EyaAfter 3 years
"Mi matakit ang paa ko" umiiyak itong tumatakbo sa kanya at pinakita ang sugat nito sa tuhod.
"Bakit anong nangyari anak?malambing niyang tanong dumudugo ito at may gasgas sa gilid.
"Matakit mi" ulit nito.
Kaya kinarga niya ito at pinunasan ang mukha na puno ng luha.
"Ok tahan na anak gagamutin na ni mimi ang sugat ng baby ko na yan" saka niya hinalikan ito sa pisngi."hmm,bakit ano pala nangyari dito?
"Tuyak ako kiko mi" sumbong nito sa kanya.
Napapailing na lang siya palagi na lang nasasaktan ang mga anak niya sa anak ng kapitbahay nila.
"Asan pala ang kuya mo?
"Naiwan po duon tuntok niya kiko mi iyak ako kati" anito.
"Hay naku na mga bata kayo palagi na lang kayo nakipag away jan kay kiko" pagkatapos niyang gamutin ang sugat nito ay tumayo na siya at lumabas nakita niya ang panganay niyang umiiyak din patakbo papasok sa bahay nila kaya kaagad niyang sinalubong ito.
"Hey,!
"Mi sowwy tuntok ko ti kiko away niya beyya ko" pagsumbong nito kaagad.
"Kuya di ba sabi ko sayo wag kang makipag away jan kay kiko malaki na yun at wala kang kalaban laban at di ba binilinan na kita na wag nang makipaglaro sa kanya" kausap niya dito.
"Peyo mi tiya unang away beyya kaya tuntok ko din ng iyak ti beyya"bulol nitong sabi.
"Kaya sa susunod na makita niyo si Kiko iwasan niyo na lang magkapatid para hindi kayo napapaaway" bilin niya sa mga ito na nakikinig lang sa kanya.
"Sowwy mi dina uuyit" saka yumakap ito sa kanya.Kinarga na din niya ito at dinala sa kapatid nitong nakaupo sa sofa nila.
"Beyya" sigaw nito at kaagad nagpababa para puntahan ang kapatid.
"Tuya tuntok mo ti kiko" bulol na tanong nito.
"Yet tuntok ko ta mukha tapot takbo ako agad pala di tiya habol akin" pagkwekwento nito.
"Hindi ikaw iyak tuya," tanong naman ng bunsio niya dito.Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito na nangingiti.
"Iyak ako kati iyak ikaw" anito na ikinatawa niya.
Masaya siyang makita na ganito ang mga anak niya sa mga paghihirap na pinagdaanan niya nuon.
Mula nang magising siya sa hospital hindi na niya alam kung ano pa ang mga nangyari wala siyang makita na kahit sino sa loob ng kwartong iyun nag iisa lamang siya kaya kaagad siyang tumayo at lumabas pinagtatanggal niyang mag isa ang nakakabit na swero sa kamay saka lumabas na hindi nagpaalam.
Tumakas siya sa hospital na yun na walang nakapansin sa kanya.
Halos magmakaawa pa siya sa sinakyan niyang bus na pasakayin siya pauwi sa lugar nila kung saan siya nakatira buti na lang at may puso ang mabait na driver at hindi na siya pinagbayad.Nang makarating sa bahay ay halos madurog ang puso niya sa nadatnan gulo-gulong bahay at wasak ang mga gamit nila.
Wala din ISay na naghihintay sa kanya hindi na niya alam ang gagawin ng araw na yun halos mabaliw siya sa isiping nakuha si Isay ng mga taong naghahanap dito.
Lumabas siya ng bahay at nabakasakali na may alam si Aling Rosing kung ano ang nangyari sa bahay nila.
"Aling Rosing tao po" .kahit maghating gabi na kinatok pa rin niya ito hindi siya mapalagay na hindi malaman ang mga nangyari.
"Sino ba iyan at ikay nang didisturbo sa aming pagtulog? Sagot nito.
"Pasensiya na po pero may itatanong po sana ako kung ano ang nangyari sa bahay,si Isay po" saad niya dito na sana pagbuksan man lamang siya at kausapin.
"Naku ikaw ba yan Eya? Anito ulit.
"Opo Aling Rosing".
"Nakung bata ka saan ka ba pumunta?anito ng bumukas ang pintuan nito."Halika pasok at baka may makakita sayo jan" nag alala nitong saad na kaagad siyang hinila sa loob.
