Page 1

94 7 19
                                    

Arily's POV


Ingay ng wangwang ng ambulansya at sigaw ng mga estudyante lamang ang maririnig sa senaryo ngayon.

Hindi ako makapaniwala. Hindi kami makapaniwala!

Sino namang gagawa ng karumaldumal na krimen na ito? Talagang napaka brutal!

"Students! Pumasok na muna kayo sa classroom niyo! Huwag muna kayong lalabas!" Iyan ang anunsyo ng aming Dean na si Mrs. Gillermo.

Nanginginig man sa takot ay sumunod kami.

Naibaba na ang babae mula sa rooftop. May saksak ito sa leeg at may thumb tacks na nakabaon sa kaniyang dila. Kahindik hindik ito. Gusto kong masuka dahil kitang kita namin ang itsura ng babae.

"W-what the fvck was that?!" Mukhang natrauma agad si Spade. "I can't believe this!" paghihisterikal niya pa at pabagsak na naupo sa kaniyang upuan.

"Calm down, Spade.. b-baka may problema lang 'yung babae at nagsuicide. K-kase diba, wala namang may kaya na gumawa no'n?" pangungumbinsi ni Violet sa sarili at sa amin. Alam kong takot din siya, pinipilit lang niya na pagaanin ang atmosphere.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ngayon lang talaga may nangyari na ganito dito.

Siguro ay ngayon lang naman 'yon diba? Hindi naman na siguro 'yon mauulit pa, at hindi na dapat 'yon maulit pa.

Pumasok sa room ang aming guro na si Ma'am Jean. "Class, I know the scene earlier was traumatic for us pero itutuloy pa rin ang klase," aniya kaya't napaungol sa reklamo ang aming mga kaklase.

"Ano ba 'yan, akala ko naman ay walang pasok dahil kanina."

"Nakakatrauma kaya 'yung kanina, tapos itutuloy pa rin nila ngayon ang klase?"

"Class, quite. Upang mapabilis na mawala ang nangyari kanina sa inyong isipan, mag-aral na lang kayo." Tumalikod na siya upang humarap sa blackboard at nagsulat doon. "Get your notebook then copy this."

Inalis ko na sa aking isipan ang imahe ng babaeng 'yon at kinuha na ang notebook ko sa bag. Pinalecture lang kami ni Ma'am Jean at pagkatapos no'n ay puwede na raw lumabas.

Naunang makalabas ang isa naming kaklase na si Leon Watsken, the nerdy but handsome type ng buong University. Maraming nagkakagusto sa kaniya ngunit hindi niya ito pinapansin, he's a total loner. Bali-balita rin na working student siya.

Sumunod ang iba pa naming kaklase at nahuli pa kaming apat. Sabay sabay na kaming pumunta sa canteen.

"Grabe talaga 'yung scene kanina, hindi ko pa rin makalimutan hanggang ngayon!" usal ko habang kagat kagat ang sandwich na binili ko.

"Ako nga rin, sino kayang walang kaluluwa ang gumawa no'n?"

"Pero nakaka-excite siya ha, dati napapanood ko lang 'to sa mga movies 'e, parang trip kong maging detective!" halatang masaya pang sambit ni Violet.

"Ay oo nga! What if we solve it on our own?" pagsang-ayon naman ni Athena.

"Hoy, mga sira kayo, nakakakilabot kaya 'yon! At saka, hayaan niyo na ang mga pulis na maghandle nung case," usal ko sa kanila at ininom ang C2 na binili ko.

"Napaka kj mo talaga Arily! Ito na nga 'yung opportunity natin, 'e!"

Madalas na nags-sleep over sa 'min si Violet, nagmomovie marathon kami tuwing gabi at ang pinapanood naman ay mga thriller movies. Huhulaan namin doon kung sino ang killer at kung sino ang matalo, siya ang manlilibre kinabukasan.

"Mukhang maganda nga 'yan." Sumang-ayon na rin si Spade.

"Ako?" ngingiti ngiting sabi ni Violet at nagpacute.

Her Diary ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon