Page 6

61 6 8
                                    

Violet's POV





Hindi pa ako sigurado kaya't nanahimik muna ako. Ayaw kong gumawa na naman ng hakbang, baka manganib pa ang buhay ng mga kasama ko. Pero malakas ang kutob ko, mayroong laman na misteryo ang notebook na iyon.

Kaya ang plano ko, ako lang ang gagawa. Saka ko na sasabihin sa kanila ang nalaman ko kapag sigurado na talaga ako.

Papasok ako ng classroom nang makasabay ko si Melanie. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan nang pukulan niya ako ng tingin. Ako na ang unang umiwas at dumiretso sa upuan ko. Kami lang palang dalawa ang nandito. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka dito ako patayin ng babaeng 'to pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Tinuruan naman ako ng pinsan ko na mangarate kaya wag siyang basta-basta sa 'kin, baka siya patumbahin ko dito.

Nasa huling row ako kaya malaya kong napagmasdan si Melanie. Slight lang ang pagkakacurl ng buhok niya at mahaba. Actually, maganda naman talaga si Melanie, natanga lang siguro sa pag-ibig dahil pinatulan niya iyong si Jims Kurt Angry.

Anyways, wala naman akong pakialam sa kanila.

Agad kong binaling ang atensyon ko sa cellphone ko nang tumayo na si Melanie sa upuan niya at naglakad palabas.

Sandali akong natigilan at palipat-lipat ang tingin ko sa pinto at sa bag ni Melanie.

Napalunok ako bago tumayo upang gawin ang plano. Sumilip muna ako sa labas para masiguro na walang ibang tao lalo na si Melanie. At nang masiguro ko na ay agad akong tumalilis sa upuan ni Melanie at binuksan ang bag niya. Hinalungkat ko ang loob nito.

Lipstick, eyeliner, lipgloss, lip balm, foundations, creams at iba't iba pang make up.

Nagliwanag ang mata ko nang mahanap ko na ang sadya ko. Nilabas ko ito sa bag at napangisi. Ito na nga.

Binuklat ko ito sa pinaka-unang page.

'This diary is M.A.G' s property.'

I flipped it on the next page.

June 21, 20**

'Matagal ko na siyang minamanmanan, naghahanap lang ako ng tyempo.'

Iyan lang ang laman nito. Sino naman kaya ang tinutukoy dito ni Melanie?

Nilipat ko ito sa kasunod na page.

June 24, 20**

'I knew it, may relasyon siya sa boyfriend ko! May relasyon si Veronica kay Alexander! Putanginang babae 'yon. Noon pa man ay kilala na talaga siya bilang manunulot ng boyfriend!'

Nanlaki ang mata ko. Si Veronica, 'yung unang namatay! Shit, this diary really made sense in everything.

"Anong ginagawa mo?"

Agad kong sinara ang aking binabasa at tinago sa likod ko nang may magsalita. Shit!

Dahan dahan ko itong hinarap. "Arily! Bwiset ka, akala ko kung sino!"

Kinunotan niya lang ako ng noo. "Ano bang ginagawa mong bruha ka?" Dumiretso siya sa kaniyang upuan at nilapag sandali ang bag niya doon bago lumapit sa 'kin. "Gaga, kanino 'yan? Kay Melanie?" Nakita niyang bukas ang bag ni Melanie.

"Oo, at sure na talaga ako na siya nga ang pumatay, nag-iinarte lang ang bruha!" Pinakita ko sa kanya ang hawak kong diary at pinabasa 'yung nabasa ko kanina.

"Ay shet? Gagi, ebidensiya 'to!" usal niya.

"Dapat ipakita natin 'yan sa mga pul--" Natigilan kami nang makarinig kami ng mga yabag papalapit. Mukhang nagdaratingan na ang mga kaklase namin.

Her Diary ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon