LIM15

236 15 5
                                    



"Eya"

Ilang araw nang lumipas nang mapag usapan ang pagbili ng mga lupain dito sa lugar nila.Na kahit siya ay pinuntahan na rin ng isang abogado para kausapin at operan ng malaking halaga para sa maliit niyang lupain.

Ngunit hindi siya pumayag pag pinagbili niya saan na naman sila lilipat hindi na pwede at hindi rin katulad nuon na dalawa pa lamang sila ni Isay.

Ngaun may mga anak siyang isasakripisyo at isa alang alang ang mga kapakanan ng mga ito.

Kakauwi lang niya at mukhang tahimik ang bahay nila baka nagpunta naman ang dalawa niyang anak sa kapitbahay nilang malapit sa kanila.

Kaya duon na siya dumeretso para puntahan ang kambal niya at pauwiin na ang mga ito.

"Kuya Jun anjan ba ang kambal ko"tanong niya ng makita ang ama ni kiko na kalaro ng mga anak niya.

"Ay ikaw pala eya naku wala dito ang mga anak mo"sagot din nito sa kanya na pinagtataka niya.

"Sige po hanapin ko na lang sila"paalam niya dito.

"Baka anjan lang yan sa ibang kapitbahay at nakipaglaro" anito pa.

"Hahanapin ko na lang po salamat kuya Jun baka mapansin niyo din po pakisabi hinahanap kuna sila" bilin na lang dito.

"Oo pag nakita ko ihahatid ko na lang pauwi sa inyo".

Nagpaalam na siya dito at hahanapin na lang ang dalawa baka anduon naman kila Daniel at nakipaglaro dito.Kaya duon siya dumeretso para puntahan ang mga ito.Kinakabahan na siya kung saan na nagpunta ang mga ito.

"Niel,tatay teban,nanay minda".tawag niya sa mga ito.

"Eya ikaw pala anak" bungad ng babae sa kanya.

"Anjan po ba ang kambal ko nay? Tanong niya kaagad dito.

"Naku hindi naligaw ang mga anak mo dito bakit wala ba sa inyo? Tanong din nito na lumabas na ng bahay nila."teban halika muna dini at yung mga anak ni Eya ay nawawala daw pakitulungan eri at hanapin ang mga bata" sigaw nito sa asawa.

Na kaagad naman lumabas ng bahay nila "abay saan nagpunta ang mga bata".anito.

"Wala nga po sa bahay pag uwi ko galing sa babuyan pinagbilin ko pa naman na wag lumabas ng bahay pag wala ako" nag alala niyang sabi sa mga ito,kinakabahan na siya na baka nawala na ang mga anak niya.

"Sige po nay,tay hanapin ko na lang muna" paalam na din niya sa mga ito.

"Sige anak at ipahanap ko din sa tatay mo at pati kay Daniel mamaya pag nakauwi galing eskwelahan".ani nay minda niya na kahit ang mga ito ay nag alala din sa mga anak niya.

"Titingnan ko na lang muna po sa ibang kapitbahay baka napunta duon" saka siya humakbang na para umalis.

Nag alala na siya ng todo sa mga ito kung saan na napunta,hanapin niya muna at baka naligaw sa mga kapitbahay niya.

Ngunit ilang kabahayan na ang pinagtanungan niya ngunit wala man lang nakakita sa mga anak niya.

Uuwi muna siya at magbakasali na baka umuwi na din ang mga ito at sabihan na din si Isay pag nakauwi na na tulungan siyang hanapin ang kambal.

Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyari sa mga ito naging pabaya siyang ina tumutulo na ang mga luha niya habang naglalakad pauwi sa bahay nila ano na lang ang gagawin niya pag pati ang mga ito mawala pa sa kanya.

Hindi na mapigilan ang pagtagas ng mga luha niya kahit anong punas niya dito iniisip niya ang mga anak niya kung saan na napunta at baka anong nangyari.

Nanginginig na siya sa takot bumabalik na naman ang mga nangyari sa kanya nuon kaya dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

"Mimi atan ikaw galing" bungad ng panganay niya.Ngunit dinaluhong niya ito ng yakap na mahigpit."di ato makahinga"reklamo nito.

"Sorry anak,saan kayo galing ha,pinag alala niyo ako ng sobra" mangiyak-ngiyak niyang saad."Asan si Feyya?

"Ata kwarto mi,bakit ikaw iyak? Usisa nito saka pinunasan ang mukha niya."may away tayo tuntok ko yun"saka minuwestra ang maliit nitong kamao.Kaya napangiti siya dito at pinaghahalikan ang buong pisngi nito.

"Nag alala lang si mimi kasi wala kayo dito kanina kaya hinanap ko kayo tapos diko kayo nakita" paliwanag niya dito.

"Sorry na mi"hinging paumanhin nito.

"Sa susunod anak pag umalis kayong magkapatid magpaalam muna kayo ha,para hindi ako mag alala kung saan kayo" bilin niya dito.

"Opo mi,pwede kami laro ta kapitbahay mi" ani pa.

"Pwede basta paalam muna sakin kung saan kayo ha para alam ko" aniya pa.

Tumango naman ito sa kanya na naintindihan ang sinabi niya.

"Sige na maglaro kana muna jan at puntahan ko ang kpatid mo"saka iniwan ito sa maliit nilang salas. Tinungo niya ang kwarto nila at nakita niyang nakaharap ang anak sa malaki nilang salamin na nagsusuklay.

"Anak anong ginagawa mo? Tanong niya dito.

"Mi maganda ba ako? Baling nito sa kanya na nagpapungay ng mga mata na ikinangiti niya dito.

"Oo naman maganda ang anak kong si Feyya"nakangiti niyang sagot dito.

"Maganda din po ikaw mi" saka yumakap ito sa kanya.Paano na lang kung mawala ang mga ito sa kanila hindi niya kakayaning mabuhay pa.

"Halika na anak labas na tayo at ipaghanda ko kayo ng meriendang magkapatid"aya niya dito saka inakay na ito palabas patungo sa kusina at tinawag ang panganay niyang naglalaro ng kotse nito.

Pinaghiwa niya ang mga ito ng tig isang hiwa ng cake na binili ni Isay sa bayan na gustong gusto ng mga ito. At pinagtimpla ng orange juice na gusto din ng mga ito.

Habang kumakain ay napapangiti siyang nakatingin sa mga ito kahit anong sakit at pagkakamali man ang nangyari sa kanya nuon sa mura niyang edad ngaun ito ang naging bunga na para sa kanya ay isang malaking biyaya na bigay sa kanya ng Panginoon.

"Eya naku hindi ko talaga nakita ang dalawang bata" nag alalang saad ng tao sa labas.

"Ti yoyo teban" hiyaw ng anak niya saka tumakbo palabas.

Kaya sumunod siya dito kaagad." Pasensiya kana tay dina ako nakabalik sa inyo at ipaalam andito na ang mga bata"paumanhin niya dito.

"Naku kayung dalawa saan ba kayo nagpunta at pinag alala niyo ang mama niyo sa sunod magpaalam kayo mga apo ha" sermon nito sa dalawa na nakikinig lang."O sige at dederetso na ako sa babuyan at maglinis pa ako duon wag muna iwanan yan at ako nag bahala duon" anito saka umalis.

Pinagpapasalamat na lang niya na nakatagpo siya ng mga taong may puso at hindi siya hinusgahan nito na naging batang ina.

"Pasok na at ubusin ang pagkain niyo lagot kayo sa tita Isay niyo mamaya pag hindi niyo naubos ang binili niya"banta niya sa mga ito.

"Uubutin ko mi" ani ton sa kanya.

"Ako din mi"wika din ni feyya sa kanya na hindi rin patatalo sa kapatid.

Di ako makatiis eh kaya isa pa muna!😍😍😍

Msqueeng!😘

Love In Mistake(BELLEZA series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon