Eya
Nakapag umpisa na silang magtinda ng sari-sari store sa harapan ng bahay nila at kahit paano may pinagkaabalqhan silang magpinsan.
May pangamba pa rin sa dibdib niya hangang ngaun pero pinagdarasal na lang niya na sana wag sila pabayaan ng mahal na Panginoon na hindi sila makita ng mga naghahanap sa kanila.
"Isay bukas ng umaga na ako mamalengke kaya ikaw na muna bahala dito magbantay" bilin niya dito na ikinatango lang nito dahil sa tutok na tutok ito sa pinapanuod nito sa tv.
"Ate?
"Hmm,bakit? Baling niya dito.
"Paano kung hindi tayo nakatakas? Bigla nitong tanong sa kanya na ikinagulat niya.
"Isay wag muna isipin yun basta magpasalamat na lang tayo at nakalayo na sa mga taong yun" nilapitan niya ito at niyakap."bakit mo naman naisip pa yun tatlong buwan na tayo dito".
"Wala lang ate naalala ko lang si mama kamusta na kaya siya ano na nangyari sa kanya?malungkot nitong saad.
Napaisip siya kung ito na ba ang tamang pagkakataon na sabihin niya ang nangyari sa ina nito alam niyang hindi pa nito masyado maintindihan.
"Isay alam ko mahirap para sayo pero sana intindihin mo lahat ng sasabihin ko sayo".paliwanag niya dito at tumingin ito sa kanya na nag isip.
"Nung gabing pumunta ako sa bahay natin para kumuha ng pera nakita ko ang mama mo magkasama sila nung lalaking amo ni tiyo.May relasyun silang dalawa at nung pinasok ko ang kwarto nila duon ko sila nakita na magkapatong at may ginagawa,natakot ako nung gabing iyun akala ko ipahuli niya ako duon sa lalaki sapagkat nakita niya akong pumasok sa silid nila,pero tinulungan niya ako Isay siya ang nagbigay ng pera at pinatakas niya ako,hindi ko alam kung bakit nagawa ni tiya yun satin" umiiyak niyang kwento dito masakit din sa kanya ang mga nakita.
"Ate bakit nagawa ni mama yun? Umiiyak nitong saad.Naawa siya dito sa mura nitong edad paano na lang kung wala siya ano mangyayari dito nalulungkot niyang isipin na kung sakali man na wala siya sa tabi nito kaya din kaya nitong mabuhay.
Ngaun pa lang na naiisip niyang mapag isa ito nasasaktan siya para dito.
"Hindi ko alam Isay? Kahit ako walang maisagot kung bakit ginawa ni tiya yun".
"At-e wa-g mo a-kong iwanan" paputol putol nitong saad sa sobrang pag iyak.
"Hindi Isay hindi kita iiwanan dito lang si ate sa tabi mo pangako ko yan sayo" nakangiti na niyang saad dito. Tumingin ito sa kanya na hilam sa luha ang mukha pero ngumiti na ito at niyakap siya ng mahigpit.
" Salamat ate".
"Maaga ako bukas ipagbilin na lang muna kuta kay aling rosing para may makasama ka dito,wag kang lumabas ng bahay hangat wala ako at wag ka rin magpapasok ng kahit sino naintindihan mo? Bilin niya dito na tumango sa kanya.
******
Maaga siyang umalis para pumunta sa bayan maglalakad pa siya papuntang sakayan ng jeep kaya inagahan na niya at para makabalik siya kaagad ayaw niyang maiwan ng mag isa ang pinsan.Nag alala siyang maiwan ito kahit pinagbilin na niya kay Aling Rosing.
Maaga pa masyado kaya halos wala pa siyang kasabayan na naglalakad kaya binilisan niya ang paglalakad para makarating sa bayan kaagad.
Palingon lingon din siya baka may dumaan na tryckel at makisakay na din siya ngunit tahimik ang kanyang dinadaanan wala man lang siyang makitang tryckel.
Halos nasa kalagitnaan na siya ng may padaan na isang kotse kaya gumilid muna siya.
Nang huminto ito sa tapat niya na ikinagulat niya bigla siyang kinabahan ng bumukas ang pintuan nito at puro kalalakihan ang nakasakay.At mukhang mga sanggano ang mga itsura kaya nahintakutan siya baka anong gawin sa kanya.
"Miss saan ang punta mo? Tanong ng isa.
Kinakabahan man sinagot niya pa rin ito ng maayos"Sa bayan po may bibilhin".sabay lakad ng mabilis.Ngunit sinusundan siya ng kotse sa paglalakad niya.
"Sakay kana hatid ka namin" ani pa ng isa.
"Salamat na lang po pero malapit na po ako sa sakayan" tanggi niya dito at lalagpasan na sana ngunit biglang bumaba ang isang lalaki at hinawakan siya sa kamay.
"Miss wag kana tumanggi halika na ihatid kana namin"pagpumilit nito ngunit hinaklit niya ang braso at tatakbo sana ngunit nahabol siya kaagad at hinawakan sa bewangat hinila papasok sa loob ng kotse.
"Parang awa niyo na pakawalan niyo po ako"umiyak na niyang sumamo dito natatakot na siya kaya nagpumiglas ulit siya baka sakali makawala siya pero sobrang higpit ng hawak ng lalaki sa kanya.
"Jigs tara na?Utos pa nito sa isa nang maipasok siya sa loob ng sasakyan.
"Pakawalan niyo ako"sigaw niya dito ngunit parang walang narinig ang mga ito.Nahanap na ba siya ng mga lalaking yun at ito naba ang mga ksamahan ng mga yun.Paano na si Isay mag isa na lang ito nangako pa naman siyang hindi niya ito iiwan."pakawalan niyo na ako wala naman akong kasalan sa inyo kaya parang niyo na ibaba niyo na ako"umiiyak niyang saad sa mga ito.Sumigaw pa siya ulit at nagpupumiglas pero wala pa rin siyang nagawa.
"Pwede ba Carlos patahimikin mo yan? Nairitang saad nung isang lalaki sa harapan.Limang lalaki ang nakasakay dito at pinagitnaan siya ng tatlong lalaki kaya wala talaga siyang kawala sa mga ito.
"Saan niyo ba ako dadalhin parang awa niyo na naman pakawalan niyo na ako mahirap lang kami wala kaming pera? Saad ulit niya.Baka maisip ng mga ito na pakawalan siya at wala naman siyang pambayad sa ransom na hinihiin ng mga ito sa kanya.
"Hindi namin kailangan ang pera miss? Saka naghalkahakan naman ng mga ito.
"Ganun naman po pala kaya kung pwede pakawalan niyo na ako" mugto na ang mga mata niya sa kaiiyak kahit anong pakiusap hindi na siya pinakinggan pa.Mga halang na ang kaluluwa ng mga ito,magpumiglas at magsisigaw man siya wala nang makatulong sa kanya.Ito na siguro talaga ang kapalaran niya ang mapariwara sa mga taong demonyo na kaharap niya.Sa isiping yun lalo lang umagos ang tubig sa mukha niya.
"Deretso tayo jigs sa hide out? Bilin naman ng isa.
"Tiyak anduon na ang isa pa? Magandang palabas ang maisagawa natin nito tiyak limpak na limpak na pera ang kikitain ni Boss nito." Ani pa ng isa.
"Kung bakit hindi ba lang niya ipatubos yun sigurado naman na malaki ang ibabayad ng magulang nun sa kanya at milyonaryo ang pamilya"sagot naman ng isa.
Hindi niya maintindihan ang pinag uusapan ng mga ito ngunit nag iisip siya kung paano makawala sa mga ito.
"Mas maganda ang plano ni Boss dito" sabay ngisi nito ng tumingin sa kanya.
"Mga kuya please naman po pakawalan niyo na ako"muli niyang pakiusap sa mga ito.
"Sorry miss may sinusunod lang kami na utos" sagot ng isa.
Wala na nga siyang pag asa pang makawala sa mga ito.Tatanggapin na lang niya siguro ang kapalaran niya sa mga taong ito.Paano na si Isay naawa siya dito mag isa na lang yun.
BINABASA MO ANG
Love In Mistake(BELLEZA series 1)
RomanceLahat ng problema ay may solusyun ngunit paano masolusyun ang problema kung ito ay hindi mo alam kung paano uumpisahang solusyunan. Masakit man ang mga nangyari sa buhay niya nakaya niyang tanggapin sa kabila ng hirap na dinanas niya dahil lang sa i...