Maaga pa lang ginising na niya si Isay kailangan nilang magligpit ng mga gamit at aalis sila dito baka bumalik ang mga naghahanap sa kanila at makita sila.Ayaw na niyang pati ang pinsan ay madamay sa mga kamalasan niya sa buhay.
"Isay gising na" niyugyog na niya ito para magising mukhang ang sarap ng tulog nito."isay gising na".Nang magmulat ito ng mga mata ay kinusot kusot pa muna."Ate bakit ang aga pa? Humihikab pa nitong tanong.
"Kailangan natin umalis dito ng maaga maghahanap tayo ng malipatan na hindi tayo makita ng mga naghahanap sa atin". Aniya dito."kaya bangon kana jan at magbihis nakuha kuna din ang pera natin na itinago ko kaya may panggastos pa tayo pag umalis tayo dito".
Bumangon na din ito at nagligpit ng mga pinaghigaan nila pagkatpos ay nagbihis na din ito
Nilagay na din niya lahat sa isang bag ang gamit nilang dalawa kunti lang ang nakuha niya saka na lang sila bibili ng marami pag nasa maayos na sila.
Nang makapag ayos na sila ay lumabas sila at magpapaalam sa mag asawang kumupkop sa kanila.
Naaubutan niya ang matanda na nakaupo sa harap ng lamesa nagkakape ito.
"Magandang umaga Aling Rosing" bati niya dito.
"Halika kayo maupo at magkape bakit ang aga niyong bumangon? Balik nito sa kanya,at napatingin sa hawak niyang bag."aalis kayo? Nagtataka nitong tanong na timingin sa kanya.
"Opo Aling Rosing nanganganib po kami dito ni Isay, kailangan naming makaalis ng maaga baka balikan po kami dito"paliwanag niya dito.
"Ay kung ganun saan naman kayo pupuntang magkapatid ha!ani pa nito.
"Sa malayo pong lugar na hindi kami mahanap" pakli niya dito kahit siya hindi niya alam kung saan nga ba sila pupunta.
"Naku mga anak kung dito na lang kaya kayo baka mas lalo kayong mapahamak niyan sa gagawin niyo" nag aalalang saad nito.
"Wag na po marami pong salamat sa pag kupkop samin ng ilang araw napakabuti niyo po samin" mangiyak niyang saad.
"Naku waa yun para kuna kayong anak na dalawa at alam niyo naman na wala akong anak na babae oh siya di bale bisitahin niyo na lang ako o dikaya ay balitaan niyo ako kung saan kayo makarating teka lang at ibibigay ko sa inyo ang telepono ni Tonyo ko" tumayo ito at naghanap ng masusulatan ng makatapos ay binigay kaagad sa kanya.
"Tawagan niyo ako ha," maiyak iyak din ito ng humarap sa kanila."Isay magpakabait ka sa ate mo ha,mag iingat kayo sa pupuntahan niyo" tuluyan na nga itong umiyak sa harapan nila.
"Opo nanay rosing tatawagan po kita"saka niyakap ito ni Isay.
"Maraming salamat po ulit sa inyo aalis na po kami" paalam niya dito.
"O siya tawagin ko lang si tonyo para maihatid kayo sa sakayan ayoko na yung may mangyari sa inyo jan sa daanan" anito pa saka pumasok sa isang kwarto at mukhang ginising ang anak nito pupungas pungas pa ito ng lumabas.
At mukhang nagulat pa ng makita silang dalawa na nakabihis na.
"Bunso saan ka pupunta? Andito kana pala Eya? Tanong nito na mukhang hindi alam na andito siya kagabi natulog.
"Kuya aalis na po kami ni ate eya dito" ani isay dito.
"Ay bakit naman hindi kayo pinapaalis dito" nagtataka nitong saad.
"Maghahanap po kami ng malayong matirhan para hindi po kami mahanap nung naghahanap po sa amin" paliwanag nito.
"Ganun ba,eh sandali antayin niyo ako at ihahatid ko kayo sa sakayan" anito at pumasok sa kwarto nitong nilabasan kanina.
Nakabihis na ito at handa nang umalis kaya ng lumabas ito ay sumunod sila dito.
"Nay alis na po kami ni ate pakisabi kay tatay ponsoy" ani isay na kumaway sa matandang nasa pintuan malungkot itong nakatingin sa kanila at maiiyak pa.
"Mag ingat kayo mga anak ha,balitaan niyo ako" bilin pa nito saka nagpunas ng mata.
Naiiyak din sila pareho tanging ang mga ito lamang ang nagpakita ng kabaitan sa kanila.
Sumakay na sila sa tryckel at umalis inihatid sila nito sa terminal mismo na sakayan ng mga bus kung saan probinsya ang puntahan.
Nang makababa kaagad silang nagpaalam "kuya maraming salamat po ha" aniya dito.
"Sige mag ingat kayung magkapaatid ha" bilin nito sa kanila na ikinatango nilang dalawa.
Nang makaalis na ito ay sumakay sila ng bus papuntang maynila duon sila magbagong buhay at kalimutan ang mga nakaraan na nangyari sa kanya.
Hindi man nya matanggap ang nangyari sa buhay niya pero kailangan niyang maging malakas tanging dalawa lang sila ni Isay ayaw niyang may mangyari na msama dito kaya hanggat kaya niyang protektahan ito gagawin niya.
Nang makaupo sila sa pangitnang upuan ay nakahinga siya ng maluwag sana lang walang nakakita sa kanila at sumunod,sana lang makakaalis sila ng walang aberya.
"Ate saan ang punta natin? Tanong nito sa kanya.
"Pupunta tayong maynila,duon maraming tao hindi tayo makikita duon" aniya dito.
"Pero ate paano si mommy papatayin siya nung mga lalaki"nag alala nitong sabi namumula na ang gilid ng mga mata nito at umiyak na ng tuluyan.
"Gusto mo bang puntahan ang mommy mo? Tanong niya dito
"Gusto ko ate makita si mommy pwede ba? Balik nito sa kanya naawa siya dito kaya tumango siya dito at tumayo na.
"Halika na puntahan natin ang mommy mo" aya niya dito na nagtataka din sa kanya."bahala na Isay kung ano ang mangyayari basta makita mo lang ang mommy mo".
Bumaba sila ng bus at sumakay ng ibang sasakyan pabalik sa lugar nila hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa pagbalik nila pero para kay Isay gagawin niya.
Bumaba sila sa bayan mismo at sumakay ulit ng tryckel patungo sa bahay nila ngunit nakakandado ito at walang katao-tao sa loob.
Binayaran niya ang tryckel na naghatid sa kanila ngunit hindi niya muna pinaalis ito.
Lumapit siya sa kapitbahay nila at nagtanong kung saan na ang tyahin niya ngunit may inabot lang itong papel sa kanya kaya binasa niya kaagad ito.
"Isay anak,
Kung sakali mang umuwi ka dito umalis kana kaagad at magpakalayo-layo wag mong alalahanin ang mommy kaya ko ang sarili ko.Mahal na mahal kita anak.
Mommy
Inabot niya ito kay Isay at pinabasa "ate tara na baka may makakita satin dito" bigla nitong saad sa kanya.
Kaya sumakay ulit sila sa tryckel at nagpahatid sa sakayan ng bus.Iiwanan na nila ang lugar kung saan may naging parte din sa buhay nila.
"Sana makita ko pa si mommy at sana ok lang siya ate" humihikbi nitong sabi sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Matapang ang mommy mo Isay kaya wag kang mag alala dun"pampalubag loob niyang saad.Alam niya sa sarili na masaya ito sa lalaking yun.

BINABASA MO ANG
Love In Mistake(BELLEZA series 1)
RomanceLahat ng problema ay may solusyun ngunit paano masolusyun ang problema kung ito ay hindi mo alam kung paano uumpisahang solusyunan. Masakit man ang mga nangyari sa buhay niya nakaya niyang tanggapin sa kabila ng hirap na dinanas niya dahil lang sa i...