Violet's POV
"N-nagpaalam po ako kanina kay Ma'am Jean para magbawas sandali, at nung papalabas na ako sa isang cubicle, may pumasok naman sa kabila. Medyo weird 'yung ingay kaya nagstay muna ako doon.. m-merong butas sa baba ng cubicle, halos lahat naman po doon, kaya sumilip ako upang malaman ang nangyayare sa kabila, p-pagkatapos ay bigla na lang sumigaw sa sakit 'yung lalaki, si Alexander.. kinabahan na po ako non at hindi makagalaw. Nakita ko na lang po na may tumutulong dugo sa mga paa nila." Nanginig ako habang kinukwento sa isang imbestigador ang mga nakita at narinig ko. Hindi ko pa rin makalimutan 'yon, 'yung itsura ni Alexander.. kagimbal-gimbal.
"Nakita mo ba kung sino ang kasama niya sa loob ng cubicle?" tanong ng lalaki. Umiling ako.
"H-hindi po, pero babae siya.. nakauniform siya katulad ng sa amin."
"Nagsasabi ka ba ng totoo?" tanong niyang muli.
Tumango ako agad. "O-opo."
"Bakit ka nauutal?"
"Sir, 'wag n'yo naman pong ipressure itong kaibigan namin, malamang po e traumatized pa siya dahil noong nakaraan lang ay may namatay din sa school namin which is kagayang kagaya sa nangyari kay Alexander," singit sa amin ni Arily.
"Hindi ba si Carla Santos itong namatay din sa school ninyo? At si Alexander Pamintuan ay nababalitang may relasyon kay Carla." Napaisip nang malalim ang imbestigador.
"Kabit lang po talaga si Carla, Sir, si Melanie ang totoong girlfriend ni Alexander," pagtatama ni Arily.
"Oh, sino naman itong si Melanie?"
"Kaibigan po ni Carla."
Napaisip na naman nang malalim ang imbestigador. "Si Melanie at Carla ay magkaibigan, si Melanie at Alexander ay magsyota pagkatapos.. ang kabit ni Alexander ay ang kaibigan ni Melanie na si Carla, tama ba?"
Tumango kami. "Opo."
"Kung ganoon ay dapat naming makausap itong si Melanie, alam niyo ba kung saan ito nakatira?"
"Sa San Rafael po." Agad niya itong sinulat sa isang papel.
"Sige na, puwede na kayong umuwi, salamat sa oras ninyo."
Lumabas na kami ng presinto at napahinga ng maluwag. Grabe ang araw na ito. Hindi ko aakalain na ako pa ang makakawitness ng pagkamatay ni Alexander. At bakit ba ako pa? Ramdam ko ang hirap ng kalagayan ko ngayon, I'm guilty. Kung sana ay kinuha ko ang atensyon nila, baka buhay pa si Alexander. Kahit na babaero ang lalaking 'yon ay hindi ko naman winish na mamatay siya. Walang sino man ang may karapatan na kumitil ng buhay ng iba, tanging Siya lamang.
"Ako na ang maghahatid kay Violet, baka kung mapa'no pa siya sa daan," sambit ni Spade habang naglalakad kami.
"Nako, Spade ha, iba na 'yang mga galawan mo, nanliligaw ka na dito sa kaibigan ko 'no?" taas kilay na tanong ni Irily kay Spade.
"Medyo medyo lang.." ani Spade kaya natawa kami. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag nandiyan sila.
"How about me naman, Spade? Hindi ako susunduin ni Tito!" biglang angal ni Athena.
"Ano? Bakit daw? Aish, Leon, puwede bang ikaw na maghatid kay Athena sa kanila? Kung wala kang gagawin.."
"Huy, nakakahiya kaya!" usal ni Athena pero nakangiti. Natawa na lang kami sa kaniya.
"So, ano? Sa akin matitira itong babaeng 'to?" biglang salita naman ni Nine habang nakaturo kay Arily.
"Hoy, kaya kong umuwi mag-isa 'no!" iritang sabi naman ni Arily.
BINABASA MO ANG
Her Diary ✓
Mystery / ThrillerA user, a liar and a traitor. Who's the user? Who's the liar? Who's the traitor? Let's find out in Her Diary. -MissOwemjii