Four - When Moon is Within My Reach

86 9 0
                                    


Pagkatapos kong kumuha ng food ay naglakad na ako papunta ng bahay nila Jack.

"Teka sheb, san ka?"

Lumingon ako kay Lovi na puno ng pagtataka kung saan ako pupunta. Kung sa ibang araw at sitwasyon 'to, matatawa siguro ako dahil kita ko yung frustration ng bestfriend ko. But hindi ganun ung sitwasyon, so nagkibit balikat lang ako.

"Dadalhan ko lang ng pagkain si Manong Alvin."

Parang napahinga naman sya ng maayos. Akala nya siguro aalis na ako.

Seryuso? Naisip nyang aalis ako na dala 'tong plato?

"Sige balik ka agad."

Bago ako tumalikod ay nakita ko pang nakatingin din sa'kin si Moon pero nag-iwas din agad ng tingin.

Tumalikod na din ako para tahakin yung palabas. Ewan ko ba, sobrang naiinis ako dahil hindi man lang nya ako binati. Ano ba ako sa kanya? Kaibigan din naman nya ako ah.

Pagkapasok ko ng bahay nila Jack ay sumilip ulit ako sa may bintana kung saan makikita ko yung pwesto namin kanina.

Nakaupo na si Moon at katabi pa din nya si Lorielyn. Pero hindi nya ginagalaw yung pagkain, nakatungo lang sya at nakatitig doon.

Napapailing nalang ako at lumabas na. Baka gutom na si Manong Alvin. Pwede namang papasokin ko nalang sya, pero kilala ko na si Manong. Everytime may mga gatherings kaming pinupuntahan nila daddy at mommy, sa labas lang sya. Kahit anong pilit namin na pumasok sya para kumain saglit, ayaw talaga. Kaya nakasanayan ko na ding dalhan nalang sya ng pagkain. Usually naman pagkatapos nyang kumain ay binibigay na nya sa guard or kung sino mang pwedeng pagbigyan ng utensils.

Pagkabigay ko ng food ay naglakad na ako pabalik ng bahay.

"Calli?"

Natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko at nilingon ito.

"Ikaw nga. I didn't expect to see you here."

Lumapit si Joven sa'kin. Kakarating nya lang ata kasama siguro parents nya na ngumiti lang sa'kin bago kami nilampasan.

"Wow, you looked really beautiful." Kitang kita ko kung paano nya ako tingnan, alam ko naman kung ano yung tingin ng paghanga.

Kaso naiilang ako. I don't know how to react when people give me compliments.

"Magkaibigan pala kayo ni Jacky."

"Um, yeah." Napahawak ako sa classic bucket sling bag ko.

"Great! Mag-pinsan kami. Let's go?" Nakangiti nyang aya sa'kin para pumasok na.

Ngumiti na din ako. Kahit classmate kami ni Joven ay hindi kami masyadong close. Or pwede na ding sabihin na hindi naman talaga ako masyadong close sa mga classmates ko dahil si Lovi parati kasama ko.

Pero ngayon naeenjoy ko naman yung company nya somehow. Madami syang kinekwentong nakakatawa tungkol kay Jack habang naglalakad kami papunta sa likod.

"Kumain ka na ba? I saw you bringing food to your driver."

Umiling ako. "Hindi pa."

"Ako din gutom na. Kuha na tayo ng food."

Dumerecho na kami sa buffet area. I didn't bother to take a glance sa pwesto namin.

Kukuha na sana ako ng plate ng pigilan nya ako. Itinaas nya yung plate na hawak nya. "Here's your plate. Ako na magdadala for you."

Moonset (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon