The sun rises and shines every day, but some people are incapable of seeing or feeling it.It's been days since the wedding, and here I am, feeling like a zombie.
How I survived the event after seeing her again? I have no idea. Ang alam ko lang, lahat ng iwas ginawa ko na para hindi ako mapatingin ulit sa kanya.
Buti nalang malaki ang area at madaming bisita. At buti nalang din kasama ko si Lovi, she never left my side. Maaga nga lang kami nagpaalam kay Ciara at Joven. I guess, somehow, may idea na man na sila kung bakit.
After that day, isa lang ang sure ako. All the sadness and pain I felt twelve years ago came back.
I used to put all my pain in a hard box and just hold it there. It was my way to survive. Pero sa isang iglap lang, natibag nalang ito, and everything hurts.
The only way I'd survive again is to pretend. To pretend until I'm stable again.
"Also, please take blood samples of Mrs. Atienza, I want to check her platelet blood cell." Sabi ko habang tinitingnan ang chart ng patient.
"Yes po doc."
Binigay ko naman agad kay Nurse Chen yung chart at nakipag-usap pa saglit sa patient, bago lumabas ng kwarto.
"Hi doc Calli." Magiliw na bati sa'kin ng kapwa ko doctor.
"Doc Rain." I nodded, acknowledging her presence.
Magkatabi na kaming naglalakad ngayon papunta sa first floor.
"Ang serious mo na naman today, doc. You know, you should smile often. Toxic na nga dito sa hospital, itatago mo pa yung magandang ngiti mo." She said, bumping me with her shoulder.
Doctor Loraine Santiago is a resident doctor specializing in Surgery habang ako naman ay Oncology. We're both on our third year as residents.
Napapailing nalang ako. Kung may bestfriend akong maharot outside ng hospital, si Doc Rain naman yung kaibigan kong maharot dito sa loob ng hospital.
"Doc, stop playing around. We're about to meet the new interns." Saway ko naman dito.
Ngayon ang unang report of duty ng mga interns. Tapos na ang general orientation nila, but we want to welcome them again dito sa hospital.
We should establish professionalism at all times. Hindi pwedeng makita nilang parang naglalaro lang kami. Ewan ko ba dito kay doc Rain at kahit sinasaway na, mas lalong kumukulit.
"Sana may pretty na intern para madagdagan naman yung magagandang view dito. Puro ikaw at ako nalang nakikita ko eh."
Napapailing naman ako sa sinabi nya. Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng white gown ko.
"Shush your mouth doc. Baka marinig ka ng mga nurses."
Masyado pa namang suki sa chismis itong si Doctor Rain sa mga nurses. Paano ba naman kasi, makulit lang ito sa'kin pero nakapa strict sa mga nurses.
Kung ano ano lang kinikwento nya hanggang nakarating na kami sa floor kung saan pinapakilala sa lahat ang new interns.
Sa dami ng tao ay nasa likod na kami ni doc Rain at napasandal naman ako sa wall. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod dahil straight yung duty ko.
"Oh oh, there's a pretty one." Sabi ng katabi ko na humahaba ang leeg sa kakatingin sa harap.
Umayos ako ng tayo para makita ito pero dahil hindi naman ako kasing-tangkad nitong katabi ko ay di ko makita yung sinasabi nya.
"Well, I hope her brain's as pretty as her face." Komento ko naman kahit di ito nakikita.
"Yeah. I heard she's on top of her class."

BINABASA MO ANG
Moonset (GxG)
Ficção AdolescenteWhen the moon disappears below the horizon, that's when people leave.