Dahan-dahan akong umakyat ng treehouse habang nakaagapay naman si Moon kasunod sa'kin."Wag kang maninilip ha?"
I heard her groaned. Natatawa nalang ako dahil alam kong mao-awkward sya kapag titingin sya sa taas. Naka-dress kasi ako. Tsaka gusto ko lang talaga syang asarin. Ang cute nya kasi eh.
Sunday ngayon at galing ako sa pagsisimba. Hindi ko kasama parents ko dahil si daddy may overseas meeting habang may emergency check-up si mommy at ayaw akong pasamahin.
Kaya nagpaalam nalang ako na may dadalawin lang akong kaibigan after ko magsimba na pinayagan naman ako agad. Oh, the perks of being a good daughter and student.
Sinundo pa ako ni Moon sa labas ng school kasi ayokong ihatid ako ni Manong Alvin dito.
Pagkaakyat ko ay napansin ko agad yung food sa center table.
"You prepared breakfast for us?"
Tumango naman ito na ikinangiti ko. Ang sweet ni Moon. Kahit pa nag breakfast na ako ay hindi ko talaga hihindian ang pagkaing niluto nya.
Hinawakan ko agad kamay nya at nakita ko pang napatingin sya doon. Marahil hindi sya sanay na ako yung nauunang humawak sa kanya.
Napansin ko din agad na parang namumula yung tenga nya. Ang cute naman nya mag-blush.
Hinila ko na sya para umupo. Parang natakam naman ako agad sa hinanda nya kahit sunny side up, bacon at fried rice lang yung niluto nya. Meron pang orange juice.
Lumingon ako sa kanya na nakatitig lang sa'kin. "Thank you for this breakfast. Let's eat?"
Tumango naman sya at kinuha yung baso ko bago bilagyan ng orange juice. Pinagsisilbihan nya talaga ako. Nakakataba naman ng puso.
Ninanamnam ko ng maigi yung pagkain na luto nya. Pansin ko lang nung dumating kami dito, parang wala pa din syang kasama sa bahay.
"Moon?"
"Hmm?"
Bakit naman ganun Lord, kahit hum lang ang ganda pa din pakinggan kapag nanggaling sa kanya.
"Where are your parents?"
Napansin ko naman agad yung pananahimik nya kaya napatingin ako dito. She looked kinda lost. Parang pinag-iisipan nya kung sasagutin nya yung tanong ko or hindi.
"You don't have to answer if you're not comfortable." Nakangiti ko namang sabi. Ayoko lang mapressure sya or something. But I'm really curious though.
Umiling naman sya at tumingin din sa'kin. "It's not that I'm not comfortable, b—baka maging uncomfortable ka kapag nalaman mo kung..." she paused and sighed. "Kung anong klaseng pamilya meron ako."
Dahan dahan kong binitawan ang kubyertos na hawak ko at bahagyang humarap sa kanya. I stared directly into her eyes. "Moon, nothing and no one can make me change my mind about you."
Minsan hindi ko na alam kung saan ko napupulot lahat ng mga sinasabi ko kay Moon, but everything I do and say to her, lahat yun galing sa puso ko.
"Let's finish our breakfast first tapos magkwentuhan tayo." Nakangiti na sya. Ayan, mas lalo syang gumaganda kapag nakangiti sya.
"Let's go?"
Nakatayo na sya habang hawak yung trey na pinaglagyan ng pinagkainan namin. Paano nya kaya yun naaakyat na nabababa? Parang ang hirap naman nun.
"San tayo?"
"Sa loob ng bahay. I want to show you something."
Naexcite naman ako bigla sa sinabi nya. This would be the first time na makikita ko yung loob ng bahay nila. Moon's house is really cute though. Pastel green yung paint nito sa likod na gawa mostly sa kahoy. At kung titingin ka mula dito sa window ng treehouse, makikita mo yung terrace nila. May sliding door din duon na natatakpan ng makapal na curtain mula sa loob.

BINABASA MO ANG
Moonset (GxG)
Teen FictionWhen the moon disappears below the horizon, that's when people leave.