A/S/M: oyy! May update tungkol sa kagwapuhan ko! 🤞
Mykess
AFTER no'ng last encounter namin ni Alco at ng anak nito ay hindi na nasundan pa. It only means na iniiwasan ko siya. Yes. Bihira na lang kung magkita kami sa loob ng campus dahil pursigido talaga akong iwasan siya.Kaso may umepal na namang frog, ang frog prince na si Froxon. Laging dumidikit sa'kin. Sinabi ko pa namang iiwas muna ako sa kahit sinong member ng Ten-F-brotherhood.
Dahil simula nung napalapit ako sa kanila ay nagkaroon ng adventure ang tahimik at walang kulay kong buhay. Halos lahat ng schoolmates ko'y may galit sa'kin. For sure, naiinggit sila dahil nakakasama ko ang ilang member ng dance troupe.
"May nangyari bang problema na hindi ko alam?" biglang tanong ni Clustein na pumukaw sa naglalakbay kong diwa. Ang freak na 'to, ginulat pa ako.
"Magsabi ka nga, Venxon. May namamagitan na bang string sa inyong tatlo ni boss?" patuloy niya na ang kausap pala ay si Froxon na kasama rin namin.
Unang araw kung kailan ako nagpasyang iwasan si Alco. Well, I still admire him but now I know that it's dangerous to be with him. Hindi lang dahil sa mga fan girls niyang nakapaligid sa kanya kundi mismong siya. He became a stranger to me now. Parang narealize kong wala pala akong alam tungkol sa kanya.
"What do you mean, Clustein?" sagot ni Froxon na nasa passenger's seat, ako naman ay nasa backseat.
Nakisakay na lang ako kay Clustein gayong wala ang kambal. Hindi parin sila umuuwi kasama ni dad. Ayaw din nilang sabihin kung nasaan sila. Ang sabi ay may inaasikaso kaya shut up na ako.
Nagkataon namang magkasama si Clustein at Venxon kaya at the end ay sabay sabay kaming tatlo na uuwi since nasa iisang village lang din naman kami.
"You know what I mean, Venxon."
"What string ba ang ibig mong sabihin, Clustein?" Sumingit na ako sa usapan nila.
"'Yong string na hugis tatsulok na kayo ang nasa bawat sulok. 'Yon ang ibig kong sabihin, Kess. Bullshit! Anong nangyayari sa inyo? Alco acts weird lately...last time I see him is he's with you Kess. After he talk Venxon, yeah. Then, last night, naglabas ng galit sa hindi namin alam na kadahilanan. Then after that, mapapansin kong nag-iiwasan kayong tatlo. Lol. Bigla siyang naglagay ng barriers sa pagitan naming magkakaibigan, kaya imposibleng ako lang ang nakapansin. May problema si Alco, sigurado ako. I'm not just sure if who's the reason why," mahaba niyang tugon.
Wow like what, hindi ko inaakalang magsasabi siya ng gano'n. Knowing my cousin, tahimik lang ito at laging naka dead-look. Malimit kung magsalita at hindi namamansin.
"At pinaghihinalaan mong kami ang rason? Lintik ka! May pa-string string ka pang nalalaman, kung sinabi mo na lang na love triangle, edi sana mas malinaw kumpara sa nauna," sabi ni Froxon. Mukhang hindi naman seryoso ang frog na 'to, eh.
"May 'love' bang namamagitan sa mga string, Venxon? What I mean for the string is a simple connection...not like what you think. Tarantado."
"Linawin mo kasi!"
"Sagutin mo na lang," seryosong sabi ni Clustein.
"Magsasabi 'yon kapag hindi na niya kayang i-handle ang problema niya. Alam mo namang sinasarili niya ang problema kapag tungkol na sa kanyang pamilya. At nag-uusap kami simula pa kahapon. Walang problema sa string na meron kaming tatlo," sagot ni Froxon.
Nanahimik lang ako. Hindi dahil takot ako kay Clustein kundi dahil nakakatakot ito kung minsan. Parang si Alco lang. Buti pa si Froxon, hindi maintindihan ang ugali pero minsan mabait, minsan naman ay mapang-asar at mapang-insulto.
BINABASA MO ANG
Kissferen
Fiksi RemajaCaMLoFiSi Series 1 (Kissferen) Kung may gamot mang naimbento para sa sakit ng ngipin, marahil ay kay swerte ni Miskyss nang natanggap niya iyon mula sa labi ng binatang si Aljestico kilala sa palayaw na Alco. Ang binata ang tumatayong leade...