EyaIsang buwan na ang nangyari sa kanila nakaalis sila ng matiwasay sa bayan nila na hindi nahuli ng mga humahabol sa kanila.
Pagkarating nila sa bayan ay nagpagupit sila ng kani-kanilang buhok. At pinakulayan ito ng may kulay para hindi sila makilala ng kung sino man ang naghahanap sa kanila.Laking pasalamat din niya at malaking pera ang binigay sa kanya ng tyahin limang bundle ng tig iisang libo kaya malaking tulong yun sa kanilang mag pinsan pumunta sila syudad limang bayan ang layo bago sa lugar nilang San Andres.
Umupa sila ng matitirhan na mejo malayo ng kaunti sa bayan nakahanap sila ng bahay na hindi kamahalan ang bayad kailangan lang nilang tipirin ang pera napag isipan din niyang magtayo ng tindahan at mejo may kalayuan din ang tindahan sa kanila.
Hindi pa niya nasasabi sa pinsan kung ano ang nangyari sa ina nito pero alam niyang masasaktan din ito pag nalaman nito.
Kaya kung pwede lang na maitago niya ang lahat dito ay gagawin niya wag lang itong masaktan.
Sana lang hindi sila mahanap sa lugar na ito may kalayuan na din ito kung saan sila dati.
Lalabas lang sila kung kinakailangan nilang mamili sa bayan at bumili ng mga pangangailangan nilang dalawa.
Kailangan nilang mag ingat na wag sila mahanap at makita ng mga naghahanap sa kanila.
"Ate kain na tayo? Ani Isay sa kanya.
Tumango siya dito nakakaadjust na din ito sa mga nangyari.
"Isay sa sunod na pasukan ienrol na kita ha,sayang din kung hindi monipagpatuloy ang pag aaral mo" aniya dito.
Pero matamlay lang itong tumingin sa kanya."ayoko ate"mahina nitong sabi.
"Bakit naman?
"Natatakot ako baka may makakita sakin at mahanap tayo"wika nito.
"Hindi naman siguro malayo na itong lugar at hindi na nila maisipan na hanapin tayo dito" pag aalo ko pa.Kaya pumasok kana para makapag tapos ka".
"Ikaw ate ayaw mo na bang pumasok sabay na tayo?
"Gusto ko din kaya lang mahirapan na tayo pag sabay pa tayo kailangan natin magtipid ng pera" paliwanag ko dito.
"Naintindihan ko ate, wag na lang din ako mag aral para wala tayong gagastusin sakin" bigla nitong sabi na ikinagulat ko. Napapailing na lang ako sa pinag iisip ng batang ito.
"Hindi maari kailangan mong mag aral! At pag ayaw mo magagalit ako sayo! Banta ko dito at alam niyang pag sinabi ko ay tinututuo ko talaga.
Kaya bigla na lang nanubig ang maga mata nito na parang iiyak na."Ate mag aaral na ako wag ka lang magalit sakin" at tuluyan na nga umiyak ito at yumakap sakin ng mahigpit."Ayokong nagagalit ka sakin ate."
"Ok basta mag aral na ha,para hindi ako magalit sayo" tumango naman ito at napangiti ako.Kahit kailan naging mabait naman ito sakin.
Pagkatapos naming maghugas ng pinagkainan namin ay umaba ako ng bahay may mga kapitbahay kaming naghuhuntahan sa labas naging mailap kami ni Isay sa mga ito dahil hindi pa namin kabisado ang mga tao dito.
Kung kausapin man kami ay sinasagot lang namin ng maayos para wala silang masabi samin.Ang alam ng mga ito ay magkapatid kami ni Isay na hindi kuna itinama.Wala din may nakaalam na galing kami ng San Andres ang alam ng mga taga rito ay galing kaming maynila na pinalayas at walang matirhan kaya napadpad sa lugar na ito.
"Ate pwede ba tayong pumunta sa bayan burkas at may bibilhin lang ako na kailangan ko" ani Isay.
"Cge agahan natin para makauwi tayo agad ng maaga" sagot niya dito.
"Salamat ate ang bait mo talaga," anito. Na nagpangiti sa kanya.
"Sus binola mo pa ako Isaiah Mendez" at kiniliti ko pa ito na kinahagikhik nito.
"Hindi nga po ate Eyana Mendez"saka tumakbo ito palayo sa kanya.
Parehas ang apelyedo nilang dalawa dahil sinunod din ang apelyedo ng tyuhin nung kupkupin siya nito nuong dalawang taon pa lamang siya.Patay na daw ang mga magulang niya na hindi naman sinabi kung ano ang dahilan ng ikinamatay kaya napunta siya sa pangangalaga ng tyuhin na pinsan ng ina niya.
Kaya hindi niya lubos maisip na magawa sa kanya ng tyuhin yun magkadugo sila pero kayang gawin sa kanya ang kawalanghiyaan.
"Ayan ka naman ate bigla ka naman natahimik jan" untag nito nang tumabi ulit sa kanya.
"Wala naman naisip ko lang anong mangyayari sating dalawa,pero alam ko hindi tayo pababayaan ng Panginoon kaya manalig lang tayo".-aniya dito.
"Wag ka mag alala ate kaya natin lagpasan ang lahat ng ito". Saka sumadal ito sa balikat niya.
Tumayo na siya at hinila ito papasok sa loob ng bahay nila maliit lang ito kumpara sa dati nilang bahay.Dalawa ang kwarto nito kaya magkahiwalay sila matulog ni Isay nasanay na din sila na ganun kahit dati pa sa bahay nila.
Maaga siyang nagising at nagluto ng almusal nila pagkatapos ay ginising niya si Isay para kumain kailangan nilang agahan ang pag alis mejo malayo din ang lalakarin nila bago makasakay sa mga jeep na dumadaan kaya halos mga kapitbahay nila ay mayroon mga motorsiklo na sinasakyan pag punta sa bayan.
Meron ding mga tryckel na dumadaan pero minsan puno na ang mga ito kaya kailangan na lang nila na maglakad papunta sa highway at makasakay.
"Bilisan muna jan para di tayo tanghaliin mainit na pag naglakad tayo buti lang kung pauwi pwede tayong mag arkila ng tryckel pahatid dito" bilin niya dito saka pumasok sa kwarto niya at nagbihis.
Iilang piraso lang ang mga gamit nila na binili na lang sa bayan.
"Ate tara na?
"Cge, kukuha lang ako ng payong para hindi tayo mainitan masyado" aniya dito pagkakuha ay sumunod din siya dito kaagad sinigurado niya muna na nakakandado ang mga pintuan bago iniwanan.
"Ate pwede ba tayong bumili ng celphone may nakita ako sa bayan mura lang" anito.
Alam niyang nababagot na ito sa loob ng bahay at wala silang mapaglibangan kailangan din pala nilang bumili ng tv kahit papaano may mapanuoran man lang sila.
"Cge bibili tayo yung mura lang" pag sang ayun niya dito.Ayaw niyang pagdamutan ito at sa ina naman nito nanggaling ang pera niyang hawak sa ngaun.
"Yehey salamat ate" tuwang-tuwang nitong sabi.
"Masaya kana sa ganun"sita niya dito.
"Oo naman ate, kung nadala ko lang sana ang celphone ko di hindi na tayo bibili pa" malungkot nitong sabi sa kanya.
"Yaan muna yun Isay,kalimutan muna kung ano man ang mga naiwan natin sa dati,nga pala bibili tayo ng maliit na tv ok lang ba sayo? Pag iiba niya dito ayaw niyang mapunta sa kung saan na naman ang sasabihin nito at malulungkot lang.
"Cge,cge ate" tuwang-tuwa ito sa sinabi niya.
"Ok bibili tayo,kaya bilisan muna sa paglalakad jan".
Hangang makarating sila ng sakayan kaagad namang may dumaan na jeep at sumakay sila papuntang bayan.
BINABASA MO ANG
Love In Mistake(BELLEZA series 1)
RomanceLahat ng problema ay may solusyun ngunit paano masolusyun ang problema kung ito ay hindi mo alam kung paano uumpisahang solusyunan. Masakit man ang mga nangyari sa buhay niya nakaya niyang tanggapin sa kabila ng hirap na dinanas niya dahil lang sa i...