★Chapter Five: "Interruption"

6 9 0
                                    

Chapter Five: "Date's interruption"

"I can catch you and help you stand again in your foot once you fall for me..."

†††★†††

KASALUKUYANG nagpa-practice ang grupo nang dumating si Kess. Agad akong humiwalay sa kanila, ang mga loko, nag-ingay naman.

"Goodmorning! Ang aga ng practice natin, ah?" tanong nito at dinaluhan ako ng isang bottled water.

"Walang magawa ang grupo, eh," I answered bago ininom ang tubig na bigay niya.

"Para ba 'to sa event sa K.A.? Imbitado lahat ng college, diba?"

"Oh-hum... By the way, labas tayo mamaya? Uhm, friendly date?" paanyaya ko rito sabay kamot sa bibig ko.

Tsk! Nagkantyawan naman ang mga loko, ang hina na nun tapos narinig pa rin nila. Tumango naman si Kess kaya napangiti na lang ako. Yohoo! Lilipad ang palkon kasama ng isang binibini. *Sweet smile*

"Excuse us, Miss," singit ni Einton at inakbayan ako.

Anong problema nito? "Samahan mo 'ko, Alco. May pupuntahan tayo "

Napamaang ako. Loko, kita na ngang may kasama akong babae, oh! "H'wag kang bastos, 'tol, may kasama ako, oh!" turo ko kay Kess.

Ang kasama ko naman, ngumiti lang. "Okay lang. I-interview-hin ko na lang ang iba. Uhm, for school update para sa gaganaping event sa next saturday. Ilalagay kasi ito sa school journal natin," sabi naman nito.

Tinapik ako ni Einton sa balikat na parang nagmamadali. "Mamaya, sunduin kita sa department niyo," huli kong sabi bago ako kaladkarin ng lokong 'to papuntang parking lot.

"Ano bang problema?" mahinahon kong tanong dito kahit pa naiinis na ako.

"Basta, samahan mo lang ako," tugon nito at ipinasok ako sa loob ng sasakyan niya. Loko nga.

Tumigil ang sasakyan niya sa isang convenience store malapit sa university namin. Pinababa niya ako at kinaladkad ulit papasok sa store like—da-mn!

"Ano bang atin dito?" tanong ko.

Tumigil kami sa stall ng mga....girls stuff. "Ano 'to?"

"Ikaw ang pumili, Alco," sabi nito at inakbayan ako patalikod dun sa ano ng mga babae.

Ang loko, nahiya pa. Kahit ako naman ang daming nakatingin, eh. May ipinabasa siyang message sa'kin, napakunot noo naman ako. What is this?

"With wings?" tanong ko sa kanya.

"Ano 'yon?" tanong niya rin.

Binatukan ko nga, loko, eh!

"Kaya nga ikaw ang sinama ko kasi hindi ko rin alam, Alco! Pustangina, oh! Masakit 'yon!" singhal nito sa'kin.

"Bakit ako? Anong alam ko sa ganyan?"

Para kaming mga baliw na nagsisigawan sa isang sulok malapit dun sa mga ano ng girls. Buti at walang sumita sa amin.

"Basta, pumili ka na lang at bayaran mo. 'Kala ko ba naman matino ka? Piliin mo 'yong with wings daw, bilisan mo!" utos nito.

Binatukan ko nga ulit, loko siya, kung maka-utos, wagas na para bang wala nang bukas! "Sinama sana natin si Kess? Siya ang may alam nito, eh! Itanong mo nga kung anong kulay, sino ba 'yan?" kalmadong tanong ko rito.

"Ayaw nang sumagot! Bilisan ko raw, umiiyak na sa loob ng lady's room ang kapatid ko, Alco! Ano ba?" natataranta nitong tugon at may pekeng ngiti na iginiya uli ako sa harap ng stall na 'yon.

KissferenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon