Chapter 22

46.2K 1.3K 1.4K
                                    

Warning: Violence

Yareli's POV

KINABUKASAN ay iniisip ko pa rin ang mga baril at balisong na nakalagay sa itim na bag ni River. Saan niya nakuha ang mga iyon? at bakit mayroon siyang gano'n? Hindi ko magawang makapagtanong sa kanya kung para saan ba ang mga armadong bagay na iyon dahil natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin. Hindi ko pa rin siya kayang husgahan, at magawang paniwalaan ang mga sinabi ni Grant na delikadong tao si River.

"Does it taste good?" nakangiting tanong ni River habang pinagmamasdan akong kumakain ng niluto niyang Adobong manok at Afritada.

Bukod sa magaling siyang kumanta ay marunong din siyang magluto. Masarap ang mga niluto niyang pagkain. Bakit hindi man lang namana nina Grant at Amir ang galing ni River pagdating sa pagluluto?

"Masarap siya," mahina kong sabi na ikinangiti ni River.

"I'm glad you like it. Ako lang ang marunong magluto sa aming magkakapatid, and wanna know why? Dahil palagi kong tinitingnan kung paano magluto si Mom noong bata pa lang ako." sabi niya habang kumakain na rin siya.

Na kay River na ang lahat ng nanaisin nang isang babae. Parang wala yata itong bagay na hindi kayang gawin. Ayoko muna siyang husgahan dahil sa mga nakita kong baril at balisong sa loob ng bag niya dahil sigurado akong may dahilan kung bakit mayroon siyang ganoon.

"H-Hndi ka ba mahilig makipaglaro noong bata ka pa?" tanong ko.

Tumango siya. "Yes. I preferred to cook, to study all day in my room, to read books, to play instruments, and do household chores kahit may mga katulong naman kami. That's a weird hobby for a young kid, right?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi, ah. Kung 'yon ang nais mong gawin ay hindi weird 'yon. Iba-iba naman tayo nang hilig noong mga bata pa lang tayo, at kung masaya ka sa ginagawa mo ay walang masama roon." sabi ko.

Napatitig sa akin si River nang ilang segundo at pagkatapos ay ngumiti ulit siya.

"You're the only one who doesn't find me weird at all. You never fail to amused me, Yareli." seryoso niyang sabi.

Ngumiti na lang ako at tinapos ang pagkain ko. May plano na akong nabubuo sa isip ko para makatakas ako mula sa lugar na ito na pinagdalhan nila sa aking magkakapatid. Kailangan kong pakisamahan nang maayos ang Steffano brothers para makuha ko ang tiwala nila at makaalis ako sa islang ito nang walang kahirap-hirap. Sana ay hindi ako pumalpak sa gagawin ko.

"Do you want to stroll outside?" tanong ni River nang matapos akong maligo at makapagbihis.

Tapos na kaming kumain nang tanghalian at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang apat niyang mga kapatid. Nasaan na kaya ang mga iyon?

Suot ko ang isang summer dress na bago lang at mukhang mamahalin. Maraming bagong damit, underwear, bagong tsinelas, sandals, at sapatos sa loob ng kulay blue na cabinet na para raw sa akin. Mukhang planado talaga nila ang pagdukot sa akin.

Wala akong kahit na ano'ng bagay na nadala, maging pati ang cellphone kong keypad ay nawawala rin. Siguro ay isa lang sa Steffano brothers ang nagtago ng cellphone ko para hindi ko iyon magamit sa pag-contact sa pamilya ko o kay Juancho.

Tila nabuhayan ako sa sinabi ni River. Kung gano'n ay puwede na akong makalabas sa bahay na ito.

"Talaga? Sige." nakangiti kong sabi.

"Then let's go." sabi ni River na hinawakan ang isang kamay ko at saka hinila papalabas sa loob ng kuwarto namin.

Nang makalabas kami sa loob ng bahay ay napanganga ako sa ganda at lawak ng isla na nakikita ko ngayon. Asul na asul ang kulay ng karagatan kasabay nang paghampas ng mga alon. May mga coconut tree sa paligid at puting-puti ang kulay ng buhangin sa dagat. Medyo mahangin at hindi gano'n katirik ang araw kaya na-a-appreciate ko ang ganda ng isla na kinatatayuan namin.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon