LIM2

92 10 0
                                    



Eya

Mula nang nilisan niya ang bahay ay dumeretso siya sa lugar kung saan ang magiging tagpuan nila ni Isay nag abang siya duon at hintayin ang pinsan sana lang nakita nito ang sinulat niya at maisipan nitong puntahan siya.

Ngunit ilang oras na siyang nakaupo duon wala pa rin ang inaantay niya kaya umalis muna siya at naghahanap ng mainuman kanina pa siya nauuhaw at gusto niyang makainom man lang kahit tubig nagugutom na din siya ngunit wala siyang kapera-pera.

Magbabaka sakali siyang may maawa sa kanya at bigyan siya kahit tubig man lang.

Nakakita siya ng bahay na maliit kaya tinungo niya ito at naghanap ng tao ngunit wala man lang itong katao tao kaya pumasok siya at naghanap ng kung ano na pwede makapawi sa uhaw at gutom niya.

Nakkita niyang may lagayan ng tubig kaya dali dali siyang kunuha ng basong nakataob sa gilid nito at nag iisa lamang ito duon mukhang pahingahan lamang ito ng may ari.

Uminom siya kaagad na kahit sa uhaw lang ay maibsan ng kaunti ang pagkulo ng tyan niya.

Nahiga siya sandali sa sahig na kawayan wala pa siyang tulog mula kagabi ng tumakbo palabas ng bahay.

Inaantok na siya ngunit kailangan niyang bumalik duon sa tagpuan nila at hintayin ang pinsan niya.

Kaya bumangon siya ulit at lumabas ng bahay para bumalik sa lugar ngunit malayo pa lang nakita na niya ang ilang tao na hindi niya kilala at mukhang may inaantay ang mga ito kaya nagtago siya na agad na wag makita.

Nag alala na siya baka napahamak na ang pinsan niya.

Nag antay siya ng sandali bago umalis ngunit hindi din nagtagal umalis ang mga taong nag aabang duon.

Hindi na siguro dadating ang pinsan niya at baka hindi din nito nakita ang isinulat niya.Aalis na lamang siya at babalikan ulit bukas baka sakali magpunta din ito.

Ngunit bigla na lang may dalagitang tumatakbo na parang hinahabol din ito ng kung sino man at ang pinsan niya itong si Isay.

Kaagad niyang sinalubong ito at niyakap ngunit pumipiglas ito na mukhang takot na takot.

"Isay ako to si ate Eya" kaagad niyang sabi dito.

"Ate tulungan mo ako may humahabol sakin." Umiiyak at Nanginginig ito sa takot habang nagsasalita.

"Dali sumama ka sakin magtago tayo para hindi tayo makita ng mga humahabol sayo".hinila niya at pasunod sa kanya at tinakbo nila ang maliit na bahay kaninang nakita niya at pumasok sila sa loob nito.

Sana lang hindi sila makita dito kung sino man ang mga taong humahabol dito.

"Isay sino ang humahabol sayo? Kaagad niyang tanong ng kumalma ito.

"Yung mga lalaki ate! At si papa".humihikbi nitong sagot.

"Bakit Isay?

"Si papa pinatay nung mga lalaki tapos si mama kinaladkad ng mga lalaki at pinasok sa kwarto"umiiyak nitong saad."Ate tulungan natin si mama baka ano nang ginawa nila dito".

"Isay hindi tayo pwedeng bumalik sa bahay papatayin nila tayo".mahina niyang saad.

"Bakit ate wala naman tayong kasalanan sa kanila?

"Oo wala tayong kasalanan pero ang papa mo meron at tayo ang pinambayad ng papa mo sa kanila.Hindi mo pa naintindhan sa ngaun ang mga nangyayari pero wag kang mag alala di kita pababayaan".

"Ate paano si mama baka patayin din nila? Muli itong umiyak kaya niyakap niya ito ng mahigpit.Sa mura nitong edad ay nakakita na ng ganun ka brutal na nangyari sa magulang.

"Paano ka pala nakatakas? Tanong niya dito.

"Pumasok ako sa banyo at nagtago tapos nakita ko yung sulat mo duon kaya tumalon ako sa bintana ngunit nakita ako nung isang mama at hinabol ako buti na lang nakapagtago ako kaya nakatakbo ako papunta dito".humihikbi nitong saad.

"Salamat na lang at walang may nangyari sayo dito muna tayo tapos mag aantay tayong dumilim at babalik ako sa bahay maghahanap ako ng kahit na anong pwede nating madala pag alis natin dito sa lugar na ito."saad niya dito.