"Ano pong nangyari at bakit wasak ang mga gamit sa bahay? Usisa niya dito.
"May mga kalalakihan ang pumunta sa bahay niyo kinabukasan nang mawala ka,kaya si Isay umiiyak nung pumunta dito sakin at sinabi na hindi ka pa umuuwi natatakot ito na mag isa" kwento nito sa kanya.
"Si Isay pala ho asan?nang maalala ang pinsan niya.
"Anjan natutulog na,nung hindi ka pa umuuwi pinatulog na muna dito naming mag asawa at kawawa naman na mag isa duon,tama lang din at pinasok ang bahay niyo andito yung bata naku Eya takot na takot nung makita ang mga lalaki sa bahay niyo kaya itinago na muna namin,"anito pa.
Nabuhayan siya ng loob ng malaman na ok ang pinsan niya.
"Teka san ka pala nagpunta at ngaun ka lang nakauwi ang sabi ni Isay namalengke ka daw" muli niyong tanong.
Malungkot siyang tumango dito "naglalakad po ako ng madaanan ng mga kalalakihan isinakay po nila ako sa sasakyan at dinala sa lugar nila"umiyak na siya ng todo pag naalala ang nangyari."nakatakas lang ho ako"ayaw niya nang ekwento pa ang buong nangyari sa kanya.
"Nakung bata ka Dyos na mahabagin,salamat naman at nakatakas ka na walang nangyari sayo" saka siya niyakap nito.O siya magpahinga ka muna duon kana sa tinulugan ni Isay"at inaya na siya nitong pumasok sa isang silid ng bahay nito.
Nang makita niya si Isay ay kaagad niya itong dinamba ng yakap at mukhang naalimpungatan ito at tinulak siya.
"Isay"wika niya.
Nang marinig ang boses niya ay nagulat pa ito" ate Eya" saad nito. At humagulhol na ito ng iyak saka yumakap sa kanya ng mahigpit."akala ko iniwan muna ako ate,sobra akong natakot ng hindi kana umuwi ano ba nagyari sayo ate? .
Malungkot siyang tumingin kay Isay na tumutulo ang mga luha sa magkabilaan niyong pisngi kung may nangyari sa kaynang masama at hindi na nakabalik pa dito kawawa ang pinsan niya.
"Marami ang nagyari sakin Isay pero saka kuna ekwento sayo ang mahalaga andito na si ate kaya matulog kana muna tapos bukas na tayo mag usap" pag iiba niya dito ngunit hindi ito nakinig.
"Pinasok ang bahay natin ng mga naghahanap satin na mga lalaki buti na lang andito na ako kina nanay rosing natulog nung hindi ka umuwi dito na ako dahil natatakot akong mag isa duon, tapos kinagabihan may mga lalaking pumasok duon at pinagsisira ang gamit natin,may iniwan pa silang sulat sa atin ate" anito at saka may kinuha na papel sa gamit nito.Tumutulo ang luha nito habang inaabot ang sulat.
Kaagad niyang binasa kung ano ang nakasulat dito na nagpalungkot sa kanya.
Eya,Isay
Sa oras na hindi kayo magpakita at bumalik dito kung saan ang mama at tiya niyo ay ito ang malilintikan sa lahat bibigyan ko kayo ng pagkakataon pag wla pa kayo ng dalawang linggo papatayin ko si Sandra.Nagdalawang isip siya kung ano ang gagawin ang tiya niya kahit ganun naging mabait din sa kanya at tinulungan siya nung gabing yun at pinaalis para makatakas sa mga taong yun.
Pero paano naging ganun may relasyun ang mga ito.
"Ate anong gagawin natin? humihikbi nitong saad.
"Hindi ko pa alam Isay,matulog kana bukas na tayo mag usap sige na" tumango ito sa kanya at bumalik sa hinigaan ganun din siya pagod ang katawan niya sa mga nangyari sa kanya masakit pa ang buong katawan niya at pati mga mata dahil sa pagkakapiring niya.
Bukas panibagong umaga na maraming problema ang kakaharapin niya.
BINABASA MO ANG
Love In Mistake(BELLEZA series 1)
RomanceLahat ng problema ay may solusyun ngunit paano masolusyun ang problema kung ito ay hindi mo alam kung paano uumpisahang solusyunan. Masakit man ang mga nangyari sa buhay niya nakaya niyang tanggapin sa kabila ng hirap na dinanas niya dahil lang sa i...