Third Person's POV
SA buong buhay ni Yareli ay ngayon lang siya nakaramdam ng inis at selos sa isang tao. Kahit noong naging magkasintahan sila ni Juancho ay hindi naman siya iyong tipo ng babae na naiinis at nagseselos. Likas nang babaero si Juancho kaya parang wala na lang sa kanya kung may kasama itong ibang babae kahit mahal niya ito. Ngayon ay iba na, pagkatapos ng dalawang taon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Joanna. Ang babaeng halatang may interes pa rin kay River.
Hindi yata makaramdam ang babaeng ito dahil kahit nalaman nitong may anak na sila ni River ay todo pa rin ang harapang panlalandi nito. Mas nagngingit siya sa inis at selos dahil si River naman ay mukhang aliw na aliw kay Joanna habang nagkukwento at kumakain sila sa isang restaurant sa loob ng mall. Sumama na lang bigla sina Joanna at Jordan sa kanila dahil nagugutom na raw sila at naghahanap ng kakainan kaya sumabay na ang mga ito.
Hindi rin ba makaramdam ang River na 'to na ayoko kay Joanna? Lalo pa't nalaman kong may nangyari sa kanila noong high school pa lang sila? -sa isip ni Yareli.
Masama man na mainis at magselos sa taong wala namang ginagawang masama sa'yo ay hindi mapigilan ni Yareli. Tao lang rin siya at may pakiramdam, isa pa ay mahal niya si River kahit may ginawa itong kasalanan sa kanya noon. Pinatawad niya ito dahil mahal niya ito at ama rin ng anak niyang si Hershe.
Si Jordan naman ay halos hindi na maialis ang tingin kay Yareli habang nakikita niyang sinasamaan nito ng tingin ang kapatid niya. Napakaganda kasi nito at mukhang kaedad lang niya. Nanghinayang siya nang malamang nagkaanak na ito sa high school friend ng kapatid niya na si River at kasama nila ang bata. Hindi rin niya maintindihan na sa tuwing makikita niya si Yareli ay palagi nitong kasama ang mga lalaking kapatid ni River. Napapansin rin niya na sinasamaan siya ng tingin ng mga ito.
Ano ba ang ibig sabihin? Si River lang naman siguro ang boyfriend ni Yareli? Napailing si Jordan sa iniisip. Imposible naman iyon. Kahit may anak na si Yareli ay parang dalaga pa rin ito kung titingnan. Sexy pa rin at parang hindi dumaan sa stage ng pagbubuntis. Napakasuwerte naman ni River dahil may asawa siyang ubod ng ganda at sexy!
Hindi mapigilin ni Jordan na mapangisi nang makita na lantaran ang panlalandi ng kanyang nakatatandang kapatid kay River. Kilala niya ang kanyang ate. Marami na itong naging boyfriends na kung minsan ay dinadala sa bahay nila. Hindi naman sila nagkakaiba ni Joanna dahil gano'n rin siya pero mas sumobra nga lang ito kumpara sa kanya.
Halatang may interes ito kay River na hindi napapansin ng lalaki. Nagdidiwang si Jordan sa kanyang isip na kapag nasira ang relasyon nina Yareli at River ay may pag-asang matikman niya saglit si Yareli. Ang mga ganitong klaseng babae ang hindi dapat pinapalampas dahil hindi ito iyong tipo ng babae na basta-basta na lang mahihila sa bar o sa ibang lugar.
Kung sa pisikal na kaanyuan ay sumobra ang biyaya rito. Hindi nga niya aakalain na makakakita pa siya nang ganito kaganda at kasexy na babae sa buong buhay niya. Ni wala yatang pangit na makikita dito dahil lahat ay maganda at perpekto. Para itong isang prinsesa na mahirap abutin at hawakan.
"River baby, we can hang out sometimes? Just like the old times. Hindi naman siguro magagalit si Yareli?" tanong ni Joanna kay River na nakakapit sa braso nito.
Tumingin si River kay Yareli na napansin niyang masama ang tingin sa kanila ni Joanna. Pilit niyang inaalis ang braso ni Joanna pero ayaw itong tanggalin ng babae.
Ramdam ni River na nagseselos si Yareli kay Joanna kaya balak niyang umuwi na sila. Naaliw lang naman kasi siya mga ikinukuwento ni Joanna tungkol sa mga naging kalokohan nila noong high school pa lang sila at hindi na niya napansin si Yareli at ang mga kapatid niyang blangko ang tingin sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/284518144-288-k462630.jpg)
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kontento na siya sa kanyang buhay kasama ang kaniyang pamilya at mga matalik na kaibigan. Pero simula nang makilala niya ang Steffano brothers na sila Ri...