★Chapter Eleven: "Kinakapatid"

7 8 1
                                    


MABILIS kaming tumakas mula sa ibang members ng Ten-F-brotherhood. Kasama ko parin si Venxon hanggang ngayon. Actually, siya nga ang maghahatid sa'kin sa bahay at on the way na kami ngayon.

And sad to say mga froglet, kailangan naming maghiwalay pagkadating ko sa house. Hihi, drama lang walang halong katotohanan.

"Uhm... Pagpasensyahan mo na sila, Kess. Gano'n talaga kami tuwing magkakasama...lalo na ngayong college, minsan na lamang kaming makompleto dahil sa schedule namin. Sabihin na lang nating, nami-miss namin ang isa't-isa," salita ni Venxon nang makapasok na kami sa village.

Ewan ko lang kung bakit pero frog, awtomatiko atang ngumiti ang labi ko! Siguro'y dahil ito sa purong tuwa. "Ano ka ba prince—" nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang tumigil ang dila ko sa kadaldalan nito.

Sabing tatawagin ko lang siyang prince frog sa isip ko, eh! Baka sabihin niyang hindi ako marunong tumupad sa usapan.

"Prince Venxon, okay lang 'yon! Sa katunayan ay napangiti nila ako sa kakulitan nila kaya wala kang dapat ihingi ng pasensya," bawi ko naman at tumikhim ng ilang beses.

"It supposed to be prince frog, right? Binaliktad mo lang 'yong frog prince, Kess. Tigas ng ulo, sabing Venxon na lang itawag mo sa'kin." Napangiwi ako sa sinabi niya and at the same time ay naka-feel ng guilt.

Okay, sabi ko nga titigil na ako. "Sorry na, Venxon... Nasanay lang," paghingi ko ng tawad dito para lagi kaming bati and at the same time ay iwas away sa pagitan namin.

"Aye-aye! I Understand!" tugon niya at pinark ang sasakyan sa labas ng main door ng bahay namin. "We're here. Take a rest, Kess and thank you sa oras na nasayang ko. Hehe, alam kong nabore ka dun kanina kaya h'wag kang umangal."

"Freak?! Edi, thank you din for completing my day... uhm, being happy makes my day complete so take my thanks," sabi ko at nginitian siya.

"Pero Venxon, may alam ka ba kung sino ang ina ng anak ni Alco?" dagdag na tanong ko. Lulubos lubusin ko na ang time na free akong makapagtanong sa kanya.

Duh! Isang dream come true ang makasama at makausap ang kahit sinong member ng Ten-F-brotherhood gayong alam ng lahat na mailap sila.

Kumunot naman ang kagandahan—este noo ko nang tumawa ito but I sense pain that passed through his eyes. Freak! It's creeping me out!

"Angel's mom was his sister—" agad itong natigilan habang nanlalaki ang mga mata na para bang may nasabi siyang kasalanan.

Ako naman ay napatulala habang ramdam kong nalaglag ang panga ko sa narinig. FREAKY FROG?! DID I HEARD IT RIGHT? KAPATID NI ALCO ANG INA NI ANGEL NA ANAK NITO? Wait! Parang ayaw ma-process sa isip ko ang narinig ng tenga ko. Parang gusto kong lumabas ito sa kabila kong tenga.

"A-ahm..! Bumaba ka na, Kess! You heard it wrong—wala akong alam tungkol d'yan," maagap nitong pagbawi sa sinabi na para bang nahimasmasan.

I stay still while looking intently in his eyes. Pero wala akong masense or mabasang hint dun kung nagsisinungaling ba siya or what. His eyes is full of mystery, mahirap basahin, mahirap hulaan kung ano ang tunay niyang emosyon.

"Pakisabi na lang sa kapatid mo ang paghingi ko ng tawad para sa ginawa ng kapatid ko. Asa namang hihingi 'yon ng tawad gayong siya ang dehado sa ginawa niyang kalokohan. I sincerely sorry about it, Kess," sabi nito.

Ilang segundo rin akong nag-isip, i mean, ilang segundo rin ang itinagal bago nagproseso ang sinabi niya.

Wait, kapatid niya? Kapatid niya 'yong pumatid sa kapatid ko? Frooooggg! Ano ba talaga? Nagsasabi na ba siya ng totoo or what?

KissferenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon