★Chapter Eight: "Meet Angel"

8 9 2
                                    


Alco

MAAGA akong nagising kinaumagahan. Daig ko pa ang isang bangag na aso. Ang lokong Einton kasi, nagyaya pang mag-inuman kagabi, eh, anong oras na kami nakabalik sa town mula sa norte.

Kung bibilangin, tatlong oras lang ang naitulog ko. Loko talaga. Sumakit ulo ko ng dahil dun.

"Daddy!" bungad ni Angel nang makauwi ako sa bahay.

Umuwi akong naka-uniform, nandito lang naman ako upang sunduin si Angel na nagtatampo.

"Good morning, little Angel," nakangiting pagbati ko rito.

"Morning, Daddy. Daddy, isasama mo ba ako sa 'yo?" nanunulis ang ngusong tanong nito.

Binuhat ko naman ito at ginulo ang buhok nito. "Oo, isasama ka ni Daddy ngayon. Pero....kumain na ba ang little Angel ni daddy?"

Masaya itong itinaas ang kaliwang kamay. "Oo, daddy, opo, daddy!" Napatawa lang ako. Ang cute ng baby ko...

"Ayy! Daddy, hinintay kita kaya hindi pa ako nag eat," nakanguso nitong pagbawi sa sinabi nito.

Palihim akong napangiwi. Mabilis kong inalam ang oras, maaga pa naman, seven forty in the morning, makakahabol pa ako sa morning sub ko mamayang nine.

"Sa labas na lang kakain si daddy at little Angel, okay ba 'yon?" tanong ko rito na agad namang tumango tanong nang nakangiti.

Mabilis akong nagpaalam kay Mom. Ako na rin ang nagdala ng mga gamit na kakailanganin ni Angel. Marami itong pinaalala sa'kin na agad lumabas sa kabila kong tenga. Loko, umaandar na naman pagiging suwail ko.

"Daddy, saan tayo?" tanong ni Angel.

"Sa restaurant na kinainan natin ni tito Kortez at Queron mo noon, doon tayo kakain. Sa restaurant ni tito Dayem," masuyong tugon ko rito habang nagdadrive.

"Tito Korez? Tito Kekon?"

Napatawa ako. Nabubulol ang anghel ko sa pangalan ng mga loko.

"Oo, sila nga."

Napatango tango ito. "Daddy, papasok ka pang school mo?"

Ako naman ang tumango. "Oh-hum...."

"Eh, daddy, sinong magbabantay sa'kin?" natanong nito.

Nakamot ko bigla ang aking labi. "Si Nanny Reka mo, tatawagan siya mamaya ni daddy kapag papasok na si daddy sa school niya."

"Pero, daddy, ayaw ko pang pumasok sa school ko! Maaga pa naman, Daddy!" maktol nito.

Mahina akong napa-tsk. "Hindi pa naman papasok sa school niya si little Angel ni daddy, eh. Kung gusto mo nga, pwede kang mag-play muna sa playground ng school niyo tapos sabay ulit kayo ni daddy kakain mamayang lunch. Okay ba 'yon?"

"Woah! Daddy, gusto ko 'yon! I wanna play a lot then...tapos kakain ako ng lunch kasama si Daddy! Gusto ko 'yon, Daddy!" pagsasaya nito.

I smile for her. "My little Angel will do that all mamaya. Kakain muna kami dahil lumilikot na ang alaga namin sa tiyan," tugon ko sa kanya bago nag-park.

"We're here na, Daddy! Daddy, ime-meet na naman ba natin sina tito Korez at tito Kekon?" tanong na naman nito.

Lumabas muna kami ng sasakyan bago ko ito sinagot. "Mamaya, little Angel, mamaya sa school ni Daddy," tugon ko at naglakad papasok sa resto.

Pinakain ko lang ito at ang sarili ko. Matapos nun ay nagtuloy tuloy na kami sa Kingston University. Alam kong nagtataka sila kung bakit may kasama akong bata pero wala akong pakialam sa kanila.

KissferenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon