests.

Hay dibale na nga. Bakit ba ako nagpapaapekto? She's just a little stranger.

Nasa reception na kami at kasalukuyang nilalantakan yung pagkain sa cocktail area. Actually, hindi ako pero yung dalawang kasama ko. Mga patay gutom eh.

Nagchange outfit pa kasi yung bride at groom kaya hindi pa totally nagsisimula yung program.

"Tsong, ano ayaw mo ba lapitan? Kasi ako lalapit."

Napatingin ako sa dalawa na busy sa pagkain while eyeing a certain woman. Hay naku, kawawang nilalang, mapagtitripan pa ng ng dalawa.

"Jacky baby, wala ako sa mood ngayon. Sayo nalang yan. I already have a date."

Moonset (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon