Epilogue

37 2 4
                                    

Naresolba ang kaso. Nailibing na ang mga nasawi ngunit hindi ang mga memorya na nakatatak na isip ng bawat isa. Isa ito sa mga hindi nila malilimutan na pangyayari.

"Daig ko pala kayo e, buhay na buhay ako ngayon oh." Kinakausap ni Nine ang puntod ni Athena at Leon. Nakaligtas pa rin ito kahit na putol ang ang kamay nito.

Binatukan siya ni Spade. "Gago."

Si Arily ay nakatulala lamang sa kalangitan katabi si Violet na puno ng benda ang mukha.

"Sana maging maayos na ang lahat," bulong ni Arily at napapikit.

Tinapik siya sa balikat ni Violet. "Magiging maayos na ang lahat."

Napangiti na lang si Arily at hinawakan ang puntod ng dalawang kaibigan. "Magtatapos kami ng pag-aaral para sa inyo. Kami ang tutupad sa pangarap nating lahat." Bahagyang nanubig ang mata nito.

"Basta kapag namatay ako dito ako sa tabi ng puntod ni Leon ha," singit ni Nine sa pagdadrama ni Arily.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Eh kung patayin na kaya kita ngayon?"

"Ipapapulis kita!" ganti sa kanya ni Nine.

Nagtawanan na lamang ang magkakaibigan.

"'Yung diary pala na MAG, Macy Anne Gonzales pala ang ibig sabihin non 'no? Hindi man lang natin narealize. Inakusahan agad natin si Melanie," si Violet.

"Halos lahat kasi ng ebidensya ay si Melanie ang itinuturo," si Spade.

Napabuntong hininga na lamang si Arily at tumayo. "Tara na? May klase pa tayo."

Tumango ang mga kasama niya. "Bye, Athena at Leon. Dadalaw ulit kami," paalam pa ni Nine at sabay sabay na silang naglakad paalis.

Akala nila ay maayos na ang lahat.

Ngunit hindi. Hindi pa.

Hindi nila alam na may nakamasid.

Nakamasid siya. At naghihintay lamang ng pagkakataon.

Her Diary ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon