MATAPOS ng nangyari kahapon, parang ayaw ko nang makita pa si Venxon dahil sa hiya. Napabalikwas ako ng bangon ng may biglang kumatok sa room ko.Nang bumukas ang pinto, iniluwa nun ang froggy kong kapatid. Dumapa ulit ako sa bed ko then humarap sa laptop kong ginagamit. "Why you're here?" I said habang abala sa pag-su-surf sa FB.
Ang freaky frog ko namang kapatid ay umupo sa kama ko. "Bawal ba?" pabalang nitong sabat.
I just roll my eyes at hindi na lang siya pinansin. Buong Friday na hindi kami nagka-usap ni Alco dahil abala ito sa major subjects niya at sa anak niyang nasa school kanina.
Tuloy ay kay Betsy my froggy friend ang bagsak ko. Nagkwento ako tungkol sa nangyari kanina at ugly frog na bruha, tawa naman ng tawa! Errrrrr! Ang pangit niyang kausap!
"Ate, sasama ka ba sa amin bukas?" tanong naman ni Ryth.
Tinatamad ko itong sinagot, "Saan?"
"Sa mall? Shopping tayo with Syth and our friends, sige na ate, magmumokmok ka lang naman dito, eh!" pamimilit nito.
Tumihaya naman ako sa kama dahil sa kakulitan niya. Sa hindi ko alam na dahilan ay kumilos ang paa ko upang sipain si Ryth paalis ng kama.
Nahulog ito na kinatuwa ko. "HAHAHAHAHA!"
"Ate! Aww! It hurts! May period pa ako, eh, ate naman!" reklamo nito.
"Hahaha! Opps! Sarry~"
"Itulak rin kaya kita d'yan? Nang malaman mong poon-tang ka na masakit 'yon! Kainis ka naman, ate, eh!" alipusta nito at umupo sa Wesson Chair malapit sa bintana ng room ko.
Ayaw na niyang tumabi sa'kin...aww, nainis ang froggy kong kapatid. *fake pout* "Sumama ka na kasi, ate Kess," pamimilit parin nito.
"Ililibre mo 'ko, Ryth?" tanong ko naman.
"Duhh! Manghihingi tayo kay Dad ng pera o 'di kaya gamitin natin ang credit card ni Mom."
"Freaky frog! Baka pagalitan tayo?"
"Hindi, nagpaalam na ako kay Mommy. Remember, sa next Saturday na ang Acquaintance party," tugon nito at pinakialaman ang collection ko ng books sa mismong bookshelves ng room ko.
"Gano'n?"
Tumango ito.
"My freaky frog sister, hindi ako a-attend sa ganyang party. I'll stay na lang dito sa bahay at magmo-movie marathon ng mag-isa," saad ko at sinaway siya. "Tigil mo nga 'yang pakikialam mo sa mga gamit ko, Ryth!"
"Tumitingin lang, eh," sabat nito, tumitingin daw eh halos yakapin na niya ang mga precious books ko! "Samahan mo lang kami ni Syth, ate. At isa pa, makakasama natin bukas si Wrendryk at si Fifer girl, sabay daw kaming mamili ng damit sabi ni kuya Wrendryk."
"Gano'n? Makakasama pala ng froglet kong sisteret ang long time crush nito. Enjoy your day lang with him, Ryth, hindi ako sasama. By the way, magka-text ba kayo niyang Wrendryk na 'yan?" pangingilatis ko sa kanya.
Wala akong tiwala sa Wrendryk na 'yon, baka matipuhan niyang paiyakin ang kapatid ko. Ayaw ko 'yong mangyari.
"Hindi. Ayaw ibigay ni Syth ang number niya kaya sila ni Syth ang nag-uusap," tugon nito at kinuha ang isa sa mga importanteng novel sa bookshelves ko!
"Ibalik mo 'yan!"
She stamps her foot like a toddler. "Ayaw! Hihiramin ko lang, eh!"
"Ibalik mo 'yan, Ryth. Hindi ako sasama kung hindi mo 'yan ibabalik," pagbabanta ko rito. Wala akong tiwala sa froglet na 'to, I'm sure, hindi niya isasauli ang libro ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/285303723-288-k983941.jpg)
BINABASA MO ANG
Kissferen
Fiksi RemajaCaMLoFiSi Series 1 (Kissferen) Kung may gamot mang naimbento para sa sakit ng ngipin, marahil ay kay swerte ni Miskyss nang natanggap niya iyon mula sa labi ng binatang si Aljestico kilala sa palayaw na Alco. Ang binata ang tumatayong leade...