Chapter 3

57.8K 1.7K 934
                                    

Yareli's POV

HABANG nagwawalis ako sa bakuran ng bahay namin ay laking gulat ko nang makita sa labas sila Grant at Irvin at kinawayan nila ako. Binitawan ko muna ang hawak kong walis tingting at lumapit sa kanila.

"Kayo pala, anong ginagawa ninyo rito? At saka paano n'yo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko.

"Nagtanong-tanong lang kami sa mga tauhan sa bukid kung may kilala ba silang Yareli. Famous ka pala dito e, kilala ka nila." nakangiting sabi ni Grant.

Ang guwapo talaga nilang magkakapatid. Lahat sila ay mga gwapo, may magandang pangangatawan, at matatangkad. Hindi na nakakapagtaka kung marami mang babae ang nahuhumaling sa kanila.

"Hindi naman," nahihiyang sabi ko.

"Kaya pala kami nagpunta dito dahil gusto ka naming iinvite sa mansyon." sabi ni Irvin.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero bakit? Hindi ako nababagay na magpunta sa mansyon nila Governor Vicente at Madam Josefina. Hindi ba't doon muna kayo pansamantalang nakikituloy? Mahirap lang ako at saka-"

Hindi ko maituloy ang mga susunod ko pang sasabihin. Ayokong makita si Juancho doon. Hanggang sa makakaya ko ay iiwasan ko siya. Hindi ko rin alam na pinsan niya pala sina Grant at Irvin. Kung hindi pa naikuwento sa akin nina Inay at Itay na may limang anak na lalaki ang kapatid ni Governor Vicente na nasa Maynila nakatira ay hindi ko pa malalaman iyon.

"Kakain lang naman tayo ng breakfast sa mansyon e, at saka gusto kang pasalamatan nina Tito Vicente at Tita Josefina dahil sa pagtulong ninyo sa amin ng kapatid mong si Yasewah na ayusin ang kotse ni River. Sige na please?" pakiusap ni Grant.

"Gano'n ba? Wala si Kuya Yasewah dito dahil maaga siyang nagpunta sa mechanic shop sa bayan para magtrabaho." sabi ko.

"Then ikaw na lang ang sumama sa amin. Please, Yareli. Nagugutom na rin ako at gusto ko nang kumain." sabi ni Irvin at hinimas nito ang tiyan niya.

Napabuntonghininga ako at saka tumango. Wala naman sigurong masama kung sumama ako. Kakain lang naman daw kami ng breakfast at pagkatapos ay uuwi na ako. Napangiti sila Grant at Irvin dahil sa pagpayag kong sumama sa kanila sa mansyon ng mga Steffano.

Nagpaalam muna ako kay Inay na may pupuntahan at sandali lang iyon. Pumayag naman siya, hindi ko na siya inabala pa dahil busy ito sa pagpapaligo kay Jingjing sa loob ng cr namin. Alas-otso na ng umaga at kapag ganitong oras ay pinapaliguan na niya si Jingjing. Hindi na rin ako nag-abala pang magpalit ng damit. Nakasuot lang ako ng isang kulay red na t-shirt at dolphin shorts naman na iniregalo pa sa akin ni Mayet nung nakaraang pasko. Itinali ko pataas ang buhok kong mahaba at nagpulbo.

Nang makalabas ako ng bahay ay sumama na ako kina Grant at Irvin papunta sa mansyon ng mga Steffano. Malapit lang naman iyon at mga ilang minuto lang ay makakarating na rin kami. Ang tatangkad nilang magkakapatid at kailangan ko pa silang tingalain para lang makita ko sila. Sa taas kong 5'6 ay sigurado akong nasa mga 6 feet pataas ang tangkad nila.

Ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa akin nina Grant at Irvin habang nasa likuran ko sila at naglalakad kami. Kahit naiilang ako dahil sa kanila ay hindi ko na lang iyon pinansin.

"Yareli, can I ask you something?" biglang tanong ni Irvin dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Sige. Ano 'yon?" tanong ko.

"How old are you? Alam kong mas matanda kami nila Grant kaysa sa'yo but I just want to know your age." sabi niya at saka lumapit sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Ah, 18 years old na ako." sabi ko at nginitian siya.

"Oh, really? Kaedad mo lang pala si Amir. By the way, I'm already 21 and Grant is 20 years old." sabi niya.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon