Arily's POV
Maayos naman ang naging daloy ng birthday ni Violet. Madaling araw na rin 'yon nang napagpasyahan naming matulog na. Overnight kasi kami doon.
At kinabukasan, bangag na bangag ako. Nasobrahan yata ako sa red horse na binili nung tatlo. Hindi pa kasi nakuntento ang mga 'yon sa Soju. Eh ako, nacurious ako sa lasa kaya tumikim ako, though hindi lang 'yon tikim, uminom talaga ako!
Gusto ko lang namang maramdaman 'yung malasing, good girl kasi ako e.
Ngayon naman ay sabay sabay kaming pumasok sa school. Halos lahat pala kami ay bangag.
"Sakit ng ulo ko shutangamang red horse 'yan," inis kong sabi habang nakahawak sa ulo ko. Nasa room kami ngayon at nandito rin si Nine dahil wala pa namang klase.
"Painom inom kase," bulong nitong si nuebe kaya sinipa ko siya.
"Kung hindi ka ba naman kase nagpabili bg red horse diba?!"
"Aray! Makasipa ka naman daig mo pa 'yung horse!" anito at tumawa. Inirapan ko siya at uminom ng tubig.
Hindi ko na lang pinansin itong si Nine dahil baka tuluyan pa akong mategi boom dito.
Nasa gitna ako ng pag-oorasyon nang may pumasok sa loob ng room. Lalaki ito, hindi ganoon katangkad at hindi rin kagwapuhan.
"Good morning, everyone!" masiglang bati nito at ngiting ngiti pa ang gago. Sino ba 'tong lokong 'to at napakafeeling close?
Kasunod pala nito si Ma'am Jean.
"Class, meet your new classmate, Jims Kurt Angry."
Anong klaseng pangalan 'yon?
Tinignan ko itong si Jims Kurt Angry na ngiting ngiti pa rin. Mukha namang hindi 'to galit.
Pero bakit ba siya ngiti nang ngiti? Hindi naman siya kagwapuhan. Kahit nakangiti siya e mukha pa rin siyang pinaglihi sa sama ng loob.
"Maupo ka sa tabi ni Miss Gonzales," sambit ni Ma'am Jean dito kay Kurt. She's pertaining to Melanie.
"Oks po, Ma'am." Lumapit naman ito kay Melanie at naupo sa tabi nito. At ang loko mukhang nahihiya pa! Gosh, kinikilig ba siya sa lalaking 'yon?
"Hi, Mel," bati nitong Kurt kay Melanie at nag-usap pa sila na hindi ko na narinig.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako ano. Dahil hindi naman ganyan si Mel sa ibang lalaki. But well, wala na nga naman si Alexander na cheater.
Hindi ko na pinansin 'yung dalawa at lumingon kay Violet.
"Ginagawa mo teh?" tanong ko sa kanya dahil mukhang malalim ang iniisip niya, nakatingin pa siya sa kamay niya.
"Nagbibilang ako, wag kang magulo-- 500 plus drinks 879 then 200 at 'yung isang libo.."
Kumunot ang noo ko. "Para saan naman 'yan?"
"Kinekwenta ko 'yung mga nagastos ko," at saka siya bumalik sa pagkukwenta.
Napailing iling na lang ako at hindi na rin ito pinansin.
"We have another new student?" biglang tanong ni Ma'am kaya nagtaka kami. Na naman?
"You, what's your name, iho?" tanong ulit niya kaya sinundad namin ito ng tingin.
Si Nine! Nandito pa pala 'tong damuhong 'to.
"A-ah, eh.. hindi po ako taga dito, Ma'am, sa kabilang section po ako, hehe.." aniya saka nahihiyang lumabas ng room namin.
Ma'am Jean started discussing about the topic in mathematics. Syempre, wala pa rin akong maintindihan. Nung magpaquiz siya ay kung ano ano lang ang nasagot ko. Ayos na 'yon, at least may sagot.
BINABASA MO ANG
Her Diary ✓
Mystery / ThrillerA user, a liar and a traitor. Who's the user? Who's the liar? Who's the traitor? Let's find out in Her Diary. -MissOwemjii