Change is indeed inevitable.
That's something you have to accept no matter how difficult it makes things for you.
That's way too easy to say, but too hard to do. Especially kapag yung changes na yun ay nakikita sa taong mahal mo.
It's been two weeks since I last talked to Moon. Nung una pinapalampas ko nalang dahil masyadong naging busy na din kami sa school. Maaga din nag-exam kaming mga nasa honor list para mafinalize yung ranking. Exams dun, projects dito, and other extra curriculars pa.
Pero nung unti-unti ng nagkakaroon ako ng free time, ganun pa din yung nangyayari.
She won't answer my calls, nor reply to my text messages. She won't even look my way anymore. It's as if I don't exist.
And I have no idea why she's doing this. Pero umaasa akong may malaki syang dahilan. Umaasa ako na kung ano man ang dahilan nya, malalagpasan namin ito at maging okay ang lahat.
May idea din kaya sya na nasasaktan ako sa ginagawa nya? Yung pinipilit kong ipakita sa iba na hindi ako naaapektuhan, but when I'm alone and behind closed doors, I'll cry my heart out.
It's so strange how someone's feelings can just change overnight.
I wonder why time passes really slow when you're sad and really fast when you're happy. Katulad ngayon na tambay lang ulit kami ni Lovi sa labas ng classroom. May bench at mesa kasi sa labas ng mga classrooms.
"Wui." She poked my cheek. "Ano yang binabasa mo?"
"Just stuff."
"Nakakabagot naman dito. Kausapin mo nalang ako. Wala akong mapagtripan na classmates eh."
Napapailing nalang ako. Parehas kaming naunang magtake ng test last week. Nasa honor list din kasi 'tong si Lovi kahit sobrang tamad mag-aral.
Ramdam ko yung tingin nya sa'kin habang nakapangalumbaba sa mesa. "Shebby?"
Hindi ako sumagot.
"Sheb, wui."
Nabigla naman ako nang biglang lumapit ito sa'kin, as in sobrang lapit ng mukha nya sa'kin. Pinitik ko naman agad yung noo nya. Ganyan talaga sya kapag nangungulit eh.
"Aray! Mapanakit 'to."
"Bakit ba kasi ang kulit mo?"
"Ang boring eh."
Nag-ring na yung bell at may mga estudyante nang lumalabas sa mga classrooms. Nakaramdam na naman ako ng kaba dahil alam kong dadaan ang section nila Moon dahil sila yung papasok sa room namin. Gusto ko syang tingnan pero baka maiyak ako kapag ginawa ko yun. Miss na miss ko na talaga si Moon.
I just don't know how to handle this situation. Kailangan bang abangan ko na sya sa bahay nila makapag-usap kami kung anong problema? Or should I wait until sya na mismo ang lumapit sa'kin? Ano ba dapat? Kasi kung susundin ko yung gusto ko, I'd choose the former.
But I'm really scared. What if she doesn't want me anymore? Can I even handle that? Kasi iniisip ko pa lang ngayon, parang may kung anong tumutusok na sa dibdib ko eh.
Moon, this is making me crazy.
Naramdaman ko yung pag-akbay sa'kin ni Lovi kaya napatingin ako dito.
"Moon!" Nagulat ako nang nakatingin sya sa harap at ngumisi.
Nang tumingin ako sa harap ay nakita kong napatingin din sa kanya si Moon at tinanguan ito. Pero kahit isang segundo man lang ay hindi nya ako tiningnan.
Ibinalik ko nalang yung atensyon ko sa binabasa ko kahit wala naman talaga dun yung attention ko.
Why Moon? Why did you suddenly change?

BINABASA MO ANG
Moonset (GxG)
JugendliteraturWhen the moon disappears below the horizon, that's when people leave.