Page 7

51 5 11
                                    

Arily's POV


"Arily, pakidala nga ito sa stock room," utos sa akin ni Ma'am Jean at saka itinuro ang mga papel na nakapatas sa table niya. Tinungo ko iyon at binitbit palabas ng room.

Medyo masama ang pakiramdam ko ngayon, para akong lalagnatin, hindi ko alam kung bakit pero sumunod pa rin ako sa iniutos ni Ma'am Jean.

Dumiretso ako sa stock room at isinalansan sa table doon ang mga dala ko, paalis na sana ako nang mapansin ko na bahagyang nakabukas ang isang drawer doon, may papel din na bahagyang nakausli sa loob nito. Lumapit ako dito at tuluyan itong binuksan. Puro alikabok na ang nasa loob nito pero itong isang pirasong papel ay hindi mukhang luma, parang may nagmamadaling nagtago nito dito.

Kinuha ko ang kapirasong papel at pinagmasdan, may nakasulat pala dito.

'I knew I wasn't safe, I should escape, she's a monster, she want me to be in trouble! She wants to put all the blame on me. I can't trust her.. I can't trust'

Putol ito, ano bang ibig sabihin nito?

Ibabalik ko na sana ang kapirasong papel sa dati nitong kinalalagyan nang may biglang pumasok sa stock room. Macy?

Hingal na hingal siya at nanlaki ang mata nang makita ang hawak ko, bigla niya 'yung hinablot sa akin at saka walang lingon-lingon na tumakbo paalis.

Eh? Anong problema no'n?

Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na pabalik sa room.

"Tagal mo ah." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Violet at dumiretso lang sa upuan ko.

"Impaktita ka, bakit hindi mo man lang ako tinulungan?"

"Tinatamad ako e, at saka ikaw lang kaya ang inutusan ni Ma'am Jean." Inirapan ko na lang siya at umayos ng upo.

Walang kabago-bago nang sumapit ang hapon, uwian na at nagkahiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan. Mag-isa akong naglalakad pauwi sa bahay nang madaanan ko ang bahay ng magkapatid, si Melanie at Macy. Malaki ito at malinis ang labas, mukhang alaga sa linis, kaya kahit makaluma ang bahay nila ay maganda pa rin ito.

Maglalakad na sana ako uli nang makarinig ako ng malakas na kalabog sa loob. Bigla akong kinabahan. Isasawalang bahala ko na sana ito at didiretso na nang sundan ito ng isa muling kalabog, mas malakas na ngayon. Agad kong tinext si Violet.

To: Ubeybe

May something sa bahay nina Melanie, may kumakalabog sa loob.

Naghintay pa ako ng limang minuto ngunit walang reply ang babaita.

Tumingin akong muli sa bahay at luminga-linga sa paligid, saka dahan dahang pumasok sa loob ng gate, hindi ito nakalock.

Ang kaninang magandang mood ko sa bahay nila ay siya namang kinabaligtaran ngayon. Dumilim ang paligid, mukhang uulan.

Isinawalang bahala ko ito at nagtago sandali sa puno na nasa gilid dahil lumabas ng bahay si Melanie, aligaga ito at patingin-tingin sa gate na parang may hinihintay.

Ilang sandali nga lang ay may dumating. Si Jims Kurt Angry. Anong ginagawa nito dito? Ah, oo nga pala, magshota ang dalawang 'to.

Sinalubong ito ni Melanie, mukha na siyang masaya pero may something sa ngiti niya.

"Tara sa loob.." aya ni Melanie kay Jims Kurt. Umakbay naman sa kaniya ang lalaki at sabay sila pumasok sa loob ng bahay.

Aalis na ba ako?

Hindi, may nag-uudyok sa akin na sumunod sa loob.

Sinunod ko ang aking kuryosidad, palihim akong lumapit sa bahay at doon sa likod dumaan. Basta may nararamdaman akong kung ano, parang may mangyayare.

Her Diary ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon