Arily's POV
Pareho kaming pigil hininga ni Leon. Nang mawala na sa paligid si Macy ay doon lamang kami nakahinga.
"Umuwi na tayo, Leon! Kailangan nating umuwi na!" bulong ko kay Leon at hinihila siya sa damit.
"Shh, sandali na lang. May kailangan tayong makuha," aniya at luminga-linga muna bago naglakad sa kung saan, wala na akong nagawa kundi ang kumapit sa laylayan ng damit niya at sumunod. Kapag talaga kami nahuli dito pipitikin ko ngala-ngala nito.
"Ano ba kasi yung kukunin natin?" bulong na tanong ko habang nakasunod lang sa kaniya pero hindi siya sumagot, patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa isang kwarto. "Bakit?"
"Ito na ang kwarto nila," usal niya at bigla na lang itong binuksan.
Siraulo ba siya? Paano kung nasa loob 'yung dalawa?! At saka.. bakit alam niya na ito ang kwarto nung dalawa? Mayroon pa kasi akong naaaninag na ibang kwarto.
Napasunod na lang ako sa kaniya papasok doon, nawala ang kaba ko nung walang tao sa loob.
Hinanap niya ang switch ng ilaw at binuksan iyon.
"Baliw ka ba?! Patayin mo 'yan at baka mahuli tayo dito!" irita kong sabi at papatayin sana iyong ilaw ngunit pinigilan niya ako.
"Hindi tayo mahuhuli dito, maupo ka lang d'yan," wika niya at naghalungkat sa mga drawer doon. Habang ako naman ay hindi mapalagay sa kinauupuan ko. For pete's sake hindi sa amin ang bahay na ito at baka makasuhan kami ng trespassing! Alam kong dapat kanina ay naisip ko na agad ito pero nandito na e, wala na! Sana lang ay mahanap na ni Leon ang kung ano mang hinahanap niya.
"Got it." Napalingon ako sa kaniya at may hawak hawak siyang pulang bagay. Notebook ito, ito 'yung diary ni Melanie!
Paano niya nalaman ang tungkol dito?
"Halika na." Hinila na niya ako palabas doon, may narinig pa kaming sigaw ng isang lalaki pero dire-diretso na kami palabas dahil baka mahuli pa kami dito. At nang makalabas na kami doon ay para akong nabunutan ng tinik.
"Ano bang gagawin mo d'yan?" tanong ko habang naglalakad kami pauwi.
"Maraming nilalaman 'to, marami tayong makukuhang impormasyon dito." Binubuklat-buklat niya ito habang naglalakad. "Remember Veronica?" Tumango ako sa tanong niya. "June 24, 20**,I knew it, may relasyon siya sa boyfriend ko. May relasyon si Veronica kay Alexander. P*tanginang babae 'yon. Noon pa man ay kilala na talaga siya bilang manunulot ng boyfriend." Pagbabasa niya. Iyon 'yung nabasa namin ni Violet. "May galit talaga si Melanie kay Veronica. Tapos ito, basahin mo." Pinakita niya sa akin ang susunod na pahina.
June 25, 20**
'Sinundan ko siya pauwi ngunit mukhang nakatunog ang gaga kaya't napatakbo siya sa kakahuyan. But wrong move, hindi niya alam na magaling ako sa dilim.'
Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. "Siya na nga! Gosh! Kaya palang pumatay ang isang tao dahil lang sa lalaki? Ang cheap ha."
Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Bakit nga ba mayroong taong ganoon? Handang pumatay para lang sa kaniyang mahal." Sa sinabi niyang iyon ay napaisip din ako. Siguro nga ay nababaliw na ang babaeng kayang gawin ang bagay na iyon. I mean lalaki lang 'yan! Tapos buhay ang ipapalit mo?
"So ano nang gagawin natin ngayon? May ebidensya na tayo. Isusumbong ba natin 'to sa mga pulis?" tanong ko at binalik na sa kaniya ang diary.
"Huwag na muna siguro, let them find their own ways."
Pagkatapos niyon ay sabay na kaming umuwi, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya pero sumunod na lang din ako.
"Haay, napakaboring.." ani Violet na nakasalampak sa sahig at nakapikit pa, kadarating ko lang sa room namin.

BINABASA MO ANG
Her Diary ✓
Mystery / ThrillerA user, a liar and a traitor. Who's the user? Who's the liar? Who's the traitor? Let's find out in Her Diary. -MissOwemjii