Amir's POV
GUSTO kong matawa sa pinagsasabi ni Dad sa aming limang magkakapatid at kay Juancho. Paano ko naging kakambal si Juancho? Magkamukha ba kami para maging kambal? At isa pa, I hate this moron, ni hindi nga kami magkasundo niyan, e, kaya paano ko siya magiging fraternal twin kung wala naman akong maramdamang lukso ng dugo sa kanya?
I didn't hesitate to punch Juancho's goddamn face, which caused chaos inside the mansion. Grant already sent Yareli back to her family, and we will only find out from River, Efraim, and Irvin that this bastard of a man cheated on Yareli with Amanda!
Ano ang karapatan niyang pagtaksilan si Yareli na babaeng kinababaliwan namin magkakapatid na Steffano? Napakasuwerte niya dahil siya ang minahal ni Yareli, tapos sasaktan niya lang ang babaeng mahal namin?
"Amir, don't hurt your brother!" pag-awat sa akin ni Dad dahilan para kuwelyuhan ko siya habang nanginginig ang mga kamao ko sa galit.
"What? He is my brother? I have no time for your jokes, Dad! Paano ko magiging kapatid 'yan e, kinasusuklaman ko 'yan simula noong bata pa lang kami?!" sigaw ko habang hinihingal sa matinding galit.
Bumuntonghininga si Dad at hindi niya alintana ang galit na nararamdaman ko. "Diana is not your real mom, Amir. Aksidente kong nabuntis si Lorena na pinsan ni Serene. Serene and Lorena have a lot of resemblance, which is why I fell for her and got her pregnant, resulting in both of you, Amir and Juancho. Ibinigay ko si Juancho kina Vicente at Josefina para sa kaligtasan ninyong magkapatid. Hindi puwedeng kunin ko rin si Juancho at isama sa pamilya natin dahil ayoko nang dagdagan ang pagkamuhi sa akin ni Diana. I'm sorry, Amir. I'm sorry for lying to you and your brothers," he said and immediately burst into tears.
Itinulak ko siya at hindi ko mapigilang maging emosyonal. Kaya pala noon pa lang ay nararamdaman ko nang hindi ako gano'n kamahal ni Mom Diana, ayon pala ay dahil hindi ko siya tunay na ina. Kaya pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa pagkatao ko.
"The fuck? Now I know it, that's why Mom and Dad don't seem to care that much about me dahil hindi ko pala sila tunay na mga magulang at ikaw ang ama ko? Ako ang sumalo sa lahat ng hagupit at pagpapahirap sa akin ni Lolo dahil anak mo lang ako sa labas? Kaya pala noon pa lang ay pakiramdam kong hindi ako gano'n kamahal ni lolo. I live in hell here in San Felicidad, tapos ngayon sasabihin mo sa 'kin na anak mo ako at kakambal ko si Amir?" sigaw ni Juancho habang nakaupo sa sahig at nagdurugo ang ilong gawa ng pagsuntok ko sa kanya.
I can't believe this is happening right now! Juancho is my twin brother. Kahit pagbali-baliktarin ang mundo ay kapatid ko siya. Paano ko 'yon matatanggap kung siya rin mismo ang karibal namin sa puso ni Yareli?
"Marami akong naging pagkukulang sa'yo, Juancho at patawad sa lahat. Sorry if your grandfather put you on a pedestal just to train you one day for your leadership in San Felicidad. Hindi mo dapat dinanas ang pagpapahirap niya sa'yo kung nasa poder kita. I know my sorry was not enough for you to forgive me, but I regret everything I did before . . ." Dad knelt in front of Juancho and me.
Wala akong maisip na sasabihin. Punong-puno ng galit ang dibdib ko. Hindi ko matanggap na sa isang iglap lang ay malalaman kong kakambal ko ang kinamumuhian kong si Juancho.
"This is so funny! Who would ever thought na kapatid pala namin ang karibal namin kay Yareli at pinagtaksilan mo si Mom, Dad?" Grant said and laugh.
"He is also part of the Steffano brothers, that's why we have similar personalities, well except for being a cheater," Irvin said, grinning at Juancho.
Hinarap ni Juancho sina Tito Vicente at Tita Josefina na kanina pa nanonood sa pagtatalo namin. Umiiyak si Tita Josefina habang pinapatahan siya ni Tito Vicente.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)
Fiction généraleSi Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kontento na siya sa kanyang buhay kasama ang kaniyang pamilya at mga matalik na kaibigan. Pero simula nang makilala niya ang Steffano brothers na sila Ri...