Arily's POV
Kinabukasan.
Nasa classroom lang kaming lima at nagkukwentuhan, si Leon lang ang tahimik. Gano'n na yata talaga siya.
We're just talking about something when someone came in. It was Melanie, one of our classmates. Nakayuko itong pumunta sa upuan niya. Nakakapagtaka lang dahil ang putla putla niya. Is she sick or something?
Binalik ko ang tingin sa mga kasama ko at nakatingin din pala sila kay Melanie.
"Ang weird niya yata ngayon? 'Di ba hyper 'yan lagi? Tignan niyo naman ngayon, mukha siyang may sakit," sambit ni Violet habang nakatingin pa rin kay Melanie na ngayon ay nakatingin sa kawalan.
"Kaibigan niya si Carla, 'yung babaeng nakitang nakasabit sa rooftop," ani Leon.
"Oh, so kaya pala siya nagkakaganyan.." Athena.
"What if.. siya ang pumatay sa kaibigan niya?" bigla namang sabi nitong si Spade at nagtataas baba pa ng kilay.
"Sira! Kaibigan niya nga 'yon e!" Binatukan siya ni Athena.
"Aray! Malay mo naman 'di ba? Malay mo guilty siya sa ginawa niya kaya ganyan siya ngayon."
"He has a point," biglang singit ni Leon. "Melanie and Carla had been friends for almost 5 years. Ngunit makaraan lang, nag-away sila dahil sa isang lalaki."
"Oh, 'di ba! Sabi na e!"
"Because of a guy? Bakit naman? At sino 'yung lalaking pinag-awayan nila?" kuryoso kong tanong. This case is really something. Nakakacurios.
"Alexander Pamintuan."
A guy entered our classroom again. It was Alexander!
Ngunit kaibahan sa kinikilos nito, he's not worried or something. Para ngang wala siyang pakialam sa mga nangyayare sa paligid niya.
Dumiretso lang siya sa upuan niya at palingon lingon kay Melanie na ngayon ay naka ub-ob na sa lamesa niya.
"Sino ba ang girlfriend nitong Alexander?" tanong ni Athena.
"Si Melanie, and nababalitaan pa na nagkaroon daw pala ng relasyon si Alex at Carla," si Violet ang sumagot.
"Oh my gosh, everything is making sense now! Maybe the real story here is, Melanie found out about the relationship between Carla and Alexander. She can't accept the fact and got upset, she can't take it anymore, the anger inside her won. She killed her bestfriend," usal ni Athena. "That's insane."
"Pangit mo magkuwento," wika ni Spade at tumikhim. "Baka ganito talaga ang nangyare, nalaman ni Melanie 'yung tungkol sa relasyon ni Carla at Alexander, namayani ang galit sa buong pagkatao niya kaya napatay niya ang kaibigan niya."
Kinutusan siya ni Athena. "Tinagalog mo lang naman 'yung sinabi ko!"
"'To naman, makakutos parang wala akong pakiramdam ah?" ani Spade at babawian sana si Athena ngunit sinamaan siya nito ng tingin.
"Look, ang first suspect pa lang natin ngayon ay si Melanie. But, how about Alexander? What if may kinalaman din siya dito?" usal ni Violet which made a point.
"Maybe, gusto nang makipaghiwalay ni Alexander kay Carla but Carla don't want, she begged to Alexander ngunit hindi na niya mahal si Carla. Sa pagmamatigas nito, pinatay niya na lang si Carla?" suhestyon ko which looks like, made no sense.
"Puwede rin," sang-ayon na lang ni Athena.
"Walang sense teh, suggest ka ng iba," diretsong sabi nitong si Violet kaya kinurot ko siya.
BINABASA MO ANG
Her Diary ✓
Mystery / ThrillerA user, a liar and a traitor. Who's the user? Who's the liar? Who's the traitor? Let's find out in Her Diary. -MissOwemjii