Chapter 10

49.2K 1.4K 648
                                    

Yareli's POV

BUONG lakas kong itinulak si River at saka ako bumangon mula sa kama kaya natigil ang paghalik niya sa akin. Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan ako na ngayon ay pulang-pula ang buong mukha at sobrang lakas rin ng kabog ng dibdib ko.

"B-Bakit mo 'yon ginawa? Alam mo ba na pati si Amir ay hinalikan rin ako?" buong tapang kong tanong.

Tumango siya at ngumiti. "I know. We like you, Yareli that's why we couldn't help ourselves but to kiss you." pag-amin ni River na ikinagulat ko.

"A-Ano? Gusto n'yo ako? Nagpapatawa ba kayo?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay at prenteng sumandal sa headboard ng maliit kong kama. Humalukipkip ito at humikab pa. Mukhang medyo nawala ang kaunting kalasingan.

"We were not kidding, Yareli. Simula nang makilala ka namin ay nagkagusto na kami sa'yo, kaya gusto naming mapalapit sa'yo because my four brothers and I are obviously likes you." sagot niya.

Sa sinabi ni River ay sumakit lang ang ulo ko. Nagkagusto na kaagad sila sa akin sa maikling panahon lang? Ang Steffano brothers ay gusto ako? Pero paano nangyari 'yon?

"Kapag gusto n'yo ang isang babae, kailangan ba talagang manghalik?" nahihiya kong sabi dahilan para tumawa nang mahina si River.

Hinila niya ako palapit sa kanya at dahil sa nanlalambot ang mga tuhod ko sa ginawa niyang paghalik sa akin ay hindi na ako nakapalag. Hinapit niya ang baywang ko gamit ang isang braso niya at muling isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Kung seryoso man siyang gusto niya ako, marahil ay totoo iyong nararamdaman niya dahil sa pagkakaalam ko mula sa pocketbooks na nababasa ko ay lumalakas ang tibok ng puso ng isang tao kapag kasama at kaharap nito ang taong gusto o mahal niya.

"Yes, at sa'yo lang naman namin ginagawa 'yon. I've never felt this way before, Yareli. I'm sure I already like you. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin naming umuwi sa Maynila at dahil 'yon sa'yo." mahinang sabi ni River at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Wala akong masabi. Napakastraightforward pala ni River. Sa kanilang magkakapatid ay nakikita ko na siya ang nagpapaka _kuya_ sa kanila dahil siya ang pinakamatanda, at siya rin iyong handang suwayin at hindi kunsintihin ang mga kapatid niya sa maling ginagawa ng mga ito.

"Remember what Irvin said? Kaya siya nagalit sa kaibigan mong si Ronnie at muntik na silang mag-away ay dahil nagseselos siya sa kanya." tumawa nang mahina si River at umiling pagkatapos.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang ikinilos at sinabi ni Irvin kay Ronnie sa mall. Nagseselos pala ito dahil may gusto rin ito sa akin. Hindi ko akalain na magugustuhan ako ng Steffano brothers at mukhang seryoso nga sila dahil hinalikan na ako nina River at Amir.

Hahalikan rin kaya ako nila Efraim, Irvin, at Grant dahil gusto rin nila ako?

"H-Hindi ba kayo hinahanap sa inyo? Wala rin ba kayong mga trabaho sa Maynila kaya puwede kayong magstay ng matagal dito sa San Felicidad?" Iniba ko na lang ang usapan dahil masyado na akong naiilang sa inamin ni River.

"Efraim, Irvin, and I are currently working pero nagleave muna kami nang ilang linggo pansamantala sa trabaho para lang magtagal dito sa San Felicidad so that we can always see you, pero iniiwasan mo naman kami at hindi ka rin lumalabas dito sa bahay ninyo." Sumeryoso ang mukha niya at mukhang nagtatampo na.

"Sa tingin ko kasi ay kailangan ko na kayong layuan dahil magkaiba ang estado ng buhay natin. Iniisip rin ng ibang tao dito sa San Felicidad na kaya ako nakikipaglapit sa inyo ay dahil sa gusto ko raw kayong paibigin at kapag napaibig ko ang isa sa inyong magkakapatid ay gagamitin ko 'yon na paraan para umahon ang pamilya ko sa kahirapan." pag-amin ko.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon