Prologue

213 8 25
                                    

Arily's POV


"Kilala niyo ba 'yon? Mukhang hindi 'yon taga rito sa atin 'e."

"Ang alam ko, kasama 'yon sa mga inimbita ni Kriselle sa birthday party niya kagabi."

"Grabe, hindi na yata mabilang kung ilan ang saksak na natamo nung babae."

Natigilan ako sa paglalakad. Ano ang pinag-uusapan nina Aling Marites, Aling Belinda at Aling Auring? May saksakan na naganap?

Lumapit ako sa kanila. "Ano hong nangyare? Ano ho ang pinag-uusapan ninyo?"

"Ay nako, jusko! Hindi mo pa alam?" Magtatanong ba naman ako kung alam ko? Clown ka, Aling Marites. "May patayan na naganap kagabi! Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa kakahuyan."

Nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya.

Grabe, ngayon lang mayroong nangyare na gano'n dito sa baryo namin.

Hindi na ako masyadong nakipagchikahan pa sa mga kampon ng chismosa at tinahak ko na ang paradahan ng mga sasakyan. "Manong sa San Barakbakan University," sabi ko sa tricycle driver na si Manong Pilo.

"Sandali lang iha, maghihintay muna ako ng ibang pasahero."

Naghintay na muna kami ng ilang sandali at napuno na ang tricycle niya. Bakit ba gusto ni Manong Pilo na punong puno ang maisasakay niya rito? Siksikan na nga kami nitong kasama ko sa loob, amoy putok pa. Shuta. Agang aga, amoy putok agad itong katabi ko. Pigil hininga na lamang ang ginawa ko hanggang sa makarating sa unibersidad na pinapasukan ko.

"Bayad ho, sa inyo na ang sukli Manong Pilo." Hindi ko na kinaya ang amoy kaya bumaba na agad ako sa tricycle.

Tinignan ko muna ang University na matagal ko nang pinapasukan. Wala pa rin pagbabago, kailan ba nila ipaparenovate man lang 'to?

Hindi naman gano'n kasama itong San Barakbakan University, kaya lang medyo halata ang pagkaluma ng mga pader nito, mabuti nalang at malinis naman ang paligid.

Naglakad na ako papasok sa malaking gate na ito, may mga nakakasabay pa akong ilang estudyante na mukhang excited na excited pumasok.

Umikot ang eyeballs ko. Siguradong sa kalagitnaan ng sem ay makakaramdam din ang mga 'to ng katamaran na pumasok.

"Ay pempem!" May nakabunggo akong estudyanteng babae.

"Omg, I'm sorry! Nagmamadali kasi ako e," paghingi niya ng tawad habang pinupulot ang mga gamit niya na nalaglag.

"Sorry din, tulungan na kita." Dakila akong mabait sa kapwa kaya tinulungan ko siyang magpulot ng mga gamit niya.

"Ako nga pala si Arily, ikaw? Bagong lipat ka ba rito sa 'min?" Pakilala ko sa kan'ya. Dito na ako lumaki at tumanda kaya kilala ko na ang mga taga rito sa amin.

Tumango siya bago tanggapin ang kamay ko. "Yes, I'm Athena." Ngumiti siya kaya't nakita ko ang dimples niya.

Babae ako, babae ako, babae ako.

"Saan ka pa ba pupunta? Samahan na kita, baka maligaw ka pa."

Baliko ako, baliko ako, baliko ako.

Shutacca, Athena. Bakit ba ang ganda mo?

Char lang siyempre, tuwid na tuwid ako 'no.

"Papunta sana ako sa room ko e, kaso hindi ko alam kung saan 'yon," aniya habang nakatingin sa papel na hawak niya.

"Anong grade mo na ba? At ang section mo?"

"11-Bayani," sagot niya kaya nagliwanag ang mga mata ko sa saya.

Her Diary ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon