Chapter Seven: "New friendship from who I admire"
"Liligawan kita hindi upang maging nobyo mo kundi ang maging kaibigan mo. I just wanna prove that I'm worth it to be friend with through courting you...and I'm serious, Fifer."
†††★†††
Fifer
AFTER nang nangyari kahapon ay mas lalo akong napalapit sa crush ko. Yieee, shikaka! Kinikilig akoooo! Magkakasama kami ng mga friends kong nag-lunch kanina at ngayon ay nandito kami sa library para mag-advance reading.
Kasama rin namin si Moon at ang tatlo nitong kaibigan. Abala ako sa paggawa ng calligraphy sa notes ko dahil tapos na akong mag-aral kagabi. Ang FC-five naman ay abala sa pagbabasa habang tahimik na naglalaro ang tatlong kaibigan ni Moon.
Abala naman sa pagsusulat sa notes niya ang katabi kong si Moon. Ano kayang sinusulat niya? Shikaka, bakit hindi ko tanungin? We're friends na kaya simula kahapon.
Flashback....(Yesterday, kung kailan nag-date sina Alco at Kess)
ABALA kaming anim sa pagkukuwentuhan nang dumating ang grupo ni Kreenpyria. Shikaka, ano na namang problema ng mga 'to? Kasi naman, may kasama siyang mga alipores, eh! Parang susugod sa digmaan."Excuse us! Who's this Fifer b!tc# who landi our Queen's Moon?" mataray na tanong ng isa sa mga kaibigan nito.
Napayuko lang ako. Shikaka, help me! Ano bang kasalanan ko? Kasalanan na bang mag-transfer ng school?
"Fifer is my friend, Krissy," si Phee ang sumagot na huminto sa pagdadaldal.
"Oh, we don't care, Phee-ling Queen! Duhh~" sabat ng isa pa na hindi ko namumukhaan.
"Stop it, girls," natatawa pang saway ni Kreenpyria, hindi ko siya bet tawaging ate gayong ang pangit ng ugali niya. "I exactly know who's this Fifer but I wanna know her more." Tumabi ito sa'kin at pekeng ngumiti sa harap.
"Hi! I'm Kreenpyria, the real Queen of Kingston Academy," pakilala nito at muling ngumiti ng peke.
My blank expression remain kahit sinasabi ng isip kong ngumiti rin ako. Nanahimik lang ako't tinitigan siya at ang kamay nitong nakalahad.
Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya at ang iba naming classmates na lumabas pa ng room namin. Nagkaroon tuloy ng malaking kumpulan sa labas ng room namin, rito sa hallway na malapit sa railings.
"Shuta ka girl! Snobber lang ang peg? Ang gaga mo, b!tc#! Ang Queen na mismo ang nakikipagkamay sa'yo tapos aayaw ka? Ang ouchie nun prenny Queen," boses ito ng isa sa mga alipores ni Kreenpyria na Krissy ang pangalan.
Lalong nagtawanan ang mga kaklase namin habang ang iba ay tahimik na nakikiusyoso. Binawi ni Kreenpyria ang kamay nito at umalis sa upuang katabi ko, ang monobloc chair na inukupa kanina ni ate Leerynz.
Tumayo itong nakatingin sa palad nito. Ang hindi ko lang alam ay isasampal niya pala sa pagmumukha ko ang palad niyang 'yon! Napatayo lahat ng kaibigan ko pati ako ng dahil sa gulat.
"Fifer!!"
"Omay gashh! Fifer!"
Saka ko lang naramdaman ang sakit na nanuot sa kaibuturan ng pakiramdam ko. Hindi ko napigilan ang mga luhang naglandas sa pisngi kong sinampal ng Kreenpyria'ng ito.
BINABASA MO ANG
Kissferen
Teen FictionCaMLoFiSi Series 1 (Kissferen) Kung may gamot mang naimbento para sa sakit ng ngipin, marahil ay kay swerte ni Miskyss nang natanggap niya iyon mula sa labi ng binatang si Aljestico kilala sa palayaw na Alco. Ang binata ang tumatayong leade...