Chapter Six: "Mysterious Game na dapat niyang tapusin."
Ang larong tinutukoy ko ay ang alitan sa pagitan ng mga Gang...
†††★†††
Mykess
FREAKY FREAK! Oh my froggy ugly, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko! MAY BABY SI ALCO? LIKE WHAT? AS IN, BINATANG AMA ITO? I can't believe, anong edad niya nang may na produced siyang binhi sa isang babae?
Fifteen years old ito nang may nabuntis ito at ngayon ay may five years old na itong baby. Ngayon ko lang 'to nalaman at paanong hindi ito napabalita sa school? Arghh, sumasakit ulo ko sa isang 'to.
I accept him naman kahit gano'n pero sobra-sobra na 'yong nalaman ko para buuin ang araw kong ito. Napasandal ako sa hood ng isang kotse dito sa parking lot, I need support, parang matutumba ako ano mang oras.
Nasa parking lot ako ngayon ng fitness gym ni Alco habang hinihintay ang sundo kong tinawagan nito. Napapaisip ako tungkol sa nalaman ko. Nasaan na kaya ang ina ng anak ni Alco?
Bakit hindi ito napabalita? Ano kayang say ng parents nito sa sitwasyon niya? At bakit naman gano'n, masyado silang bata upang magkaroon ng baby!
"Ahh!" napaigtad ako nang may pumito sa gilid ko.
Isang black na SUV na huminto ilang metro ang layo mula sa akin. Lumabas mula roon si Venxon na kaibigan ni Alco. Lumapit agad ako rito.
"Hello there, Miss Journalist." Sumaludo pa ito at yumuko ng bahagya.
"Tumigil ka nga!" singhal ko rito. "Pasensya na sa abala, hah?"
"Luhh, wala 'to! Basta si bossing ang nag-utos, hindi ito pwedeng tanggihan ni Venxon. At isa pa, hindi ka namin pwedeng pabayaan, pinsan ka pala ni Clustein, hindi ka man lang nagpasabi."
Binuksan nito ang pinto ng passenger's seat at nakangiting itinuro ang loob, senyales na pinapapasok niya ako rito.
Hinintay ko munang makapasok ito sa driver's seat bago muling magtanong. Alam kaya nito ang tungkol sa anak ni Alco?
"Nasa iisang village lang ba kayo ni Clustein?" tanong nito, naunahan ako.
"Ah, yes, ituturo ko na lang ang house namin."
"It's a must," tango nito at abala ata sa pagda-drive.
Itatanong ko ba? "Ahm.... Venxon, pwedeng magtanong?" I ask.
Nakilala ko na sila kanina nang interview-hin ko sila patungkol sa practice nila. At kanina lang ako ipinakilala ni Clustein bilang pinsan nito sa kanilang lahat, kahapon naman kay Alco since dikit ng dikit sa'kin ang isang 'yon.
"Yeah. Just drop a proper question nang may masagot ako," tugon nito.
Mukha siyang seryoso ngayon kumpara no'ng una ko siyang na-encounter kasama ni Alco. So it's true, they were all serious when they were alone with someone they weren't close or friend.
"It's a freaky freak question but I really wanna ask this," nahinto ako at bahagyang nakagat ang pang-ibabang labi. "....May anak na pala si Alco?"
BINABASA MO ANG
Kissferen
Teen FictionCaMLoFiSi Series 1 (Kissferen) Kung may gamot mang naimbento para sa sakit ng ngipin, marahil ay kay swerte ni Miskyss nang natanggap niya iyon mula sa labi ng binatang si Aljestico kilala sa palayaw na Alco. Ang binata ang tumatayong leade...