Page 4

48 5 30
                                    

Arily's POV

Mababaliw na yata ako!

Ang babaeng namatay sa isang live video ay nag-aaral pala sa school namin. Napag-alaman din namin na ang babaeng namatay ay si Alexa Pamintuan, kapatid ni Alexander.

Bakit ganoon? Halos lahat ng namamatay ay may koneksyon kay Alexander, maliban kay Veronica, o wala nga ba?

"Mabait ang mga anak ko.. hindi nila deserve na mamatay," humahagulgol ngayon ang ina nina Alexa at Alexander. Nasa balita ito ngayon at iniinterview ng mga imbestigador.

"Grabe, parang tinatarget yata ang angkan ni Alexander!" usal ni Violet at saka pinatay na ang cellphone kung saan kami nanonood.

"What do you guys think? Sino ang pumatay sa kanila?" tanong ko at nagpangalumbaba.

"Si Melanie pa rin suspect ko," sambit naman ni Spade.

Athena agreed. "Oo, feeling ko si Melanie nga."

"Hindi ako ang pumatay sa kanila!"

Gulat naming nilingon ang sumigaw. It was Melanie, umiiyak siya at may galit sa mga mata niya.

"M-Melanie.." nasambit na lang namin.

"B-bakit ba ako ang inaakusahan ninyo? H-hindi ko kayang pumatay ng tao!" sigaw niyang muli at napaupo sa semento, sinasabunutan na niya ang kaniyang buhok. "Hindi ako ang pumatay sa kanila! Hindi ako!" paulit ulit niyang sigaw kaya agad kaming nagpanic.

Ang mga kaibigan naman nito ay dinaluhan siya at inaalo para patahanin sa pag-iyak.

"Shit!" mura ni Spade at hindi na rin mapakali. "What if magalit 'to sa 'tin at tayo naman ang patayin?"

"Hindi nga ako ang pumatay!" sigaw na naman ni Melanie, marahil ay narinig niya ang sinabi ni Spade.

"Huwag mo na kasing galitin!" inis na sambit ni Athena at hinampas si Spade sa braso.

"Aray! Bat ka nanghahampas?"

"Tanga ka kase!"

Nang dumating si Ma'am Jean ay nagulat siya sa nadatnan niya. "What happened here?! Why are you crying Miss Gonzales?" Nilapitan niya ito at inalo rin.

"T-they're accusing me for doing things that I didn't do!" sumbong nito at tinuro kami.

Agad akong tinubuan ng kaba, paano kung makulong kami dahil doon? May kaso rin nga kung pagbintangan mo ang isang taong wala namang ginagawa!

"What? Ano ito?" Tumingin sa amin si Ma'am Jean, ang nagawa ko lang ay yumuko.

"Sabi po nila si Melanie raw po ang pumatay sa mga namatay dito sa school!" sumbong naman nung isang kaibigan ni Melanie. Patay.

"Ano?" hindi makapaniwalang aniya at mariin na ang titig sa amin.

"Ipaguidance mo po sila Ma'am!" ani naman nung isa pa, napakasipsip naman ng isang 'to.

"No, we can talk about it here," usal ni Ma'am Jean kaya napahinga kami nang maluwag. "Guys, labas muna kayo," sabi niya sa iba naming kaklase na gusto pa sanang makiusyoso pero walang nagawa kundi ang umalis na lang. Sinara ni Ma'am Jean ang pinto at pumunta sa harapan. Ako, si Violet, Athena, Spade, Leon, Melanie at mga asungot niya, at si Ma'am Jean na lang ang nandito.

"Hindi ko na ito ipaparating pa sa Dean natin dahil alam ko na mayroon kayong mga sariling rason." Tumingin siya sa amin. "Bakit ninyo inaakusahan si Melanie na siya ang killer?"

"Dahil meron po siyang koneksyon sa mga namatay, Ma'am," matapang na sagot ni Spade.

"What do you mean?"

Her Diary ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon