"You were unsure which pain is worse-- the shock of what happened or the ache for what never will."
Yareli's POV
KANINA pa ako gising pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang igalaw ang buong katawan ko. Ginusto ko ang nangyari sa amin at nadala ako sa emosyon at temptasyon, pero hindi pa rin mawala ang galit na nararamdaman ko sa kanila.
Ano pa ba ang kaya nilang gawin sa akin na mas lalong magpapasakit sa kalooban ko? Pinatay nila ang tanging naging kaibigan ko na nagmalasakit sa akin, saktan ako, at sumbatan ako sa mga nagawa kong kasalanan na hindi ko naman ninais ay ano pa kaya ang susunod?
Nagdarasal naman ako palagi sa at wala akong inagrabyadong tao, naging mapagmahal at mabait ako sa mga taong nasa paligid ko, pero bakit puro sakit at paghihirap na lang ang naging kapalit nang lahat ng nagawa kong mabuti sa mundong ito? Bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Wala na akong mailuha. Wala na rin akong lakas para magsalita at depensahan ang sarili ko sa magkakapatid na iyon dahil alam kong hindi nila ako papakinggan.
Ano nang mangyayari sa buhay ko? Kaya ko pa bang lumaban? Pakiramdam ko ay malapit na akong sumuko. Pilit akong nagpapakatatag para sa pamilya ko pero masyado nang masakit, masyado nang mabigat ang kalooban ko.
"Babe? Kumain ka na,"
Sa lalim ng boses ng lalaking pumasok sa loob ng kuwarto ay alam kong si Grant iyon. Hindi ko na siya kailangang lingunin.
Narinig ko na lang ang paglapag ng tray sa lamesa at pagbuntonghininga ni Grant.
Naramdaman kong tumabi siya mula sa pagkakahiga ko sa kama at niyakap ako sa likuran ko. Hindi ko siya magawang itulak o kausapin.
"I'm sorry," sambit niya sa nahihirapang tono. "We love you so much that we are willing to do crazy things just to keep you in our hands."
Makasarili. Ayan ang tamang denipisyon sa Steffano brothers. Kahit gaano ko pa sila kamahal kung gaganitohin nila ako at ilalayo sa pamilya ko ay hinding-hindi na nila makukuha ang tiwala ko.
Hindi ko alam kung bakit may mga taong mas pipiliin ang pagmamahal sa kasintahan nila at handang talikuran kahit ang pamilya nila. Hindi ba nila naiisip na pamilya ang mas mahalaga sa lahat bukod sa Diyos? Sila ang mga taong nakasama mo sa hirap at ginhawa, sila ang dahilan kung bakit buo ka at nagagawa mo ang mga bagay na nanaisin mo, sila rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagpapatuloy ka pa ring mabuhay sa mundong ito. Iba't-iba man ang sitwasyon ng isang pamilya pero sa huli ay sila pa rin ang huling matatakbuhan mo kapag tinalikuran ka ng lahat. Puwede kang magmahal pero dapat rin ikonsidera ang pamilya dahil kung wala sila ay wala ka rin sa kinatatayuan mo.
Pinihit ako ni Grant paharap sa kanya at natigilan ako nang makita kong nangingilid na ang mga luha niya sa mata.
"I know, hindi ko na mababawi 'yong mga nagawa kong kasalanan sa'yo, Yareli but after we took you ay bigla akong nagsisisi sa ginawa namin sa'yo." Tumingala siya ng tingin para pigilan ang nagbabadyang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
May kirot sa puso ko habang pinagmamasdan ko si Grant na malapit nang umiyak. Bakit ganito? Bakit kahit sinaktan niya ako ay may parte pa rin sa puso ko na naaawa at nasasaktan dahil nakikita kong nasasaktan rin siya? Ganito ba talaga ang pagmamahal?
Muling tumingin si Grant at ngumiti siya nang mapait. "Alam ko na hindi mo na kami magagawang mahalin. We are cruel monsters but we will take the responsibility, Yareli. We are very serious with you. We love you so much." sabi niya at pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit.
Hinayaan ko siya sa ginawa niya. Kahit magpumiglas ako ay wala rin naman akong magagawa. Masyado na akong pagod para magsalita pa. Iyong takot ko sa Steffano brothers ay nandito pa rin pero sa mga sinabi sa akin ni Grant at sa lungkot, konsensya, at sakit na nakikita ko sa kanya, kahit papaano ay naramdaman kong tunay niya akong mahal.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kontento na siya sa kanyang buhay kasama ang kaniyang pamilya at mga matalik na kaibigan. Pero simula nang makilala niya ang Steffano brothers na sila Ri...