Chapter 42

41.7K 1.1K 515
                                    

Yareli's POV

PUMAYAG na ako sa kagustuhan ng Steffano brothers na tumira na kami sa Maynila. Sa sinabi sa akin ng pamilya ko na dapat ay bigyan ko ng tsansa ang magkakapatid para makabawi sa lahat ng pagkukulang at mga naging kasalanan nila sa akin ay nakumbinse ako. Ito na rin siguro ang simula para tuluyan ko na silang tanggapin ulit sa puso ko. Susugal ako dahil kung hindi ay baka pagsisihan ko ito sa huli. Lumalaki na rin si baby Hershe at gusto ko na matutukan siya ni River at maibigay ang lahat ng pangangailangan nito.

Ibabaon ko na sa limot ang mga hindi inaasahang nangyari dahil kung patuloy ko lang itong babalik tanawin ay hinding-hindi ako makakamove-on sa nakaraan at hindi mararanasang maging masaya.

Ngayon na kami lilipat sa Maynila at nakahanda na ang lahat ng mga gamit na dadalhin namin ni baby Hershe. Hindi na ako nagdala pa ng maraming gamit dahil sinabi nila Irvin na may binili na silang gamit para sa amin ni Hershe. Iwan ko na lang raw muna ang iba pa naming mga gamit kung sakaling bibisita kami sa San Felicidad para dumalaw.

Ayaw sumama sa amin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah dahil mas gusto nila na nandito lang sa San Felicidad. Binilinan nila ako na kung may kailangan ako ay tawagan ko lang sila. Kahit ano'ng oras din ay puwede ko silang puntahan kung sakaling ma-miss ko sila. Hindi ako hinusgahan ng pamilya at mga kaibigan ko kung nagmahal man ako sa limang lalaki. Suportado sila sa naging desisyon ko maging pati na si Juancho.

Alam ko na hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin siya sa kinahantungan ng relasyon naming dalawa pero may mga bagay talaga na kahit kailan ay hindi na maibabalik sa dati. Masaya na rin siya para sa akin. Sana balang araw ay matagpuan niya ang babaeng tunay na magmamahal sa kanya na mamahalin niya at 'yong hindi siya iiwan.

Nasa labas ako ng bahay at hinihintay ang magkakapatid na dumaan muna saglit sa mansyon ng mga Steffano para kunin ang mga gamit nila. Si baby Hershe naman ay nasa loob ng bahay at abala sa pakikipaglaro kay Jingjing na malapit na ang ika-apat na taong kaarawan.

Habang naghihintay ako ay laking gulat ko nang makita si Jestin na nakangiti at naglalakad papalapit sa akin habang nakapamulsa. Nakasuot ito ng itim na sumbrero at puting t-shirt habang nakapamulsa sa suot na faded jeans.

"Hi, Yareli!" bati niya nang makalapit sa akin.

Kinabahan ako at napaatras ng kaunti sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo dito, Jestin?" tanong ko.

"Masama bang dalawin 'yong crush ko? Kumusta ka? Parang hindi ka nanganak, ah? Maganda at sexy ka pa rin," sabi niya habang sinisipat ang buong katawan ko.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa ikinikilos ni Jestin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago kahit pamilyadong tao na siya. Nagbubuhay binata siya at hindi magawa ang responsibilidad sa pamilya nito.

Hindi na nakapag-aral ng kolehiyo si Jestin matapos nitong makabuntis. Muntik pa nga itong mapatay ng Tatay niya nung malaman iyon. Sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho siya ngayon sa Gas station sa bayan ng San Felicidad.

"Umalis ka na rito, Jestin. Asikasuhin mo na lang ang asawa't anak mo," sabi ko ng madiin.

"Yareli naman, kadarating ko lang dito tapos paaalisin mo na agad ako? Hindi mo man lang ba ako na-miss? Sa loob ng dalawang taon e, ngayon lang ulit kita nakausap. Magkababata naman tayo, 'di ba?" nakangisi niyang sabi.

Napapikit ako sa inis. Hindi ko alam na may ikakapal pa si Jestin sa pagmumukha. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya kina Ronnie at Mayet ay mukhang wala siyang bahid ng pagsisisi at ngayon ay guguluhin niya ako.

"Sa tingin mo ba magiging maayos pa tayo pagkatapos mong lokohin si Mayet at traydorin si Ronnie?" naiinis kong sabi.

Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "Yareli, nambabae ako dahil ayaw mo naman sa akin. Binaling ko ang atensyon ko sa kanila at ginamit ang katawan nila dahil kusa nilang ibinigay 'yon. Minahal ko naman si Mayet pero hindi sapat 'yon para makalimutan kita. Ngayon, nandito na ulit ako at sumama ka na sa akin. Magpakalayo-layo na tayo. Aakuin ko na lang 'yang anak mo at handa kong iwan ang asawa't anak ko para lang sa'yo," sabi niya at akmang yayakapin na sana ako nang umiwas ako.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon