Page 9

25 1 0
                                    

Arily's POV

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ng magkapatid ay sinalubong agad kami ng masangsang na amoy. Tama nga ang sinabi ni Macy, parang may nabubulok nga rito sa bahay nila.

"Shit, ano 'yon? Ambaho!" reklamo ni Nine habang nakatakip ang kamay sa ilong niya.

"Naligo ka ba? Parang ikaw 'yung umaalingasaw," sabi ko at nandidiri siyang tinignan.

"Grabe ka naman, naligo kaya ako! Judgerist ka ah." Masama ang tingin nito sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Saan nanggagaling ang amoy na iyon?" tanong ni Athena. Halos lahat kami ay nakatakip sa ilong namin. Parang may mali talaga e.

"Sa basement, halikayo, sasamahan ko kayo papunta roon," sagot ni Macy at nauna na.

"Kayo nalang muna, susunod na ako." Lahat kami ay napatingin kay Violet.

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ko. Hindi namin alam ang pasikot-sikot sa bahay na ito at baka mawala pa siya. Minsan pa naman e lalanga-langa ito.

"Basta, mauna na kayo." Ayaw ko pa sana pero hinila na ako ni Athena pasunod kay Macy. Wala naman sigurong mangyayareng masama kay Violet kaya ikinalma ko na ang sarili ko.

Ngunit habang papalapit kami sa basement ay mas lumalakas ang masangsang na amoy.

"Argh, ambaho talaga! Hindi ko alam kung kaya ko pang pumasok dyan kaya kayo nalang! Susunod na ako kay Violet doon," sabi ni Spade at saka sinundan si Violet.

Gusto ko rin na sumunod doon pero gusto kong malaman kung saan ba nanggagaling ang nakakasukang amoy na ito. Kinuha ko ang aking panyo na nasa bulsa ko at tinakip sa ilong ko.

"Ito na ba?" tanong ko nang mapatapat kami sa isang pinto.

"Oo, ito na." Binuksan ni Macy ang pintong iyon. Talagang dito nga nanggagaling ang amoy na iyon.

"Something's really up here," ani Leon at nauna nang pumasok sa loob habang nakatakip ang palad sa ilong.

"Nalilinisan ba ito? Parang may kung anong patay na hayop dito e," komento naman ni Athena, sabay kaming pumasok sa loob.

"Hindi na e, matagal na rin kasing abandonado itong basement namin."

Nilibot ko ito ng tingin at malawak naman ito, mapapaganda pa sana 'to kung lilinisan lang, puro mga tambak na gamit kasi ang mga nandito. Lumapit ako sa isang picture frame doon. Family picture nila ito. Bata pa lang ang magkapatid pero nakikilala ko sila. Nakatayo sa likod ang mag-asawa habang nasa unahan naman nila ang magkapatid na nakaupo sa dalawang silya. Ngiting ngiti si Melanie while Macy was in a serious face.

Ibinaba ko na ito at binaling sa iba ang atensyon.

"Ano 'to?" Napalingon kami kay Leon na nakaluhod ang isang tuhod sa sahig. Doon lang namin napagtanto na may dugo sa sahig. Agad kaming lumapit dito upang mas matignan ito nang maayos.

"Bakit may dugo? Or dugo ba talaga 'yan?" Lahat kami ay tumingin kay Macy pero mukhang wala rin siyang kaalam-alam tungkol dito.

"Ewan? Baka may namatay na daga," aniya at tumango-tango kami. Siguro nga. Pero bakit parang hindi ako nakontento sa sinabi niya? Parang hindi e, parang hindi tama.

Busy kaming lahat sa pagtitingin-tingin doon nang may marinig kaming kalabog sa itaas. Nandoon sina Violet at Spade diba?

"Ano 'yon? Wait, tignan ko nga." Naglakad na papunta doon si Nine. Baka naman may nahulog lang or something? Pero nakakabahala pa rin.

"Meron ka pa bang nahahalata sa ikinikilos ni Melanie?" tanong ni Leon kay Macy.

"Hm, wala naman but lately, nagiging tahimik na siya at madalas ay nagkukulong na lang sa kwarto niya."

"Nasaan siya ngayon?" tanong ko naman.

"Nasa kwarto niya."

"Can we see her?" si Athena naman ngayon ang nagsalita.

"Ah, I don't think na gugustuhin niyo siyang makita. Sa tingin ko kasi may sakit na sa pag-iisip ang kapatid ko, nagiging bayolente na rin siya kagaya ng nananakit siya."

Bayolente? How come?

"Bakit hindi mo ipatingin sa espesyalista?" suhestiyon ko. Mas mabuti nang ganon para maagapan agad si Melanie.

"I tried, pero wala akong katulong, pati ako ay sinasaktan niya rin kapag pinipilit ko siya," I can see how worried she is. Sino nga bang hindi? Kahit ako, kung mangyari iyon sa kapatid ko ay hindi ko rin makakaya.

"We can help you." Nag-agree kami ni Athena sa sinabi ni Leon.

"Yeah, but for now we want to see Melanie," Athena.

Tumango si Macy. "Sige, tara sa itaas." Lumabas na kaming apat sa kuwartong iyon at paitaas pa lang nang makarinig kami ng matinis na tili, na parang humihingi ng tulong.

"S-si Violet 'yon ah?" Dumagundong ang dibdib ko at napatakbo kami nang mabilis paitaas. And we saw violet running towards us.

"Violet! Oh my god, what happened to you?!" nag-aalalang tanong ni Athena. She is crying and full of blood.

"S-si Melanie.. si Melanie.." paulit ulit lamang na bigkas ni Violet habang umiiyak.

I immediately hugged her. "S-shh, anong--anong ginawa ni Melanie?" nauutal kong sabi.

"Oh my god, takbo!" Sigaw ni Macy kaya't napalingon kami sa tinitignan niya. Si Melanie. May hawak itong palakol sa kanang kamay habang sa kaliwa ay bitbit niya ang isang kagimbal-gimbal na bagay. Isa itong braso ng tao.

"Magbabayad kayong lahat! Lahat kayo! Binaboy ninyo ako!" Nababaliw na sigaw ni Melanie sa amin. Sa itsura at boses nito ay mukhang baliw na talaga.

Nang tumakbo na ito sa direksyon namin ay napatakbo na rin kami paalis.

"D-dito! Dito tayo!" Rinig kong sabi ni Macy habang papunta sa back door ng bahay nila. Pagkalabas dito ay gubat na ang madaraanan.

Sa pagtakbo namin ay nagkahiwa-hiwalay na kami dahil na rin sa madilim na ang paligid. But I'm holding someone's hands.

"Violet.." bulong ko at agad siyang niyakap. Nakatago lamang kami sa isang malaking puno habang pinipigilan kong mapaiyak. Are we dying? Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon. I never imagined that I will be in this kind of situation.

"N-Nine.. s-si Nine.." nanginginig na bulong ni Violet habang humihikbi. Bigla akong kinilabutan. N-no. That hand.

"A-anong nangyari kay Nine?" Alam ko na ang isasagot niya ngunit tumaas pa rin ang balahibo ko.

"P-pinu--pinutol kamay ni N-Nine.."

Napakagat labi ako at pinigilang mapahagulgol. "T-this can't be.."

Her Diary ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon