Third Person's POV
Sinuong ng mga magkakaibigan ang kagubatan. Nagkahiwa-hiwalay na ang mga ito at kung saan-saan na napadpad. Dumadagundong na kaba ang nararamdaman nila habang nagtatago sa sulok ng mga puno.
"L-Leon, I'm scared.." umiiyak na sambit ni Athena sa kasama at nakasiksik dito.
Inakbayan ito ng binata at tinapik ang balikat. "Shh, makakaalis tayo dito," bulong nito sa dalaga.
Saglit na nanahimik ang paligid.
May papalapit. Naririnig nila ang yabag ng paa nito mula sa mga dahon na nagkalat.
Nanginginig na sumiksik ang dalawa sa puno na kanilang pinagtataguan. Pigil hininga na ang kanilang ginagawa.
"Achuu!"
Patay na. Napabahing si Athena!
"Tangina. Takbo!" hiyaw ni Leon nang mapalingon sa kanila ang babaeng may dalang palakol. Kumaripas sila ng takbo.
"Ahhh!!" tili ni Athena habang tumatakbo.
They ran as fast as they could. Pero biglang natalisod si Athena.
"L-Leon.." Mas lalo itong naiyak. She can't move her legs, nasuklo ito.
"Athena! Shit!" Agaran niya itong binuhat ngunit bago niya pa ito maiangat ay bigla na lamang lumipad ang isang palakol at tumama ito sa ulo ni Athena. Wasak ang bungo nito.
"Puta!" Agad na nabitawan ni Leon ang karga-kargang babae. Punong-puno na siya ng dugo ngayon na nagmula kay Athena.
Napasandal na lamang si Leon sa puno at hinihingal na tumingin sa babaeng may gawa nito. Para siyang kinakapos ng hininga. Ni hindi na niya maulinagan ang itsura nito. He was traumatized.
Lumapit ang babae sa katawan ni Athena at binunot mula rito ang kaniyang palakol.
"Papatayin ko kayo.." bigkas nito at lumapit kay Leon na ngayon ay mabilis ang paghinga na nakatingin sa kaniya. Malapit na itong mawalan ng malay ngunit bago iyon, siniguro niyang mawawalan na rin ito ng buhay.
"W-wag.. please.." makaawa ni Leon sa babae.
Ngumisi lang ito at saka itinarak ang palakol sa dibdib ni Leon. Sumirit agad ang dugo nito sabay sa pagtirik ng mata ng kaawa-awang binata.
Arily's POV
"Halika na, Violet." Hinila ko ang kamay ni Violet at payuko na naglakad paalis sa kinatataguan namin. Mukhang wala na si Melanie. Kailangan na naming umalis dito.
Yabag lang ng mga paa namin ang maririnig sa gubat na ito sa sobrang tahimik.
Nadaanan namin ang katawan ni Athena at Leon. Karumaldumal ang ginawang pagpatay sa dalawa. Hindi kinakaya ng sikmura ko ngunit kailangan naming magpakatatag. Kailangan naming mabuhay.
Patuloy kami sa pagtakbo nang mapunta kami sa isang parte ng gubat na ito.
Si Melanie!
Nakahandusay sa lupa ang katawan nito at inaagnas na! Inuuod na rin ang katawan nito lalo na ang sa parte ng kaniyang mga mata.
"A-Arily.." nauutal na wika ni Violet sa tabi ko. Hindi rin siya makapaniwala.
Pero, sino ang nasa bahay nila ng magkapatid? Sino ang.. pumapatay?
"Nakita niyo siya.."
Mabilis kaming napalingon sa nagsalita sa likuran namin.
Si Macy!
Wait.
Tangina.
Siya! Siya pala! Nabilog niya ang ulo naming lahat! Pinaniwala niya kaming ang kapatid niya ang may kagagawan ng lahat!
"Mukhang alam niyo na ngayon.." anito sa seryosong tono. Itim na itim ang ibaba ng mata nito at maputla ang kulay ng balat.
"M-Macy.. bakit mo 'to ginawa? Pati ang sarili mong kapatid nagawa mong patayin!" asik ko sa kaniya. Nagawa kong magmatapang gayo't nasa gitna na kami ng kamatayan.
"Dahil tanga siya! Tanga ang kapatid ko!" sigaw niya rin at humigpit ang hawak nito sa palakol na hawak. "Ang kababata niya. Mahal na mahal niya iyon kahit na ilang ulit na siya nitong minolestya. Si Alexander, tangina non, boyfriend ko siya at nagawa niya akong lokohin." Bakas sa boses nito ang sakit na nararamdaman. "Kaya pinatay ko ang bago niya, pati na ang mga nakalandian niya. Pati ang kapatid niya! Tangina nilang lahat! Mga manloloko!" Nilukob ng hagulgol ni Macy ang buong kagubatan.
Siya pala ang pumatay kay Alexander. Pati kina Veronica, Carla at Alexa Pamintuan. At ngayon ay pati ang sarili niyang kapatid, pinatay din niya.
"Macy.. we can help you, puwede ka pang magbago, tutulungan ka namin." Pangungumbinsi ko sa kaniya ngunit hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.
"Ano ako tanga? Nandito na ako, sa tingin mo titigil pa ako?" Ngumisi ito at tinaas ang palakol na hawak niya. "Takbo."
Nagsimula na namang magdagundong ang puso ko sa kaba.
"A-Arily.." natatakot na yumakap sa braso ko si Violet.
"Takbo!" hiyaw muli ni Macy kaya't napatakbo kaming dalawa ni Violet.
"W-wag kang bibitaw sa akin!" usal ko jay Violet at nakahawak sa kamay niya. Mabilis kaming tumakbo sa gitna ng kagubatan.
Napapikit na lang ako at pinunasan ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang magpakatatag. Marami nang namatay.
Namalayan ko na lang na nasa bungad na ako ng gubat. Nakalabas kami! Nakalabas kami ng gubat!
"Violet, nagawa nati--"
Natigil ang pagbubunyi ko.
Wala si Violet sa tabi ko.
"Violet!!" Hiyaw ko at napahagulgol na lang at napaupo sa tabi ng kalsada.
Violet's POV
Nagkahiwalay kami ni Arily. Takot na takot ako. Papatayin ako ni Macy.
"M-maawa ka.. w-wag mo akong patayin, Macy.." pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harap nito.
Tumawa ito na parang baliw. "'Yan, magmakaawa ka! Ang sarap sa pandinig!" Yumuko ito sa akin at inilabas ang isang kutsilyo.
"Ang ganda ganda mo, Violet.. alam mo bang naiinggit ako sa kagandahan mo?" masuyo nitong sabi habang hawak ang baba ko. Napahagulgol na lang ako.
"M-Macy, wag.."
Inilapit nito ang kutsilyo sa mukha ko at biglang tinapyasan ang kabila kong pisngi dahilan para mapahiyaw ako sa sakit.
"T-tama na!!"
Ngunit hindi siya tumigil. Tinapyas din nito ang kilay ko. Namilipit ako sa sakit at puno na ng dugo ang buong mukha ko.
"Ngayon, tatapusin na kita." Itinaas nito ang hawak na palakol na hawak at itatarak na sana sa akin iyon nang biglang may tumagos na sibat sa tiyan ni Macy. Bigla itong bumagsak sa lupa.
Nakita ko si Spade sa likod nito. "S-Spade.."
I'm now safe. Doon na umikot ang paningin ko at nawalan na ako ng ulirat.

BINABASA MO ANG
Her Diary ✓
Misterio / SuspensoA user, a liar and a traitor. Who's the user? Who's the liar? Who's the traitor? Let's find out in Her Diary. -MissOwemjii