"Wui.""Psst!"
"Wui sheb."
Lovi poked my cheek. Wala na akong nagawa kundi tingnan sya.
"Bakit ang blooming mo ngayon?"
"What?"
"Inlove ka noh?"
"Ano?"
Urgh! Kanina pa ako nito kinukulit eh. Christmas Party namin ngayon sa school, bukas na ang start ng vacation. Hinihintay lang namin matapos yung set-up ng buffet dito sa classroom para magsimula.
"Yung totoo sheb, bakit ka nga blooming?" Tanong pa nito ulit.
"Teka nga Lovi, dati ba pangit ako para masabi mo yan?"
Umiling naman ito at nagpalobo ng pisngi nya. "Hindi. Mas blooming ka lang talaga ngayon. Siguro inlove ka na kay Joven ano?"
"What? Wag ka ngang imbento." Sinamaan ko lang sya ng tingin para tumigil na sya.
Hindi ako marunong magsinungaling kaya as much as possible, gusto kong madivert sa ibang bagay yung pag-uusapan namin.
Wala naman kaming balak itago ni Moon yung tungkol sa'min. Kumukuha lang ako ng tamang tyempo para kausapin namin sila. Hindi pwede ngayon kasi may ibang tao dito.
Plano naming mamaya magconfess sa kanila. We will be having a separate Christmas Party at Moon's house later, kasama si Ciara at Jack. It's gonna be a pajama party, syempre magsi-sleepover din kami. Buti nalang pinayagan ako ni mommy kasi kasama ko naman si Lovi, sya na daw bahala magsabi kay dad.
First time kong makaexperience ng sleepover kaya ngayon pa lang naeexcite na ako. Kinakabahan din ako sa magiging reaction nila.
"Anong oras kita susunduin mamaya sa inyo para pumunta kila Moon?" Tanong nitong katabi ko.
Ewan ko ba, pangalan pa lang ni Moon ganito na kalakas yung tibok ng dibdib ko. Masyado na ata akong naaattach sa kanya.
"Ikaw bahala." Kibit balikat kong sagot.
Ayan, dapat icontrol ko lang yung sarili ko. Baka mapansin nyang masyado akong excited kapag si Moon ang pinag-uusapan.
"Mabilis lang naman matatapos 'tong party eh. Uwi na tayo agad para makapagprepare. Magdadala pa ba tayo ng food or drinks?"
Halata nga na mas excited sya sa party mamaya kaysa sa gaganaping party ngayon. Well, ako din naman.
"I'll probably bring some, magdala ka na din. Nakakahiya naman kay Moon kapag sya nalang bahala sa lahat."
"Sabagay."
I just can't wait to end this party para makauwi na at makapagprepare ng dadalhin ko mamaya.
PABABA na ako ng hagdan kasama si mom nang saktong pumasok si Lovi.
"Hello po tita. Ang ganda ganda nyo naman po."
Lumapit si Lovi sa'min sabay kiss sa cheeks ni mommy. Ganyan yan, sobrang feeling close kahit kanino. Kaya tuwang tuwa din ang parents ko sa bestfriend kong 'to.
"Lovi, anak, ang tagal mo hindi nakadalaw dito sa bahay. How are you iha?" Tanong naman ni mom at umupo kami sa sala.
Five thirty na ng hapon. Six thirty ng gabi ang usapan namin kila Moon.
"Oo nga po eh. Hindi na kasi ako iniimbitahan ng anak nyo po tita. Ang bad nyan eh!" Sabi nya na ikinatawa naman ni mom.
Sinamaan ko naman ng tingin si Lovi. Puro pa-cute talaga ginagawa ng babaitang 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/284549993-288-k439340.jpg)
BINABASA MO ANG
Moonset (GxG)
Teen FictionWhen the moon disappears below the horizon, that's when people leave.