"Ate sasama ako sayo pagbalik natin sa bahay kukunin ko yung mga pera at alahas ko duon" wika nito.tumango siya dito.

"Pero ako lang ang papasok sa loob ako na lang kukuha para hindi na tayo mapahamak pa na dalawa".

"Cge ate,pati yung pera ni mama at alahas nakalagay iyon sa kahon sa ilalim ng kabinet niya na nilalagyan ng mga make up,mag iingat ka ate".malungkot nitong saad.

"Pag hindi ako nakabalik agad umalis kana at magpakalayo dito para walang may mangyari sayo wag muna ako hintayin naintindahan mo Isay?

"Ate hintayin kita ayokong umalis na hindi ka kasama? Muli naman itong umiyak.

"Wag matigas ang ulo mo Isay,umalis kana pag hindi ako nakabalik dito tandaan mo ayokong mapahamak ka sa mga taong yun" naiiyak na din niyang wika dito.

"Ate balikan mo ako natatakot ako na mag isa" nanginginig na naman ito paano niya iiwanan mag isa dito kung ganiti ang sitwasyun nito.

"Ganito na lang Isay makinig ka, babalik ako sa bahay mamayang gabi tapos pag hindi ako nakabalik hangang umaga ibig sabihin umalis kana wag kana maghintay pa sakin".

Muli na naman tumulo ang luha nito kaya pinunasan niya ito at pinaintindi na hindi pwede na hindi ito umalis.

"Isay makinig ka kay ate pakiusap,para ito sa kaligtasan mo, pero gagawin ko ang lahat na mabalikan kita dito" pinahid niya ang mga luhang nagsibagsakan na din sa mukha niya hindi niya alam kung ano na mangyayari sa kanila.

"Ate wag ka na lang kaya bumalik sa bahay baka mapaano ka pa? Muli nitong saad.

"Hindi pwede Isay pag hindi ako bumalik ng bahay wala tayong pera wala tayong pang gastos magugutom tayo naintindihan mo ba yun?alam niyang nag alala din ito sa kanya sa mura nitong edad na katorse ay narasanan na ang ganito.

"Magpahinga ka muna lalabas ako saglit maghahanap ako kahit ano jan sa labas na makain natin kagabi pa ako nagugutom"aniya dito.

"Sasama ako sayo ate!

"Wag na dito ka lang babalik ako agad".

Tumango ito sa kanya kahit napipilitan lang sumilip muna siya ng bahay kung may tao ba o wala.Dumaan siya sa likurang bahagi ng bahay na hindi mapapansin ng kung sino man na may tao dito.

Tumakbo siya sa likuran banda at naghanap ng kung ano man na tanim na pwede nila makain.

Nakakita siya ng puno ng saging na may bunga pwede na nila itong pagtyagaan na kainin kaya kumuha siya ng kahoy ay himpas ng hinampas ang puno nito hangang sa matumba at pinutol at bunga nito kaagad siyang humalik sa maliit na bahay ngunit may nakita siyang mga tao na malapit lang dito dahan dahan siyang bumalik at dumaan kung saan siya dumaan kanina pag labas niya.

Kaagad siyang nakita ni Isay at senenyasan na wag maingay nakita din pala nito ang tao at mukhang sila ang hinahanap.

Kaagad niyang inalalayan ang pinsan at hinila palabas ng bahay upang magtago sa likuran baka sila papasukin sa loob at makita.

Gumapang sila hangang makarating sa madamong lugar na hindi sila pwede makita.Hindi nga siya nagkamali pinasok nga ng mga ito ang bahay at kung nagkataon sana nahuli na silang dalawa ng mga kalalakihang ito.

"Hanapin niyo sa paligid baka andito lang ang mga ito at hindi pa nakaalis sa lugar na ito"narinig nilang saad ng lalaki.

"Opo master!

"Wag niyong pabayaan na makatakas pabantayan ang labasan at sakayan palabas ng bayan kailangan natin mahanap ang dalawang iyon malaking pera ang makukuha natin"muli nitong wika.

"Ate umalis na tayo dito wag na tayo bumalik sa bahay".anito at hinila siya paalis.

"Hindi pwede Isay babalik ako sa bahay mag iingat lang ako babalikan kita agad pangako babalik si ate".

"Basta mag ingat ka ate aantayin kita".

"Oo pero Antayin natin na magdilim para makapasok ako sa bahay na hindi makita."sagot niya dito.

Love In Mistake(BELLEZA series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon