Chapter 39

54.8K 1.1K 600
                                        

Yareli's POV

NASA bahay namin si Mayet kasama si Jestin. Kinakumusta ako ng mga ito sa biglang pagkawala ko. Alam kong marami silang gustong itanong sa akin pero mas pinili na lang nilang hindi na magtanong dahil naramdaman nilang ayoko munang pag-usapan ang mga nangyari sa akin.

"Nangupahan daw d'yan si Juancho sa pinaparentahang paupahan ni Aling Pacing sabi ni Kuya Dante." sabi ni Mayet na ikinahinto ko.

Nalaman ko lang kahapon kay Amir na kakambal niya si Juancho at hindi ito tunay na anak nina Governor Vicente at Madame Josefina. Nang makita ko na umiiyak si Amir ay hindi ko mapigilang maawa para rito.

Kahit sinong tao, kapag nalaman mong kakambal mo pala ang taong ipinakilala sa'yo bilang pinsan mo ay hindi mo maiwasang masaktan. Kaya pala gano'n na lang ang malaking pagkakahawig nina Juancho at Amir na napapansin ko noon pa dahil magkapatid pala sila at magkakambal pa.

"Gano'n ba," tangi kong nasabi.

Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na pinagtaksilan ako ni Juancho, pero kailangan kong magpakatatag at mag-ingat. Mas makakasama sa akin ang sobrang stress at mag-isip ng mga bagay na baka ikapahamak ko pa sa huli.

"Girl, ngayon ko lang talaga nakita na nagkakagano'n si Juancho nang dahil sa isang babae. Ang balita ko ay umalis na siya sa mansyon nila para manirahan malapit dito sa inyo. Mas maganda siguro kung makapag-usap kayo nang maayos, at kung bakit niya nagawang magcheat sa'yo kay Amanda Montecillo." seryosong sabi ni Mayet.

May punto siya. Kung gusto ko nang kapayapaan ay kailangan kong makausap nang maayos si Juancho. Kailangan ko na rin tapusin ang kung anumang namamagitan sa amin dahil hindi na tama kung magpatuloy ang relasyon namin ngayong wala na akong nararamdamang pagmamahal sa kanya.

"Kakausapin ko rin siya pero hindi pa sa ngayon, Mayet." sabi ko at napabuntonghininga.

Tumango si Mayet at hindi na ulit nagsalita. Napansin ko naman na kanina pa nakatitig sa akin si Jestin at hindi ako kinakausap. Medyo naninibago ako sa ikinikilos niya dahil hindi naman siya ganito.

"Ay, girl! labas muna ako saglit, ha? Pupuntahan ko lang si Mama sa bahay dahil may inuutos siya sa akin, nagtext eh. Maiwan ko muna kayo ni Jestin," nakangiting paalam ni Mayet.

"Ah, sige. Balik ka kaagad, ha?" sabi ko na ikinatango niya hanggang sa makaalis na.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Jestin ang naiwan. Nakatitig pa rin ito sa akin, at dahil kanina pa ako naiilang sa ginagawa niya ay nagtanong na ako.

"May problema ba, Jestin?" tanong ko.

Sumandal siya sa inuupuan naming sofa at mas umusog papalapit sa akin.

"Namiss kita, Yareli. Hindi lang ako makapaniwala na nasa harapan kita ngayon at nakikita." mahina niyang saad.

Bigla akong nakaramdam nang pagkailang. "G-Gano'n ba? Namiss rin kita, kayo nina Ronnie at Mayet." sabi ko at nginitian siya.

Hindi ako sigurado kung namalik-mata ba ako pero nakita kong tumiim-bagang si Jestin nang binanggit ko ang pangalan ni Ronnie. Siguro nga dahil bakit niya gagawin iyon e, matalik naming kaibigan si Ronnie?

"Yareli, guwapo naman ako, 'di ba?"

Nagulat ako sa biglang tinanong ni Jestin.

"Oo naman, guwapo ka, Jestin. Sa pagkakaalam ko nga ay maraming babaeng nagkakagusto sa'yo, e." sagot ko.

Totoong guwapo si Jestin. Pilipinong pilipino ang itsura at puwede nga siyang magmodel kung tutuosin dahil matangkad siya at malakas ang appeal.

Napangiti siya sa sinabi ko at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon