"Eya""Whats your name?
"How old are you?
"Where do you live?
Ang naririnig niyang pinanunuod ng dalawa niyang anak sa tablet ng mga ito.Binilhan niya para may mapanuoran din ang mga anak niya.
Pero imbes na pambata ang gustong panuorin nakagiliwan ng mga itong manuod ng salitang english.
"Whats your name?
"Tuya,was your nem?
"Ton-ton" kaagad nitong sagot.
Napangiti siya sa kakulitan ng mga ito.
"Beyya.was your nem? Tanong din sa kambal.
"Beyya tuya" bigla din sagot nito.
"Hello may pamangkins anong ginagawa niyo?
Singit ni Isay sa mga ito na tiningnan lang siya.
"Busy kayo?"Tita was your nem? Tanong ni Feyya dito.
"My name is Isaiah Mendez" sagot nito sa dalawa.
"Wow ang taling" pumalakpak pa ang mga ito sa sagot ng tyahin.
Simula nang makalipat sila dito sa maynila ay hindi naging madali para sa kanilang dalawa.Nakahanap sila ng matutuluyan nila kaagad ngunit muntikan na rin silang mamolestiya ng mga lasengero nilang kapit bahay kaya kaagad silang lumipat sa ibang lugar kaya napadpad sila dito sa tagaytay binili niya ang maliit na lupain ng kapitbahay nila nuon kahit malayo ay alam niyang ligtas silang dalawa.
Isang buwan pa lamang silang nakalipat duon ay isa na namang pagsubok ang dumating sa kanila nabuntis siya sa mura niyang edad.
Naging tampulan siya ng tsismis nuon sa lugar nila at napakabata pa daw niya lumamdi ngunit ni isa ay wala silang pinatulan ni Isay.Sila lamang ang tunay na nakakaalam kung ano man ang nangyari sa kanya nuon.
Simula nang malaman niyang buntis siya ay pinagdasal na lamang niya na sana bigyan siya ng lakas na makaya niya ang lahat lalo na nang malaman niyang dalawang sanggol ang nasa sinapupunan.
Pinag aral din niya si Isay at ngaun ay magtatapos na din ito ng Grade 10 ito na lamang ang naging kakampi niya sa lahat ng bagay.
Naging malayo din ang loob ng ibang kapitbahay nila lalo na ang may mga anak na halos kaedaran lang nila na baka daw matulad sa kanya pag lumapit ang nakipag kaibgan sa kanila.
Naipanganak din niya ang mga anak nang maayos.
At ngaun 2 dalawang taon na at masyadong makukulit."Hindi ganun,ganito "my name is Feyya Dane Mendez"yan dapat sabihin mo" anito sa anak.
"Ta akin tita? Singit naman ng panganay niya dito.
"Ganito, my name is Feyton Dale Mendez yan dapat kuya ton" turo nito.
"Yehey! Ang taling ni tita tuyo pa ti ge na" susug pa nito na pinaunlakan naman ng isa.
"How old are you ton? Kunyari ikaw tinatanong ko kuya"
" 2 tita" bibo nitong saad.
"Yes very good kuya" pumalakpak pa ito ng todo.
Hindi niya alam kung bakit ganito ang gusto ng mga anak niya matutunan kesa manuod ng mga pambatang palabas.
Aminin man niya hindi siya bihasa sa ganitong salita. Nakakaintindi man siya kahit papano at sapat na yun para sa kanya.
Tumayo na siya sa kinauupuan niya at ipagluto niya ng tanghalian ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Love In Mistake(BELLEZA series 1)
Любовные романыLahat ng problema ay may solusyun ngunit paano masolusyun ang problema kung ito ay hindi mo alam kung paano uumpisahang solusyunan. Masakit man ang mga nangyari sa buhay niya nakaya niyang tanggapin sa kabila ng hirap na dinanas niya dahil lang sa i...